Elation From Sudden Royalty

743 22 2
                                    

Elation From Sudden Royalty


"Isabella, kumain ka na," pag-tawag sa'kin ni mama.


Naiwan akong tulala dahil pagkarating ko... wala na rin ang kapatid ko. Nasagasaan ng truck si Nathan dahil pilit siyang tumakas mula sa bahay para hanapin ako. Pagka-hatid sa'kin dito sa bago naming bahay sa Pilipinas, burol ni Nathaniel na ang bumungad sa akin kaya hindi ko napigilan ang sarili kong magalit sa sarili. 


Puno ng text at tawag ang phone ko pero hindi ko nakita iyon noong nasa Arelle ako dahil nag-luluksa ako sa pagkamatay ng anak namin ni Austin noon.


Sobrang dami na ang nawala sa akin. Sobrang dami nang nangyari at hindi ko alam kung dapat pa bang masaya ako sa biglaang pagiging parte ko ng royal family... at biglaan ko ring pagkawala sa buhay nila na para bang isang panaginip.


Sobrang tahimik ng bahay namin at lagi akong tulala. Lagi akong wala sa sarili ko. Wala rin akong lakas para ituloy ang pag-aaral ko. Puno ng galit ang nararamdaman ko sa hari at reyna ng Arelle na naging dahilan ng mga trahedya sa buhay ko.


May malaking perang binigay ang reyna sa magulang ko bilang compensation daw, ginagawa nila kaming mga tanga. Pinalabas rin nila sa balita na tinakasan ko ang palasyo. Binalita rin na pinag-hahanap ako ng pamilya nila lalo na ni Austin, at kung hindi nila ako mahanap, hahanap ang hari at reyna ng bagong papakasalan ni Austin na parang walang nangyari. Dahil mahirap kami, ang lakas ng loob nilang kontrolin kami ng ganoon. Dahil lang sa mahirap kami at naging mabait ako sa kanila, pinagsamantalahan na nila kami.


Namumutla na ako at palagi akong may balabal tuwing lumalabas ng bahay namin. Iniba ko ang number ko. Mga kaibigan ko lang na malalapit ang may alam ng bago kong number at ng bago naming bahay na nasa probinsya na. Ayaw kong makilala ako ng kahit sino dahil kapag nahanap kami ni Austin, magiging kapahamakan iyon ng buhay niya.


Ayaw kong mamatay siya... ayaw kong mawala pati siya.


Mas ayos nang tanawin siya mula sa malayo kaysa naman mamatay siya. Gagawin ko ang lahat para sa kaniya kahit ikaka-sira ko pa.


Lumipas ang walong buwan at tuluyan na ring nawala na sa balita ang pangalan ko na hinahanap pa nila ako. Siguro ngayon, ikinasal na sa iba si Austin. Siguro ay may bago na siya. Siguro ay masaya siya. Buti naman... hindi ako karapat-dapat para sa kaniya.


Dapat noong una pa lang, tinatak ko iyon sa utak ko at hindi sinubukang mahalin siya at ipilit na makasama siya.


Minsan umaasa ako na mahahanap niya ako, pero mas nananaig pa rin ang kagustuhan kong ligtas siya at buhay. Mas gusto kong humihinga siya kahit pa kapalit noon ang pagka-durog ko.


"Isabella, hindi ka ba kakain?" Pumasok sa silid ko si Rivier at wala akong emosyon na tumingin sa kaniya at hindi rina ko sumagot sa kaniya. Wala na akong lakas ngumiti. Wala na akong lakas mag-panggap. Pagod na pagod na ako.


Tulala ako habang hinahayaan si Rivier na pumasok sa silid ko. "Rivier, umuwi ka na."


"Hindi ko hahayaang ganiyan ka lang." Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko. "Isabella, give me a chance..."


"May mahal akong iba," wala sa sariling sagot ko sa kaniya.


"Hindi kita papabayaan katulad ng ginawa niya..." pag-sasalita ni Rivier na naging dulot ng pag-tulo ng luha ko.


Alam ko sa sarili kong kailanman ay hindi ako pinabayaan ni Austin. Ako naman itong lumayo para palayain siya. Ako naman itong umiiwas at hinayaang makalimutan niya ako.


Natulak ko palayo si Rivier nang bigla niya akong yakapin sa gitna ng gabi. Napalunok siya dahil sa pag-tulak ko at napa-tayo mula sa tabi ko. "I'm sorry... I'm sorry, Isabella."


Tanging iyon na lang ang sinabi niya bago umalis sa silid ko at sinara ang pintuan ko.


Gabi-gabi akong umiiyak at nag-luluksa at kahit ngayong araw, walang nag-bago. Umiiyak pa rin ako. Sana matapos na lahat ng ito... ayaw ko na.


Kumuha ako ng lubid na nasa cabinet ko at tumungtong sa isang upuan para matali 'yung lubid sa kisame. Habang natulo ang luha ko, ipinasok ko ang ulo ko sa dulo ng lubid na may maliit na bilog kung saan sakto ang ulo ko.


It was from a sudden royalty when I started losing everything. It was from a sudden royalty that's why I lost the reason to be happy now.


This is the reason why you shouldn't force anything. Kasi kapag pinipilit mo, lalo ka lang nasasaktan. The happiest moments will soon be the most painful memories.


As the happiest moments sink in, I remember hanging out with Ares, Aurian, and Ally who was there with me in my lonely times at the palace, I remember laughing with Austin, holding him tight in my arms, not planning to let go, I remember the times that I always hang out with my younger brother and laughing with him, and I remember dreaming about living happily with Austin and our soon to be children, growing old together... which is now impossible to happen.


Dati ay gusto kong maging masaya at malaya. Dati gusto kong gawin ang lahat para sa pamilya ko at para sa mga mahal ko sa buhay para darating ang araw na magiging malaya rin ako at magagawa ko nang unahin ang sarili ko.


Ngayon... ngayon magiging malaya na ako.


Tinulak ko gamit ang paa ko ang upuan para tuluyang kumapit sa leeg ko ang lubid at maubusan ako ng hininga.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now