Chapter 19

654 22 4
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 19


"Where will you sleep?"


'Yun ang tanong sa'kin ni Austin. Nasa Pilipinas na kami, naka-sakay sa limousine. Tinanong niya ako para alam niya kung saan ako ibababa. Sila kasi ni Ally, sa penthouse muna nila. Hapon na rin nang makarating kami kaya napa-isip tuloy ako. After lunch na rin naman kasi kami naka-alis ng palasyo sa Arelle.


"P'wede bang sa in'yo muna ako?" tanong ko kay Austin. "Bukas na lang... bukas na lang ako pupunta sa bahay namin ng umaga. Bibili muna ako ng pasalubong manlang."


"Of course, you can stay with us," sagot ni Austin. "I think sometimes you forget that you're supposed to be my wife. Why not, right?"


Tinignan kami ni Allyson nang palipat-lipat. Una kay Austin, pangalawa sa'kin. Tapos nilipat-lipat na niya ang tingin niya sa'ming dalawa habang salubong ang kilay. "Kuya and Ate are so lovey-dovey," komento niya.


Nanlaki naman mga mata ko. "No, we're not." 


Ito naman kasi si Austin! Kung ano-anong sinasabi!


Natahimik tuloy ang sasakyan kaya napa-pikit na lang ako para mag-kunwaring walang nangyari.


***


"Do you smoke?" tanong ni Austin sa'kin. May hawak siya ngayong sigarilyo sa kamay niya. Hindi ko alam kung anong sigarilyo iyon dahil hindi naman ata kilalang brand ang hawak niya. Hindi kilalang brand dahil mukhang mamahalin!


"Smoking is bad for your health," sabi ko kahit scripted lang naman. Pambansang slogan iyan kapag poster making contest, e.


"You don't like this?" tanong niya. 


"S'yempre, masama iyan para sa kalusugan mo. Masama rin sa mga taong nasa paligid mo ang second-hand smoking-" Napatigil ako sa pag-sasalita nang patayin ni Austin ang sindi ng hawak niyang at binalik sa lagayan. Winasiwas niya rin ang kamay niya sa ere upang mawala ang usok na bumabalot sa amin.


"Bakit mo pinatay?" tanong ko sa kaniya habang salubong ang aking kilay. Ang bilis naman niyang sumunod sa akin! Parang nakakapan-duda.


"You said you don't like it," sagot niya.


Nasa penthouse na nila kami. Kung sa palasyo ay sobrang renaissance period ang disenyo, dito naman sa penthouse nila, modern ang design. May ilan pang royal guards na nag-babantay sa labas ng penthouse para ingatan at bigyan proteksyon ang ari-arian dito ng Arelle Royal Family. Narito kami sa may terrace ng penthouse nila, nakita ko kasi si Austin na narito siya kaya sumunod ako para pag-masdan ang tanawin ng Maynila.


"Kuya! Ate!" tawag sa'min ni Ally kaya napatingin kami sa kaniya. May dala-dala siyang teddy bear ngayon. Favorite teddy bear niya ata iyon dahil mukhang galing pa sa maleta niya iyon na galing sa Arelle.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now