Chapter 6

740 23 8
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties Series #2) – Chapter 6


"Ate, para kang dinosaur."


Naka-tingin sa'kin si Nathan pagkatapos naming manood ng Jurassic Park na favorite niya. Pinangako ko sa kaniya na manonood kami. Hindi ko inaaasahan na makiki-nood rin si mama at papa kaya apat kaming nasa sofa. Nasa gitna kami ni Nathan ni mama at papa. Katabi ni Nathan si mama, samantalang ako, katabi si papa. Nakatulog si mama't-papa habang nanonood kaya kami na lang ni Nathan ang naka-tapos ng pinapanood namin.


"Bakit naman?" tanong ko.


"Kasi mang-iiwan ka." Nag-pout siya. "Bigla na lang nawala mga dinosaur sa mundo, parang ikaw, iiwan mo na kami."


Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumawa na lang ako. "Hindi ko naman kayo iiwan. Hindi naman permanente." Ginulo ko ang buhok niya dahil hanggang ngayon naka-simangot pa rin siya sa'kin.


Hindi na siya sumagot. Napag-desisyunan naming sa sofa na lang matulog para mag-kakatabi kami nina mama't papa, bilang buong pamilya. 


Gusto ko sila makatabi matulog bago ako umalis.


SUMUNOD NA ARAW, 7 am ako nagising. 9 am daw kasi ako susunduin ng limo dito sa bahay uli. Pagkabangon ko mula sa sofa, nakita kong mahimbing pa rin ang tulog nina Nathan, mama, at papa. Pinag-masdan ko lang sila nang tahimik para 'di sila magising at maistorbo. Ito ang pamilyang iiwanan ko... at sila rin ang dahilan kung bakit ako lumalaban.


Ngayon, sigurado na ako.


Pagkatapos mag-saing ng bigas, nag-luto ako ng itlog at hotdog, apat iyon para may makain na rin sila pagkagising. Habang kumakain ng niluto ko, nanatili akong naka-tulala sa pamilya kong natutulog nang mahimbing, katabi ang isa't-isa. Magkaka-yakap na sila ngayon.


Kinuha ko ang aking tuwalya sa sampayan at pumasok na ng kubeta para maligo. Nag-suot lang ako ng simpleng puting dress at flat shoes na kulay black. Sinuklay ko ang buhok ko at tinirintas. Pagka-labas ko ng banyo, gising na sila.


"Bakit 'di mo kami ginising? Para naman maipagluto ka ng papa mo." Nag-uunat ng katawan si mama at halatang kakagising pa lang talaga.


"Nako, ito na huling araw na maipagluluto ko kayo. Sulitin niyo na po," tumawa ako nang marahan. Masakit sa kalooban ko na sabihin iyon, hindi ko alam kung papabalikin pa ako ng mga Arellano dito sa totoo kong tahanan.


Nauna na si Nathan sa hapag kainan para mag-handa ng plato na gagamitin nila. Kumain na sila kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na silipin ang labas ng bahay, andami na namang reporters. Hindi lang 'yun, meron ring ibang hindi naman reporter na nakiki-usyoso sa labas.


Simula nang maibalita na ako ang papakasalan ng prinsipe ng Arelle, aaminin kong nahihirapan na akong lumabas dahil pinagkaka-guluhan ako ng mga tao, lalo na ng mga marites. 'Yung iba, nagpapa-picture, 'yung iba, nakiki-chismis lang.


"Sa Showbiz balita naman tayo! Austin Arellano's Royal Fiancé, Isabella Alvarez, bids farewell to her family and friends before she leaves the Philippines to go to the Kingdom of Arelle." Napatingin ako sa TV nang ibalita na naman. Kaya pala ang daming reporters.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now