Chapter 17

663 24 2
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 17


"Kumusta ka naman diyan, anak?" Boses ni mama ang bumungad sa'kin nang tumawag ako sa kanila. Hindi ko na kasi matiis. Mahal ang load para tumawag ng number na nasa ibang bansa kaya hindi ko talaga kinokonsidera tumawag sa kanila, pero ngayon, kailangan ko na talaga sila... kailangan ko sila, kahit marinig manlang ang boses nila, para magkaroon ako ng inspirasyon na tumuloy pa rito kahit mahirap.


"Okay lang ho ako, 'Nay. Masaya... masaya dito. Hindi rin naman nila ako pinipilit gumawa ng mga bagay na 'di ko gusto," sabi ko at na-kagat ang ibabang labi ko. "Kayo nga po ang pinag-aalala ko. Kumusta na po kayo?"


"Eh, ito... stressed at nag-aalala sa kalagayan mo riyan. Ito na namang papa mo nag-iinom pa rin. Nag-bibisyo pa rin. Akala ko pa naman mag-babago na," I sensed my mom's disappointment. She tried to hide her distress through sounding like she's angry, pero kilala ko naman na si mama. Alam ko na palagi niyang gustong intindihin si papa pero nakaka-pagod nga naman kaya nauubusan rin siya ng pasensiya.


Sa totoo lang, kahit ako na-didisappoint. I'm disappointed because before I left the Philippines, I asked my father to stop his vices. Palagi akong umaasa na mag-babago siya, e... pero sa tuwing umaasa kami, na-didismaya lang rin sa huli.


"Nag-aaway pa po ba kayo, 'ma? Sana iwasan niyo na po mag-away, mag-isa na lang kasi si Nathan diyan, baka naririnig kayo ng bata. Iniisip ko rin ho kayo ni tatay, isa't-isa na lang ang mayroon kayo, kaya mahirap naman kung kayo rin ho ang hindi magkaka-sundo."


"Oo naman, 'nak. Hangga't kaya ko, iniintindi ko. Natatakot nga lang ako dahil baka dumating ang araw na hindi ko na siya kayang intindihin pa." Nakaramdam ako ng lungkot sa sagot ni mama. Kahit sino naman talaga... napapagod. Tao tayo, e.

"Si Nathan? Nag-aaral po ba ng maayos?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ay, ang batang iyon..." Napatigil sa pag-sasalita si mama at napabuga ng hangin. "Miss na miss ka na niya, 'nak. Palagi siyang tulala."


Tumulo naman ang luha ko dahil doon. Para tuloy gusto kong bumalik sa Pilipinas para sa kanila. Akala ko okay na kami, e... Bayad naman na ang mga utang namin at patuloy rin ang pag-bibigay ng groceries sa bahay namin kada linggo, pero mukhang hindi nga talaga natatapos ang pag-subok.


"Sorry, 'ma." Pinigilan ko ang luha ko. "Sorry."


"Bakit ka naman nag-sosorry?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya.


"Sorry kung wala ako riyan..." Kahit anong pag-pipigil ko ng luha, halata pa rin sa boses ko na paiyak na ako. My voice was breaking, no matter how much I wanted to control it, I couldn't.


"Kami nga dapat ang mag-sorry sa iyo... hindi ba't kami rin ang dahilan kung bakit ka nandiyan? Ikaw na nga ang nag-sakripisyo, ikaw pa ang humihingi ng paumanhin." My mother comforted me. "Hayaan mo, balang araw, mag-kakasama ulit tayo. Mabubuo ulit ang pamilya natin."


Hindi ko namalayang napatay ko ang tawag dahil naiiyak na ako. I was frustrated. I was stressed. It was like my efforts of going here was put into waste.


Alam ko naman na naka-tulong ang pag-papakasal ko kay Austin sa pinansiyal naming mga problema, I'm just frustated that there's a deeper problem that I couldn't fix because I was far away from my family.


"Isabella—" Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nang makitang andoon si Austin. Pumunta kasi muna ako sa guest room ngayong umaga para mag-moment mag-isa, ang palusot ko kay Austin na aayusin ko lang gamit ko rito kahit hindi naman talaga iyon ang gagawin ko. Gusto ko lang talaga tawagan sina mama.


Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now