Chapter 2

1.2K 30 2
                                    

University Royalties #2: Elation From Sudden Royalty - Chapter 2


"Bakit ko naman siya papakasalan?" Nababaliw na ba ang lalaking iyon? May tama na siguro ang utak no'n. At bakit ako pa?


"Sinabi ko naman sa in'yo e, may koneksyon tayo sa Arelle. Kaibigan ng lolo mo ang hari ng Arelle, hindi lang basta-basta kaibigan, bestfriends sila. Malaki ang utang na loob ng pamilya nila sa atin. Namatay ang papa para lang protektahan ang pamilya nila. Kapalit ng utang na loob nila, ikakasal ang isang babae sa pamilya natin na kasing-edad ng mga anak nila na magiging kasunod na hari ng Arelle."


"Royal family, 'pa?" Namangha si Nathan. "Kapag ba nagpakasal si ate Isabella kay Prince Austin, magiging royal family din tayo?"


Walang pumansin sa kaniya. Nag-patuloy lang sa pagkain si mama at papa. Kahit ako ay hindi na nag-abala pang sumagot. 


Nag-salubong na ang mga kilay ko nang dumako ang pangalan ni Nathan sa akin, halatang may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan! Tinapik niya ang siko ko. "Ate. Pakasalan mo na si kuya Austin. Pogi naman, e."


Maka-kuya, akala mo naman talaga. Ayaw ko sa matapobre na iyon. Ni hindi ko nga siya kilala.


"Hindi ako mag-papakasal sa lalaking hindi ko naman kilala, Nathan," nagpa-tuloy ako sa pagkain.


"Pero, bakit ate?" napakamot siya sa ulo niya. "Tinutulungan na nga nila tayo, e."


"Kung gusto talaga nila tayong tulungan, edi sana ay hindi sila humihingi ng kapalit," sabi ko na lang. Totoo naman, 'di ba? Gusto nilang pakasalan ko ang anak nilang magiging hari ng Arelle para mayroon silang reyna, at ako ang gusto nila para masuklian nila ang utang na loob nila. Hitting two birds with one stone, ika nga nila.


"Pero ate-"


"Huwag mong guluhin ang ate mo, kumain ka na," walang emosyong sabi ni mama. Buti na lang at sumunod agad si Nathan.


Matapos kumain at mag-hugas ng pinggan, nawala na sa paningin ko sina mama't-papa at Nathan. Si mama siguro ay nag-hahanda ng para sa live selling niya mamaya. Bukod kasi sa pag-titinda ng kakanin sa palengke at kung saan-saan, nag-titinda rin si mama ng mga pre-loved clothes namin sa Facebook live bilang dagdag kita. Tumutulong rin sa kaniya si Nathan bilang taga-video at assistant niya. Pagka-labas ko ng pinto ng bahay namin, nagulat ako nang may humawak sa braso ko. Si papa lang pala.


"Kung ayaw mo anak, huwag mong ipilit." Tinapik niya ang balikat ko. "Pasensiya ka na kung ikaw lagi ang kailangan gumawa ng paraan. Pasensiya ka na kung ikaw ang na-aagrabyado."


Ngumiti na lang ako sa kaniya nang tipid. 


"Madam!"


"Ang ingay mo, Venice." nag-aaral ako para sa test namin mamaya gamit ang hiram kong libro sa blockmate ko nang guluhin ako ni Venice.


Kahit talaga magkaiba kami ng course, dinadayo niya pa rin ang department building namin para lang daldalin ako.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now