Chapter 25

681 20 1
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 25


"Kuya, aren't you going to eat breakfast yet? Where's ate Isabella?"


Nagising ako sa boses ni Aurian sa labas ng pintuan, mukhang kausap niya yata si Austin. Nang tignan ko ang orasan, quarter to 10 am na. Hindi ko namalayang naka-tulog pala ako. Nang tignan ko ang katawan ko, wala akong saplot kaya nanlaki ang mga mata ko at nag-taklob ng kama.


"Kumain na ako," sagot ni Austin. Hindi pa naman siya nakain, kami pareho. "Si Isabella, kakain mamaya. She's still sleeping, don't wake her up."


"Ah, K," sagot ni Aurian at narinig ko ang hakbang niya papalayo. Bumalik sa loob ng kwarto si Austin kaya napa-pikit ako at nag-panggap ulit na tulog.


Naramdaman ko siyang umupo sa gilid ng kama at hinaplos ang noo ko. "I'm sorry..." bulong niya. 


Naguluhan ako kung bakit siya humihingi ng tawad, gayong wala naman siyang ginagawang masama. Kung ang hinihingian niya ng tawad ay ang nangyari kanina lang... hindi naman niya kailangan humingi ng tawad dahil hinayaan ko rin mangyari iyon.


Kumbaga, kahit pa hindi siya humingi ng verbal permission, binigyan ko pa rin siya ng permiso physically. Hay nako, Isabella. Why did you even let something like this happen? Nababaliw na nga rin yata talaga ako... sa kaniya.



"I love you," bulong ni Austin bago ako halikan sa noo at lumisan ng silid. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Hindi ko akalain na ganoon pala ang tumatakbo sa isipan niya kapag hindi ako naka-mulat.


Ilang minuto matapos iyon, napili kong tumayo na para mag-bihis at lumabas ng kwarto. Para akong pilay mag-lakad. Ganito pala ang feeling pagkatapos gawin iyon... nasarapan ako kanina pero ngayon nasasaktan na ako.


"Ate? Is there something wrong with your legs?" tanong ni Allyson nang maka-salubong ko siya sa hallway. Inaalalayan niya ako ngayon dahil iniisip niya siguro na napilayan ako.


Pinilay lang naman ako ng kuya niyang magaling.


"Kuya Ares! Help me with ate Isabella!" pag-tawag ni Allyson sa kuya niyang napadaan lang. "I think she's dislocated her feet."


Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa iniisip ni Allyson. Pero mas okay na siguro iyon kaysa malaman niya ang totoong dahilan kung bakit ganito ako mag-lakad.


"What happened to that?" tanong ni Ares nang maka-lapit siya sa'kin. He placed my arms on his shoulders, giving me support to walk. Ito namang mga ito, ayaw ko ngang magpa-halata, pero lalo lang nila akong ginagawang agaw-pansin!


Pinag-titinginan na kami ng royal maids, pero wala silang lakas ng loob mag-tanong.


"I should bring you to the clinic here," sabi pa ni Ares kaya nanlaki ang mga mata ko.


"Huh?! Huwag na, ba-byahe ka pa. Okay lang ako," agad kong dipensa.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now