p r o t e c t i o n 27

1K 39 11
                                    

This chapter is dedicated to @hztgalaxy . Hi! Thank you for voting this story chingu~ ^___^

"BUNTIS!? Sino?!" sigaw ni Chase at bigla itong napatayo

"Easy lang." pagpapakalma ni Levi kay Chase

Di ka naman makapagsalita dahil baka nga? Hala! Baka may nabuo!? Meron nga!? Check niyo!? Hala! May anak na kayo ni Josiah! Hala! Magiging lola na nanay mo! Hala! HAHA! May magiging baby shower na magaganap! Hala! Hala! Hala! Hala! Bongga ka day! Bongga ka day! Sige lang, sige lang! Itaas ang kilay! LOL

Napapikit ka nang mariin as in mariin na mariin yung grabe na mariin at bigla mong narinig ang pagtatawanan ng dalawang bruha.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" tumawa nga sila ng literal

"Ikaw naman kasi Nathan! Ang haba na nga ng baba mo, pero umikli naman ang pag-iisip mo! Ano ka ba!" sita ni Chase kay Nathan na inosenteng umupo katabi si Levi at ininom na nito ang iced tea niya matapos niyang lagyan ng straw.

Tumigil siya sa pagsipsip at nakatingin lang ito sa inyo.

"My mom is an OB specialist, I know what will be the symptoms if you are pregnant." Simpleng sagot nito at uminom ulit.

"Ang sabihin mo, nakaranas ka na. Pero hindi si Natasha ang nabuntis, ikaw! Sa baba mo nalagay ang bata! Iire mo na nga!" pabirong sabi ni Levi habang hinahawakan nito ang baba.

Agad naman itong nakatanggap ng binugang juice. Okay, ang ew nila.

"Pa check up mo kaya." Suggestion ni Skyler na seryosong nakatingin sa iyo.

"Kung makapag-utos, akala mo namang ikaw ang nakabuntis!" hirit pa ni Levi pero inirapan lang naman siya ni Skyler.

***

"Isang pregnancy test po." Sabi mo sa tindera ng pharmacist at agad kayong nakarinig ng bulong-bulongan.

"Mga batang 'to, ang lalandi." Bulong nung ale na kakahuha lang ng nakacellophane na drive max.

"Mga hindi edukado." Sagot naman ni kuya na driver ng tricycle na may bitbit na trust condoms.

"Para kanino?" tanong nung tindera at nagkatinginan naman kayo.

Naki intriga pa talaga si ate ha!?

Napalunok ka at sinapak mo si Kelly na nakatingin lang nung mga paninda.

"Para kanino raw!" sinungitan mo siya at nagulat pa siya.

Tinanong niya ang katabi niyang si Sam at umiling ito.

"Kanino raw?" tanong ni Sam kay Chase

"Lalaki ako! Huwag kang tanga diyan!" inis na sagot ni Chase

"Hoy, para kanina raw." Tawag niya kay Skyler

"W-Wala akong kathalanan." Inosenteng sagot nito at tinapik niya si Nathan.

"Bitch please, I'm too fab." Sagot ni Nathan at binatukan si Levi na nakangising humahawak ng tray na nasa harapan niya.

"Para kanino raw ang pregnancy test!" sigaw ni Nathan kay Levi at bigla naman itong natauhan

"Para sa akin?" di siguradong sagot nito.

***

"Matagal pa ba?" naiinip na tanong ni Kelly at kanina pa ito katok nang katok sa cubicle kung saan ka pumasok

"Di uso maghintay!?" inis mong sagot at narinig mong sinipa nito ang pintuan.

"Sis Sam, paano nga yung positive?" rinig mong tanong ni Kelly kay Sam.

"Ewan, di naman ako nabuntis e." sagot ni Sam

Nakatutok ka lang sa hawak-hawak mo at hindi mo rin pala alam kung ano ang palatandaan. Pero unti-unting nagkakaroon ng guhit ang pregnancy test at nanlaki ang mata mo at agad kang lumabas.

Napalingon ang dalawa sa iyo at naghihintay ng balita mo.

"Ano na?" excited na tanong ni Sam

"Is it a boy or a girl?" tanong naman ni Kelly at agad naman itong napasalampak sa sahig dahil sinipa ni Sam. Anong klaseng tanong.

Hindi ka na sumagot at kumaripas ka na ng takbo. Hindi mo na rin pala napansin ang apat na lalaking nakastanby sa ladies' room.

"Saan ka pupunta?" sigaw ni Chase sa iyo

Hindi ka na nag abalang sagutin si Chase dahil agad kang pumunta ng classroom niyo.

Sakto namang may tao sa loob at nag-uusap ang magjowa. O? Outsider ang babaeng ito ah? Bakit na naman siya nandito!?

Hindi ka kaagad pumasok at nakinig ka nalang sa pinag-uusapan nila.

"Josiah, hindi pa rin tayo hanggang ngayon." Pagsisimula ng boses babae at alam mong si Celine ito.

"I know." Sagot ni Josiah

"It's almost 2 weeks Josiah, simula 'nung pinakilala mo ako sa mga friends mo, including Stephanie." Dagdag ni Celine

"Akala nila na tayo na pero hanggang ngayon pala, hindi pa." naiinip ang tono ng boses niya

"Hey look at me." Malalim na tono ang binigay ni Josiah sa kanya.

"Ngayon ko na sasabihin sa iyo. I already made a choice." Sabi pa nito

"What is it Josiah?" tanong ni Celine

Josiah's POV

Dalawang linggo na at sapat naman siguro na malaman ni Celine kung ano ang pinaparating ko sa kanya.

Buo na ang desisyon ko.

Being with her is the most incredible thing happened in my life. Dahil pinapasaya niya ako, alam kong mahal niya ako, at mamahalin ko rin siya.

Naiintindihan niya ako.

Sawang-sawa na ako sa mga babaeng sinasabihan akong tanga, gago, nakakainis. Parang nag eexist lang ako para pagbuntungan ng sama ng loob.

Dalawang buwan na ang nakalipas at nakayanan kong hindi siya pansinin.

Alam kong tama ang desisyon ang gagawin ko ngayon.

Ang maging girlfriend si Celine.

Hinawakan ko ang kamay ni Celine saka ito hinalikan.

"Celine, thank you. At dahil diyan...BIGYAN NG JACKET!"

LOL.

Cut---

"Celine," pag-uumpisa ko

Siya na nga. Wala ng iba.

"Will you be--,"

Biglang bumukas ang pintuan at sabay kaming napatingin ni Celine.

Nagulat ako dahil umiiyak si Stephanie. Bakit ba ito umiiyak?

"HOY JOSIAH! BUNTIS AKO LANGYA KA!"

sigaw niya kaya bumagsak ang kinauupuan ko sa sinabi niya.

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon