Chapter 33

766 23 0
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 32


"Loving you would make Austin lose everything. That's why I'll ask you while I'm still being nice... leave this palace quietly first thing in the morning. Ayaw mo naman sigurong idamay ang anak ko sa malas mo, hindi ba? It's a royal order."


Pagkagising na pagkagising ko, ang mahal na reyna ang bumungad sa'kin. She was kicking me out of the palace.


Nalaman ko lang rin na nawala na ang bata na dapat ay sisibol sa sinapupunan ko kaya bigat na bigat ako sa nararamdaman ko.


Nawalan na nga ako ng anak, mawawala pa sa'kin si Austin?


I found out that disobeying the royal order would serve as a death penalty, and I started to become scared of it. 


Narinig ko na ipinaglaban ako ni Austin kanina, narinig ko na sinabi niyang aalis rin siya ng palasyo kung papatalsikin ako rito. Masaya ako dahil ipinaglaban niya ako... but coming with me will only make him lose everything.


Ayaw kong mawala ang lahat sa kaniya dahil lang sa pagmamahalan namin.


"Someone will pick you up later. Ihahatid ka niya sa airport at sasakay ka sa private plane papuntang Pilipinas. We relocated your house, and you'll be coming to your new house away from the city. Nandoon na ang pamilya mo at malayo iyon para hindi ka mahanap ng anak ko. Never come to this palace again, or else we'll take everything away from Austin including his life," pag-babanta sa'kin ng reyna. 


Umalis siya at pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Tahimik akong umiyak dahil sa mga nangyayari. Alam kong kayang gawin ng reyna lahat ng sinabi niya kaya tahimik akong nag-dusa. I lost my baby... and I will soon leave the man I love for his own sake.


You have brought me so much joy, even for a days and weeks that I carried you within me. It was all pure joy. But losing you... is unimaginable. I can't even put my feelings into words.


Hinihimas ko ang tiyan ko na wala nang batang nabubuhay. My heart was broken. My soul was empty. My mind was full of thoughts and painful scenes.


"Love... I'm here." Tahimik na nag-lakad si Austin papasok ng room ko dito sa maliit na clinic nila at tumabi sa akin. Ngayon lang siya dumating dahil sabi niya ay pag-lulutuan niya ako ng pagkain. Dahil sa pag-alis niya, nakapasok ang reyna. "How are you?"


"Okay lang..." Kinagat ko ang labi ko para pigilang umiyak kahit pa nag-tutubig na ang mga mata ko at tila tutulo na.


"Hindi kita iiwan." Niyakap ako nang mahigpit ni Austin. "Magka-sama lang tayo, hindi kita papakawalan. Hindi mo rin naman ako iiwan, 'di ba?"


Natahimik ako saglit. I'm sorry, Austin.


"Hindi kita iiwan." Nginitian ko siya. 


Ngayon ko napatunayan... na hindi lahat ng umaalis, gustong umalis.


"As long as we have each other, I'm satisfied," bulong niya sa leeg ko habang yakap-yakap ako.


Hindi ko na napigilan ang pag-tulo ng luha ko. Umagos na iyon nang umagos dahil sa pag-yakap niya sa'kin. Parang ayaw ko nang bumitaw sa yakap na ito...


"Ipaglalaban kita hanggang dulo. Kahit kamatayan ko ang kapalit basta ikaw ang kasama ko sa huli kong hininga, masaya ako. Mabubuhay ako, Isabella. Magpapaka-layo tayo. Gigising tayo pareho na isa't-isa ang unang makikita natin. Gigising ako na mahimbing na pag-tulog mo ang bubungad sa akin. Ipagluluto kita palagi. I will stay by your side. We will go to all the places you want. We will grow old together. I love you. Please trust me on this," sinserong sabi ni Austin habang pinupunasan ang luha ko at nilalaro ang mga daliri ko para pakalmahin ako. Siguro iniisip niyang umiiyak ako dahil lang sa pagka-wala ng anak namin. Pero hindi lang iyon... umiiyak rin ako dahil lahat ng gusto niyang mangyari ay hindi mangyayari at imposibleng mangyari.


He kissed my forehead as my tears continue to flow. "I promise to be with you, Isabella. Huwag kang matakot... dahil kahit paglayuin 'man tayo ng mundo, kahit anong mangyari, sasamahan kita, hahanapin at hahanapin pa rin kita."


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now