Chapter 21

681 24 8
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties Series #2) - Chapter 21

"Hindi ka kasi nag-iingat," binendahan ko ang sugat ni Austin sa kamay dulot ng bubog kagabi. Hind na dumudugo iyon ngunit nasagi iyon nang mag-bukas siya ng pintuan kanina kaya parang humapdi muli, kita ko kasi sa mukha niya na dinadamdam ang sakit nang patago. 


Ito kasing mga lalaking ito, takot makita na nasasaktan sila. Akala yata nila lahat ng makita silang umiiyak o nasasaktan ay huhusgahan sila, gayong hindi naman. May karapatan lahat ng nararamdaman, ayan ang laging sinasabi sa'min ni Chandra.


"Saan ka matutulog? Makakapag-maneho ka pa ba pauwi sa sugat na ganiyan ka-lala? Mahapdi ba mas'yado? Baka mapahamak lang kayo ni Ally," tuloy-tuloy kong pag-sasalita. Sobrang laki rin kasi ng sugat na iyon, sakop halos ang gilid ng palad niya kaya naawa tuloy ako. "Dito kaya muna kayo tumuloy ngayong gabi?" suhestiyon ko.


"If you insist, alright," mabilis na sagot niya. Hindi manlang siya nag-isip na baka hindi magustuhan dito ni Ally dahil walang aircon.


"Mag-iingat ka, baka lagnatin ka dahil sa laki ng sugat mong iyan. Baka mang-hina ka bigla, sabihan mo ako," pinag-sabihan ko siya.


"Hindi ako mahina, Isabella," seryosong sagot niya sa'kin. Tumango na lang ako. Sige, bahala siya.


Nakauwi na si Rivier at hindi manlang siya nag-paalam sa'kin. Okay lang rin naman para makapag-focus ako sa pamilya ko.


"I want My Little Pony! Dinosaurs are ugly!" Napatayo kami ni Austin sa garahe nang marinig na parang may alitan si Allyson at Nathaniel.


"What's wrong, Ally?" si Austin ang nanguna. Tulog na kasi si mama't papa, sabi niya bukas na lang kami mag-bonding tutal tanghali pa ang alis namin dito sa Pilipinas, kaming mga bata muna ang mag-bonding ngayong gabi.


"This boy! He keeps on insisting that we watch dinosaurs!" naka-turo si Ally kay Nathan ngayon habang hawak sa isang kamay ang kaniyang teddy bear.


"Don't you like dinosaurs, baby?" lumuhod ako sa harapan ni Ally. "Have you tried it? You haven't tried it, you should try first before you say that you don't want it." Naka-simangot ngayon si Ally pero halata namang nakikinig siya sa'kin.


"How about this?" panimula ni Austin. "Let's watch Jurassic Park first, then let's watch My Little Pony." suhestiyon niya sa mga bata. Agad na nag-agree si Nathan, ang kapatid ko. Nag-apir pa sila ni Austin. Masaya ako dahil nag-kakasundo sila.


"Fine," pag-suko naman ni Ally. Naupo na kami sa coach at in-on ko na ang TV. Napagigitnaan kami ni Austin ni Nathan at Ally. Ayaw yata nilang mag-tabi kahit anong pilit. Si Nathan, katabi ko. Samantalang si Ally ay katabi ni Austin.


"Ate, nagugutom ako." Napatingin ako kay Nathaniel dahil kaka-kain lang din namin ng hapunan. Gutom na ulit siya. 


"Me too, kuya." Pati si Allyson na hindi kumain ng hapunan ay nag-salita.


Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now