Chapter 26

692 23 0
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 26


DALAWANG LINGGO ANG LUMIPAS. Dalawang linggo ang lumipas at binabagabag pa rin ako sa final test ni Austin dahil iniisip kong baka sinabi niya lang na mahal niya ako para maisagawa ang final test niya, pero hindi ko masabi sa kaniya ang pagka-bahala ko kaya nag-kunwari akong okay lang ako. Ginawa niya naman ang lahat para bigyan ako ng after care pagkatapos ng nangyari katulad ng kadalasang pag-sabi na mahal niya ako at pag-yayaya na dalhin ako kung saan-saan, pero ewan ko kung bakit sadyang naiisip ko na baka ginagamit niya lang ako. Siguro ma-trust issue talaga ako.


Busy rin kasi si Austin at may ibang inaatupag kaya ayaw kong maging sagabal, hindi lang naman ako ang nag-aaral dito sa palasyo, si Austin rin, kailangan niyang aralin kung paano patakbuhin ang isang bansa at kung paano maging mabuting lider. Si Ares, graduate na kaya walang pinoproblema kundi ang pagiging kanang-kamay ng hari sa mga papeles. Si Aurian at Ally, may tutor na pumupunta dito sa palasyo para turuan sila. Ako rin ay binibisita ng special teacher na ipinadala mula sa Cosmopolitan University of Asia para i-homeschool ako, siya si Mr. Lewis. Mahal ang bayad sa kaniya ng hari at reyna dahil siya ang pinaka-magaling at pinaka-mahusay na guro sa CUA, sagot rin ng royal family ang plane ticket niya kada punta niya rito. Tinuturuan niya ako ng subjects sa University, pati na rin ang lahat ng dapat kong malaman sa pagiging reyna ng isang bansa at history ng Arelle mula tanghali hanggang hapon at may quizzes rin kada Biyernes.


"Hindi lang basta bansa itong Arelle, may nakapa-loob pang misteryo sa bansang ito," pag-kukuwento ni Mr. Lewis kaya napa-tulala na lang ako sa kaniya habang narito kami sa library ng palasyo. Hindi ko alam kung niloloko niya ba ako o ano. Anong misteryo naman ang tinutukoy niya? "Have you never imagined how this country was beautifully created? Payapa ang lugar na ito at malinis, hindi ka makakakita ng dumi dito, malilinis nga pati ang mga kanal nila sa paraang puwede pa itong languyan ng mga isda, at mabubuti pa ang mga tao, kailanman ba ay hindi ka nag-duda?" tanong niya sa'kin.


Sa totoo lang... nag-duda ako noong una. Para ngang isinulat lang sa kuwento itong bansang ito dahil sa kung gaano ito ka-perpekto.


"Nag-duda po," sagot ko sa kaniya. Baka bawasan pa niya ang points sa recitation ko dahil naka-tunganga lang ako sa klase niya.


"Paano kung sabihin ko sa iyo na hindi totoo ang bansang ito at isang kathang-isip lang? O 'di kaya sabihin ko na isa itong parallel universe? O baka... isang bansang isinulat lamang sa kuwento ng isang manunulat na nabigyang-buhay." pag-tatanong niya. Sa bandang iyon, parang unti-unti na akong hindi naniniwala. Ang imposible naman.


"Nakikita mo ba ang aklat na ito?" Pinakita niya sa'kin ang aklat na may buwan at naka-sulat doon ang mga letrang 'EFSR'. "Ang aklat na ito ay tungkol sa pamilyang naka-tagpo ng isang bansa na kalaunan ay ginawa nilang kaharian at pinamunuan ng mga kasunod na henerasyon ng kanilang pamilya. Kailanman hindi nila tinanggap na may babaeng baog na makapamana ng kanilang apelyido, dahil hindi puwedeng maputol ang kanilang blood line." Nang sabihin niya iyon, nag-simula akong makumbinsi. Parang pamilyang Arellano lang... 


"Ayan ang halimbawa ng persuasive speech." Ngumiti ang professor. "A persuasive speech is a speech that is given with the intention of convincing the audience to believe or do something. Nakumbinsi ka ba? Ayan ang layunin ng talumpati na ito."


Napa-palakpak naman ako nang dahan-dahan dahil sa discussion. Kailanman talaga hindi ako na-bored sa mga lesson ni sir. Alam na alam niya kung paano akitin ang mga estudyante na makinig.


Pero...


Hindi ko alam kung sinabi niya lang ang lahat ng iyon para akitin ako makinig, o sad'yang totoo talaga ang lahat ng sinabi niya.


Tumunog ang isang malaking clock sa library bilang tanda na tapos na ang oras ng klase. Nabitin naman tuloy ako. May sasabihin pa sana si professor pero naputol at mukhang ayaw rin niyang ituloy dahil nag-iimpake na rin siya kaagad ng gamit niya upang umalis.


Pagka-labas ng professor sa malaking pintuan ng library, tatayo na sana ako para umalis na rin pero biglang pumasok si Austin na may dalang merienda kaya napa-upo ako ulit.


Tumabi siya sa upuan ko kaya napa-urong ako ng kaunti. "I just finished studying. How's yours?" tanong niya pero naka-tulala ako at walang maisagot.


"Are you okay?" tanong niya. "You know... these days, you're acting different."


Nakagat ko ang ibabang labi ko. "S'yempre, okay lang."


Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit sa'kin si Austin para dahan-dahang kagatin ang ibabang labi ko. Para bang bumilis ang tibok ng puso ko at may mainit na libido akong naramdaman. 


"I told you... don't lie to me." Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko.


Napayuko ako. "Iniisip ko lang naman 'yung final test mo... sabi mo kailangan mo'kong buntisin para maging ganap na hari ka ng Arelle."


"That's not the only final test, that's just one of them. Aside from having an heir before succeeding to the throne, I also need to study the people of Arelle, on how I can serve them with my utmost best." he sighed heavily, holding my hands to calm me down. "I only did that because I don't want to impregnate someone else. I don't want anyone, but you," sagot niya kaya bigla kong naalala na kapag hindi ako nakapag-silang ng anak, kailangan humanap ng babaeng bubuntisin ang susunod na hari.


"Hindi kita ginagamit, Isabella..." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Kailanman hindi ko naisip na saktan ka lang, nangako ako sa magulang mo..." he whispered sincerely.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now