Chapter 7

675 28 2
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties Series #2) – Chapter 7


"Allyson, stop that. Respect your ate."


Nag-salubong ang mga kilay ko nang sumulpot si Austin para ipagtanggol ako. Himala, ah. Sinapian yata o 'di kaya naka-inom.


"What? She's not my ate," agad na pag-tanggi ng maliit na bata.


Hindi naman ako nasaktan. Wala naman akong expectations sa pamilyang ito.


"Whether you like it or not, I'll marry her. So, be kind," Austin educated her sister. Natahimik lang ang bata habang naka-simangot at hindi na sumagot.


In fairness, kahit suplado at masama ang ugali sa'kin ni Austin, mabait naman pala siya. Mabait siya kapatid niya, at marunong siya mag-turo sa iba kung ano ang tama.


"Isabella, are you done? We'll have lunch," pag-yaya sa'kin ni Austin. Hindi pa 'man ako sumasagot, may sumulpot na isa pang lalaki na naka-navy blue sweater at white polo na pang-loob na nahalata ko dahil sa kwelyo niya na naka-labas at pumasok ng kwarto ko nang walang paalam!


"Hi, ate!" bati sa'kin ng lalaki. In my guessing... maybe this is the third son. Kamukha niya si King Alexander na maputi at hindi gano'n ka-tangos ang ilong pero bumagay iyon sa features ng mukha niya, mas matangkad si Austin sa kaniya at ka-height ko lang siya.


"Hello..." bati ko rin sa kaniya.


Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang braso ko. "I'm Aurian. Come on, let's eat!"


Kumpara sa mga kapatid niya, ang bait at giliw niya sa'kin. I had a sense na magkaka-sundo kami dahil para ko siyang nakaka-babatang kapatid ko. Kasing hyper at daldal niya si Nathan, pero mas matanda siya. 8 years old pa lang kasi si Nathan. Samantalang ito si Aurian... parang nasa high school na.


"How old are you?" tanong niya sa'kin habang hinahatak ako papunta sa dining area nila.


"21 years old," sagot ko. 


"I'm 17," he replied back. Hindi ko naman tinanong pero talagang may nasagot pa rin siya. "I'm on my final year in junior high."


Tumango-tango ako dahil wala na akong masagot.


Nakarating na kami sa dining area, inalalayan ako umupo ni Aurian at tumabi pa siya sa'kin. Sa haba ng dining table nila, tumabi pa talaga siya. Dumating si Ares at Austin kasama ang bunso nila kaya napa-ayos ako ng upo. Umupo si Ares sa right side ko, si Austin at 'yung bunso naman nila sa harap namin umupo.


Complete talaga ang set ng kubyertos dito kaya nahihiya ako kung ano ang gagamitin. Noon kasing huli kong punta dito, magka-layo kami ni Austin kaya ginamit ko ang kahit anong kutsara't tinidor na gusto ko nang hindi natatakot mahusgahan, pero ngayon kasi may katabi ako sa kabilaang upuan kaya na-pepressure ako.


'Yung plato pa nila vintage na parang galing sa ibang bansa kaya makinis, mas makinis pa yata 'to sa pag-mumukha ko.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now