Chapter 13

654 25 2
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 13


"Let's go shopping," pag-yaya sa'kin ni Austin. "You need clothes, right?"


Si Austin na naman ang bumungad sa'kin pagka-labas ko ng kwarto ko ngayong umaga, naka-suot siya ng Sacai panelled long-sleeved T-shirt. Sa totoo lang, natatakot ako na baka masanay na ako sa kaniya. Baka hanap-hanapin ko siya kahit isang beses lang siyang tumigil sa mga palagi niyang ginagawa... katulad ng pag-hihintay niya sa'kin sa labas ng kwarto ko tuwing umaga.


"Ha? Hindi na, okay lang naman mga damit ko," pag-papalusot ko. Nag-aalala kasi ako sa sinabi ni Aurian kagabi. Natatakot ako na baka nga pangunahan ako ng emosyon. Natatakot ako na maulit ang history.


"You need dresses to wear at the palace," pag-pupumilit niya.


Sinubukan kong mag-isip ng ipapalusot pa, pero wala na talaga. Hindi na ako tumanggi dahil alam kong kahit anong argumentong sabihin ko, siya pa rin ang mananaig.


"Nasaan si kuya driver?" Hinahanap ng mga mata ko ang limousine na palagi naming sinasakyan.


"We don't need a driver, I'll drive," sabi niya at nilabas ang car keys niya. Napa-uwang bibig ko nang makita sasakyan niya, personal car niya yata ito. Putraguess, Tesla na puti ang sasakyan ni Austin niyo.


Nakita ko ang pag-bukas pataas ng pintuan ng Tesla niya. Minsan na nga lang ako makasakay ng sasakyan, ang lagi ko pang nasasakyan mga mamahalin! Ang swerte ko naman kung ganoon.


Single digit ang plate number ng sasakyan ni Austin. Sabi niya noon sa lecture niya sa'kin, mga makapangyarihang tao lang ng Arelle ang may single digit na plate number. Meron ring maliit na bandila ng Arelle sa harapan ng sasakyan ni Austin. Pang-royal family lang ang mga may bandila ng Arelle sa harapan ng sasakyan.


Para ngang gusto kong tanggalin ang bandila roon e, baka pagka-guluhan na naman kami nito dahil sa kaniya.


Nang pasakayin ako ni Austin, hindi rin ako nag-sisi sa pag-yayaya niya. Naalala kong ngayon lang ako naka-labas ng palasyo at makakapag-libot. Sa wakas!


Abot hanggang mga mata ang ngiti ko habang nag-mamaneho si Austin at napapa-daan kami sa mga tourist destinations ng Arelle. Napaka-ganda talaga.


"Baka naman mabanat na labi mo sa kaka-ngiti niyan," biro niya. Tinignan ko siya at may maliit na ngiti sa labi niya kahit nasa kalsada ang tingin niya. 


Pagka-baba ng sasakyan ni Austin, pinag-buksan niya ako ng pintuan ng sasakyan para maka-labas ako. Gulat ako dahil walang lumapit sa'ming mga tao.


"Bakit walang nagpapa-picture sa'yo dito?" curious kong tanong ko sa kaniya. "Mas sikat ka pa pala sa Pilipinas kaysa sa sarili mong bansa."


"It's in the law that citizens of Arelle can't invade the royal family's privacy. They can stare all they want but they can't get our autographs, pictures, or even have a conversation with us," pag-papaliwanag niya. Napa-'o' na lang ako.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now