Chapter 18

649 23 2
                                    

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 18


"Go on a date," ngiting sabi ng lola nila. "Go to a restaurant, go to an amusement park, go to an adventure, go to a beach for an overnight, just like what an ordinary couple would do. Anywhere you both like, even if it's out of the country. Kahit mag-tagal kayo, it's okay."


Kung kailan kaka-tapos lang akong ipitan ni Austin, doon pa pumasok ang Royal Grand Mother. Magka-lapit pa naman kami ni Austin nang pumasok siya kaya ngisi-ngisi siya ngayon, mukhang iba ang iniisip!


"I don't think that's essential, Your Highness," sagot ni Austin nang mapansing kahit ako ay hindi maipinta ang mukha.


"It is essential," asik ng lola nila. "It's a royal order." 


Nginitian kami ng lola bago umalis ng silid ni Austin.


Napa-iwas kami agad ng tingin ni Austin nang sabihin iyon ng lola nila. 'Royal order' card pa lang nila, taob na agad talaga ang diskusyon.


"Oh, paano 'yan, saan tayo pupunta?" tanong ko kay Austin. Bahala siya mag-isip, problema niya na iyan.


"To the Philippines," agad na sagot niya at tumayo mula sa kama. Pumunta siya sa may walk-in closet niya.


"Ha?! Seryoso ba? Agad-agad?!"


"Ayaw mo ba?" tanong niya.


"Gusto!" Ang bright-bright talaga nito ni Austin. Oo nga naman. Sabi ng lola niya, kahit saan kami pumunta, kung saan gusto namin. Ito na ang chance para pumunta sa Pilipinas! Buti at naisip niya iyon. "Ilang araw tayo roon?"


"Ilan ba ang gusto mo?" tanong niya. "We can't stay there for 3 days or more. We still have a lot to do."


"Edi, 2 days!" I cheerfully said.


"Hmm." Nag-isip siya. "2 days, and one night. Let's leave the Philippines the day after tomorrow."


Tumango ako at agad-agad dumeretso sa guest room. Nag-handa ako ng gamit ko sa bagong travel bag na binigay sa'kin ni Austin. Black na Adidas travel bag.


Habang nag-aayos ng gamit ko, hindi na mabilang ang mga gusto kong gawin kasama ang pamilya ko. There were tons of plans, yet only 2 days and one night to spare. It was enough, though. Even only a second or a minute with the people you love will most likely feel like a lifetime. Kahit nga makita mo lang saglit, masayang-masaya ka na.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now