Chapter 11

662 22 3
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties Series #2) – Chapter 11


Lumipas ang halos isang linggo nang hindi ko inaasahan.


It was a Saturday afternoon after lunch when a make-up artist and hair dresser knocked into my room. Aayusan daw nila ako para sa engagement party mamaya.


Halos dalawang oras rin nila ako inayusan, sa vanity table ko ako naka-upo kaya kita ko ang sarili ko sa salamin. Waterfall braid ang ginawa nila sa buhok ko at nilagyan ng mga bulaklak. Light make-up lang ang nilagay sa mukha ko dahil mas likas sa Arelle na ipakita ang natural beauty.


"Wear this, Your Highness," sabi ni Manang Melinda sa dala-dalang gold off-shoulder ball gown ng royal maid na nasa likuran niya. Napa-uwang ang labi ko dahil sobrang ganda no'n at halatang mamahalin. Para ngang hindi ba-bagay sa'kin.


It was quarter to 5 pm when they decided to bring me to the ballroom. Hirap akong lumakad dahil sa suot ko kaya inaalalayan ako.


Dinala ako sa top floor kung saan may dalawang hagdan pababa ng ballroom. Nasa right side ako ng stairs, samantalang si Austin ay nasa left side. Magka-salubong ang dalawang stairs na 'yun. A loud rhythmical trumpet was heard kaya napatingin ang mga tao at guests sa staircase kung nasaan kami ni Austin. Pinag-lakad na ako ni Manang Melinda kaya lumakad naman ako, kasabay ko si Austin na nag-lalakad rin kaya napako ang paningin namin sa isa't-isa.


Ngayon ko lang napagmasdan nang ganito ka-tagal si Austin. He was wearing a maroon royal prince suit na may bronze lining, naka-suot rin siya ng maliit na crown para sa mga prinsipe. Austin's hair was pushed back with wax, sunod kong tinignan ay ang eye brows niya na lalong nagpa-g'wapo sa kaniya. Ang nakaka-inis lang kay Austin, 'di manlang siya naka-ngiti! Ang g'wapo-g'wapo, 'di naman pala-ngiti.


Nang tuluyan na kaming magka-salubong at nasa tabi ko na siya sa staircase, bumulong siya. "Hold here," sabi niya. Nilahad niya ang braso niya para kumapit ako doon.


"Ge lang," sabi ko. Kumapit ako sa braso niya dahil sa totoo lang, hirap na hirap na akong mag-lakad dito sa suot ko.


"What did you say?" tumaas ang kilay niya.


"Sabi ko, g'wapo mo today. Smile ka naman diyan," bumulong ako nang 'di siya tinitignan dahil busy akong ngumiti sa mga guests nang maka-baba kami ng hagdanan. May cameras pang nag-faflash kaya tinodo ko na ang pag-ngiti ngiti ko sa gedli.


Nang mapagmasdan ko ang mga tao na guests ngayon, nanliit ako. Puro mga elites, businessmen, high-profile na mga tao, at mga royalties ang mga nandito. Lahat sila nag-uusap nang mahinahon, ang iba nag-tatawanan, habang may hawak na wine glass sa mga kamay.


Kung saan pumupunta si Austin, sinusundan ko lang siya. Wala naman akong kakilala dito kaya talagang siya lang ang puwede kung lapitan.


"You look good together," sabi ng isang matandang lalaki na naka-black na tuxedo. Hindi naman halata sa itsura niya na may ka-tanda-an na siya, ang g'wapo pa rin kasi, mukhang business man.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now