Chapter 22

648 24 5
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 22


"Na-miss kita, ate."


Niyakap ako ng mahigpit ni Aurian nang madaanan ko ang kwarto niya kaya nanlaki ang mga mata ko at bumitaw agad sa kaniya. Umagang-umaga, ito ang bungad niya sa'kin.


Ilang linggo ang lumipas mula nang umalis kami sa Pilipinas at makarating sa Arelle, tinutok ko ang sarili ko sa pag-seself study. Nararamdaman ko rin ang pagiging malapit sa akin ni Austin, kada umaga ay inaabangan niya ako lumabas ng kwarto at magising, lagi rin niya akong hinahanap-hanap, hindi siya kumakain kapag hindi ako kasabay, nag-sisimula na rin siyang ngumiti madalas kapag kasama ako, ayaw kong umasa pero binibigyan ko ng kahulugan ang mga ginagawa niya.


Lalo rin nagiging clingy si Aurian sa bawat araw na lumilipas.


Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang hilahin naman ako ni Ares mula kay Aurian. Ano ba ito, mahihilo na ako. Akala yata nila manika ako na p'wedeng ibato at hilahin kung saan-saan.


"Do you know what Austin did?" seryosong tanong ni Ares.


"Kuya Ares-" Pipigilan pa sana ni Aurian si Ares sa kung ano 'mang gagawin niya pero agad na pinag-tabuyan ni Ares si Aurian. 


Nilabas ni Ares ang phone niya at nag-pipindot, sunod no'n, pinakita niya sa'kin ang nasa screen. Parang nakaramdam ulit ako ng tusok sa puso ko.


Litrato iyon ni Austin na yakap-yakap si Chandra sa gitna ng gabi. Hindi siya niyakap pabalik ni Chandra, seryoso lang siyang naka-tayo at hinahayaan si Austin.


Imposibleng noong umuwi kami ng Pilipinas iyon dahil hindi naman umalis sa tabi ko si Austin nang umuwi kami sa Pilipinas. Siguro iyon ang gabing nag-pumilit siyang umuwi sa Pilipinas mag-isa dahil kailangan daw siya ni Chandra.


Hindi ako galit kay Chandra na kaibigan ko. Galit ako kay Austin dahil pagkatapos ng mga sinabi at pinakita niya sa'king kabutihan nitong mga nakaraang araw, lahat ng ginawa niya para pabilisin ang tibok ng puso ko, ay parang isa lamang pag-tatanghal upang hindi ko malaman na may tinatago pala siya. Parang na-warak ang puso ko.


Hindi naman ako ganito noong bago ko pa lang siya nakikilala. Ngayon ko naramdaman na mahal ko na nga yata si Austin.


"Hey, are you okay?" Tinapik ni Ares ang balikat ko upang magising ako sa realidad.


"Oo naman." Ngumiti ako at nag-thumbs up.


"Do you want to go out with me?" tanong sa'kin ni Ares. Hindi ko alam kung ano ang meaning no'n.


"Tara. Saan tayo punta?" 


Napa-iling siya. "Go out with me, Isabella. Be my girlfriend."


Napa-nganga naman ako nang mapagtantong iyon ang tinutukoy niyang 'go out', akala ko pa naman gusto niyang mamasyal kasama ako.


"I'm married." Napa-yuko ako. 


"I don't care," agad na sagot niya.


Hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa palasyong ito. Tila ba pinaglalaruan ako ng mga prinsipe ng Arelle. Si Ares, niyayaya akong maging girlfriend niya. Si Aurian, sinabing siya ay handang pakasalan ako kung ayaw ng mga kuya niya. Si Austin... ayun, walang pakialam sa'kin kahit pa siya ang sinisinta ko sa kanilang tatlo.


"Sorry..." Tatakas na sana ako mula kay Ares pero hinawakan niya ang braso ko. Napabitaw na lang siya sa'kin nang biglang lumabas si Austin mula sa kwarto niya at matalim ang tingin kay Ares. He had a dark and cold expression.


Hinatak ako ni Austin kaya napagigitnaan nila ako. Hila nila ang pareho kong kamay na para bang pinag-aagawan nila ako. Hindi naman ako tug-of-war!


"Ares, bitawan mo ako," matigas na sabi ko. Babaero siya at maloko, ayaw ko namang i-kunsidera na maging girlfriend niya dahil alam kong hindi siya seryoso.


Binitawan ako ni Ares kaya hinila ako ni Austin papasok ng kwarto niya. Naudlot pa tuloy ang balak kong mag-almusal dahil sa mga pangyayari.


"You like history, right? Do you want us to go to a historical place in Bataan next time? Sa Las Casas Filipinas De Acuzar," pag-aaya ni Austin na para bang walang nangyari habang naka-tulala akong naka-upo sa gilid ng kama niya habang inaalala ang pinakita sa'kin ni Ares. 


Tumango na lang ako nang wala sa sarili.


Hindi ako ang mahilig sa History... si Chandra iyon. Nai-kwento niya 'yun sa'kin noon.


Parang lalo ako nasasaktan na akala yata niya pareho kami ni Chandra. Parang nakakalimutan niya si Isabella, puro Chandra ang nasa isip niya.


"Sa tingin ko... nahuhulog na ako sa iyo ng tuluyan, Austin." Naka-pikit kong inamin. Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko siyang hindi manlang naka-ngiti at para bang hindi niya alam ang isasagot niya sa akin. 


Hindi niya siguro inaasahan na ang tanga-tanga kong nahulog sa kaniya. Hindi niya siguro inasahan na... na magugustuhan ko siya kahit alam kong may iba siyang minamahal.


Binalaan na ako dati ni Ares na huwag pangunahan ng damdamin, alam kong masasaktan lang ako, ngunit heto ako ngayon, umaamin ng nararamdaman sa kaniya.


Napa-kamot siya sa ulo niya. "Thank you, Isabella," tugon niya.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now