Chapter 23

656 24 1
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties Series #2) - Chapter 23


"Thank you, Isabella."


"Austin, ayaw mo bang tigilan natin ito?" Ngumiti ako. Alam kong iisipin niyang pineperahan ko lang ang pamilya niya dahil lilisan ako pagkatapos nilang bayaran ang mga pagkaka-utang ng pamilya namin pero parang hindi ko na matiis, e. "Gusto mo bang ilakad kita kay Chandra? Gusto mo bang mag-propose sa kaniya? Tutulungan rin kitang kumbinsihin ang hari at reyna na siya na lang ang pakasalan mo at maging kasunod na reyna ng Arelle."


Nanatiling tahimik si Austin, animo'y nag-papanggap na hindi niya ako narinig. Nag-ayos na lang siya ng cabinet niya. "Let's go to the library," pag-iiba niya ng usapan.


"Hindi mo manlang ba papansinin ang sinabi ko?" Tumayo ako. "Tutulungan naman kita, e," mapait na sabi ko.


"You think it's that easy?" Humarap siya sa'kin. "Kung ganoon lang ka-dali iyon, edi sana napigilan natin ang sarili nating kasal." Para bang humapdi ang puso ko dahil totoo pa lang kinunsidera niya ang sinabi ko.


"Bakit... hindi natin subukan?" suhestiyon ko.


"I don't want to. Let's not talk about this," supladong sagot niya sa'kin.


Nag-lakad siya papalapit sa akin at nagulat ako na animo'y yayakapin niya ako kaya napa-pikit ako. Pag-mulat ko ng mga mata ko, may nilagay lang pala siyang kuwintas sa leeg ko. Nang tignan ko iyon, locket necklace iyon na may disenyong hugis puso. Ang laman na litrato ng locket ay buwan.


"Para saan 'to?" tanong ko sa kaniya.


"Sa'yo na lang." Inayos niya ang buhok ko at tumalikod. "Let's eat first, then let's head to the library after. By the way... try staying away from Ares," sabi niya bago umalis ng silid. 


Naiwan lang akong naka-tayo sa kwarto niya.


Hindi ko alam kung masasaktan ako sa binigay niyang kuwintas. Ang ibig sabihin ng Chandra ay buwan. Sinabi niya sa'kin na 'Sa'yo na lang', ang ibig sabihin ba noon, para kay Chandra dapat ang kuwintas pero binigay na lang niya sa'kin dahil wala siyang choice?


Akala yata niya second choice at option niya ako, isang waiting shed na puwede niyang puntahan kapag wala ang kaniyang tahanan.


Sa totoo lang, gulong-gulo na ako kay Austin. Parang mixed signals ang binibigay niya sa'kin, hindi ko rin alam ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi ko naman siya puwedeng husgahan dahil hindi ko alam ang point of view niya, pero... pero nasasaktan ako.


Nataranta ako nang biglang mahulog mula sa aking leeg ang kuwintas. Dinampot ko ito mula sa sahig kaya napatingin ako sa ilalim ng kama. May maliit na kahon doon na gawa sa kahoy, kulay pula ito. Hindi ko namalayang kinukuha ko na ito mula sa ilalim ng kama niya.


Nakaramdam ako na parang lahat ng katanungan sa isip ko ay masasagot ng kung ano 'mang nasa loob ng kahon na iyon.


Tumulo ang luha ko nang makita ang nasa loob. Mayroong mga litrato doon na magka-yakap si Austin at Chandra noong mga bata pa sila. Merong mga litrato na kasama nila ang iba pa nilang mga kaibigan na sina Andrea, Aurora, at Nadia. Meron ring mga sulat si Austin para kay Chandra na nasa loob ng kahon... para bang doon umaamin si Austin sa pamamagitan ng mga sulat na iyon pero parang kailanman hindi niya binigay kay Chandra. Kay rami-rami kasi ng sulat, iba-iba ang taon at date kaya alam kong naging daan ni Austin ang mga sulat na iyon para umamin nang hindi manlang binibigay ang mga ito kay Chandra.


Nabagsak ko ang mga litrato nang mapagtantong ang tagal na niya itong tinatago mula sa akin, hindi niya ito tinapon at pinanatili sa kwarto niya sa ilalim ng kama niya na parang pinapalabas niyang kahit pa nandoon ako, si Chandra pa rin. Lahat ng mga litrato at mga sulat na iyon ay para kay Chandra na unang minahal niya at minamahal pa rin pala niya hanggang ngayon.


Nakita ko rin sa pinaka-ilalim ng kahon ang isang locket necklace na kaparehong-kapareho ng binigay sa akin ni Austin kani-kanina lang. Tama nga ang hinala ko, parang couple necklace iyon at para kay Chandra dapat ang isa.


Bumukas ang pintuan ng silid at niluwa no'n si Austin.


"Isabella, let's eat-" Naistatwa siya sa kinatatayuan niya nang makita akong hawak ang tinatago niyang kahon mula sa'kin. Sa reaksyon pa lang niya... naging sigurado ako.


Na kahit ako ang kasama niya... 


kahit ako ang yakapin niya...


kahit ako ang kasama niya sa habang buhay...


Hindi pa rin ako ang iniibig niya.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now