Chapter 14

645 24 0
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 14


"Do you still have communication with your family?" tanong sa'kin ni Aurian. Nagpa-sama kasi ako sa kaniya papunta sa secret passage niya sa garden papunta sa dagat. Gusto ko ng peace-of-mind, at inaasahan kong makukuha ko iyon sa tahimik na lugar.


"Oo naman."


"I'd like to meet them." Napatingin ako sa kaniya.


"Talaga?"


"Of course. Even kuya Austin wants to meet them again. He said he didn't have a proper encounter with them, he wanted to set things right," pag-kukuwento ni Aurian. 


"Close pala kayo ng kuya Austin mo?"


He chuckled. "Hell, yeah. Close lang kami kung kukulitin ko siya. But if I don't make the first move, we're both cold towards each other."


"Eh, si Ares at Austin? Close ba sila?" pag-tatanong ko.


"Hmm..." Hindi naka-sagot agad si Aurian. "Do they seem like it?" Binalik niya ang tanong sa'kin.


Umiling naman ako. "Para ngang may galit sila sa isa't-isa, e."


"You're right, actually," Aurian spoke. "I think kuya Ares is envious of kuya Austin. They never get along, ever."


Med'yo nalungkot naman ako para sa kanila.


"Why are you curious about this?" si Aurian naman ang nag-tanong. "Inlove ka na, ate?"


Nahampas ko agad sa balikat si Aurian. "Hindi, 'no!"


"Eh, bakit defensive?" Tumawa siya. "Wala pa nga akong sinasabing pangalan, may sagot ka na agad."


Sabi ko gusto ko ng peace-of-mind pero kunsumisyon lang ata ang makukuha ko kung si Aurian ang kasama ko.


"Shall I leave you here?" tanong sa'kin ni Aurian nang hindi na ako umimik. Tumango naman ako dahil tanda ko naman ang daan pabalik.


Umalis na si Aurian, narinig ko ang pag-sara ng pintuan kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na sulitin ang katahimikan. Gusto ko nang umuwi sa Pilipinas. Gusto ko nang... maging malaya ulit.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now