F o r g o t 25

1.2K 36 0
                                    

Nakauwi ka na kaagad ng bahay niyo at di na nakipagkita sa parents mo papasok ka palang ng elevator,

"How's Josiah today?" tanong ng mommy mo

Napansin mong nagclose na ang elevator at nasa labas ka pa rin, napairap ka nalang at bumuntong hininga,

"Siya nalang sana ang naging anak niyo, hindi ako ang nag-aalaga sa kanya at wala na akong. pakelam sa kanya kaya,"

Pinindot mo na ang elevator at dali-dali kang pumasok para hindi na maki chismis ang mommy mo.

kinabukasan (Hindi na ito patatagalin pa!)

Pagkapasok mo ng classroom ay tahimik pa, napatingin ka sa relo mo at halos lumuwa ang mata mo sa nakita mo, 5am pa pala.

8am kasi ang klase niyo, katangahan nga naman!

Binalewala mo nalang, umupo ka nalang sa armchair mo at nagmukmok. Ayaw mong pumunta sa cafeteria baka kasi may makita ka na namang masamang elemento (naghaharutan at nagmemake out) choss,me ginawa mo na yan with Josiah pabebe ka pa talaga no? LoL.

Sinubsob mo ang mukha mo sa armrest.

Inaantok ka pa nga at napag-isip-isip mong matulog nalang muna.

"Good Morningggggggggg!"

Napamulat ka ng mata at nakita mo ang di ginustong makita ngayong araw! Hindi, araw-araw pala! Ayaw mo talagang makita ang taong ito lalo pa't hinalikan ka nito noon.

"The Hell Levi! Ano ba?!" sinigawan mo siy at tinapunan ng upuan

Umilag naman siya tapos tumawa,

"Easy lang, meron ka yata may extra ako dito, with wings diba?" nakangisi niyang tanong sa iyo kaya mas umusok ang tenga mo at tinapunan siya ng kung anu-anonh bagay na malapit sa yo.

"Tama na yan!" sigaw ng lalaki mula sa labas...si Nathan...pumasok kaagad ang iba pang barkada ni Levi.

"Mga abnoy anong ginagawa niyo dito sa school namin? E may pasok pa kayo diba?!"

"Bumisita lang kami." seryosong sagot ni Mr. Poker Face na si Skyler

"Ano to hospital? Nandun si Josiah sa ER nag-aagaw buhay!" sarkastiko mong sabi kaya nainis na naman si Skyler sa iyo at ang iba naman ay nagtatawanan!

"May seminar kasi dito, ininvite ang school namin, dito kasi yun iheheld." pagpapaliwanag ni Chase na mukhang babae. Bakit mas maganda pa si Chase sayo Steph? Haha!

Napairap ka nalang dahil sa sinabi ng author. XD

"Anong klaseng seminar?" tanong mo sakanya

"LEADERSHIP SEMINAR." sabay-sabay nilang sagot kaya napatawa ka nang malakas.
Malamang hindi naman kasi mukhnag leader ang barkada ni Josiah e, mga bully siguro mas totoo pang tingnan!

"Ang aga-aga nagjojoke kayo!" tumawa ka pa nang malakas

"Naku kung di lang babae to kanina ko pa to pinabugbog ng gang namin e." inis na sabi ni Skyler na nakatingin ng masama sa iyo.

"Grabe? Totoo nga? Haha! Wait...(huminga) ano naman ang position niyo? Peace officer ba? Naku baka pucho pucho lang ang posisyon niyo!"

"President, Vice, Secretary." sagot ni Nathan

"Nak ng..."

"Kaya tumahimik ka na diyan." sabi ni Levi

"Anong oras na ba Sky?" tanong ni Chase kay Skyler

"May wristwatch ka naman diba kaya bakit ako pa ang tinatanong mo?!" galit na saad ni Skyler

"Ikaw'ng bata ka! Hindi digital ang relo ko!" sinapak ni Chase si Sky tapos inawat naman sila ng iba baka lalaki pa ang gulo.

"Saan si Josiah? Balita ko inaway mo daw yun kahapon? Tumawag nga siya sa amin e." sabi ni Levi at lumapit siya sa iyo.

"Wala akong pakealam sa kanya."

"Kahit may girlfriend na siya?"

Napatingin naman ang lahat kay Levi pati ikaw rin.

"Huh? Akala ko sila ni Stephanie?" --Nathan

"With benefits lang sila." komento ni Levi kaya sinapak mo kaagad.

"Sino girlfriend niya Levi? Wala naman siyang sinabi sa akin e," --Chase

"Meron yun, sabi niya sa akin kahapon." --Levi

"Nagkita kayo?"--ikaw

"Secret." --Levi

"Bwisit talaga!" inis mong saad

"SELOS." tukso nilang lahat sayo.

"Seminar niyo na, lumayas na nga kayo dito."

"Para makaiwas! Lol! Wag na Steph alam na namin ang mga ganyang style, wag kang mag-alala hindi naman seryoso si Josiah sa mga relationship e." --Chase

"Kailan pa ba siya naging seryoso?!" --ikaw

"Edi nung---" Levi

"Levi! Nood tayo ng Fifty Shades!" sigaw ni Skyler

"Mga manyak talaga!" --Chase

"Oo nga! Adik! Mga lumot ang utak! Pero tara saan tayo?" tanong ni Nathan sabay akbay kina Levi at Skyler

"Diba may AVR dito?" --Skyler

"Gago ka ba? Malaki yun tapos baka may makakita sa atin tapos..." --Chase

"Pwede namang ilock diba?" --Skyler

"Ang kakapal talaga ng mga mukha, school niyo ba ito!?" ikaw

"Sama ka nalang!" pagyaya nila sa yo.

"Ayoko nga!"

"Asus, na try mo na tapos aayaw ka pa?!" Levi

"Gago ka talaga kahit kailan e!" bintukan mo si Levi

Time Check 5:43 pa kaya sumama ka nalang. Ang awkard nga lang! Ikaw lang yung babae tapos, ay wag nalang isipin.

Nagsa-start pa lang ang movie,

Naka projector ang movie at nakita niyong kakapasok lang nila Chase at Skyler at may bitbit na pagkain, inayos naman ni Levi ang surround speakers para mas effective daw ang pag iimagine niya. Shunga talaga!

Si Nathan ang katabi mo sa kanan sa kaliwa naman si Levi, bale iisang line kayo naka upo.
(Levi, Ikaw, Nathan, Chase, Skyler)

"Punta ka na! Ayan na ayan na! Geezz! Pare malapit na!" kanina pa nagsisigaw si Levi at nakatutok sa movie na may kausap sa phone,

Pinapakita pa lang naman ang intro ng movie.

"Pare, ending na! Wag ka ng pumunta!" sinigawan ni Levi ang kausap sa phone tapos bigla siyang tumawa

"Papunta si Josiah dito! Yung gagong yun, hindi makapagpigil! Tsk!" announce ni Levi sa inyong lahat.

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon