Chapter 9

699 25 2
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties Series #2) – Chapter 9


"It's a tradition in Arelle that when a couple is getting married, the bride will mix up scents and make a perfume for her husband, which the husband will use for all his life. What we'll do for today is make a perfume for Prince Austin, Your Highness."


'Yun ang sabi ng head maid na si Manang Melinda. Dinala niya ako sa lugar sa palasyo na puno ng mababangong amoy. May mga bote ng mga pabango na iba-iba ang amoy at may labels pa. Natural scents ata ang mga iyon.


"Choose three scents which you'll mix up and pour into this bottle, Your Highness." Pinakita sa'kin ni Manang Melinda ang maliit na bote na hawak niya na halatang mamahalin. "The final product will be used by the Crown Prince until he dies, so choose a scent he'll love."


Napatingin ako sa mga bote ng mga pabango na naka-latag sa lamesa. Meron pang mga pabango sa shelves. 


"Wala bang amoy tae rito? Gusto ko 'yung mabaho talaga para naman bumagay sa budhi niya," sabi ko.


"What?" hindi niya naintindihan ang sinabi ko.


"What I said was, do you have the most beautiful scent here? I'll use that." Ngumiti ako. Hirap talaga magpaka-plastik.


May inabot siya sa'kin na kulay blue ang laman na pabango. "This one."


"Okay..." Kinuha ko ang kulay blue na pabango na nasa kamay niya at dumampot ng dalawa pa sa lamesa. Hindi ko na tinignan kung ano ang kinuha ko. Ayaw ko naman mag-effort gaano para sa kumag na iyon.


It was after lunch nang dalhin ako dito ni Manang Melinda. Akala ko sa library kami ulit ni Austin, pero si Manang Melinda pala ang in-charge sa'kin ngayong tanghali.


Pagkatapos naming pag-haluin ni Manang Melinda ang scent, nilagyan niya ng parang dahon ang loob ng bote tsaka namin nilagay ang hinalo naming scent sa bote. "We're going to leave this here until the day of your wedding, Your Highness. The Crown Prince will start using this before the wedding ceremony starts."


Tumango ako sa kaniya. "Do we still have anything to do?"


"Yes, Your Highness." Huminto siya sa pag-sasalita at parang may inalala. "You're going to cook the dinner for tonight."

Napa-uwang na naman ang labi ko. Put-ra-guess.


Ang dami-dami pa naman nilang hinahain na pagkain at putahe parati, hindi pa kasama do'n ang side at dessert course, hindi ba puwedeng iba't-ibang flavor ng Lucky Me Noodles na lang?


"Let's go to the kitchen, Your Highness. Do you know how to cook?"


"I do," sabi ko na may onting pag-mamayabang. Buti na lang talaga at naturuan ako ng household chores, kasama na do'n ang pag-lalaba at pag-luluto.


Pagkarating namin sa kitchen nila, nakita ko ang dami ng chefs at maids na nandoon. Bakit kailangan pa ako rito kung marami naman na silang chefs? Talo pa nga nila ang crew sa Mcdo at Jollibee. Kahit ang mga equipments, daig pa ang sa fastfood chains.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now