CHAPTER 139 :)

304 6 0
                                    

"What are you doing here?!" Napayuko ako sa sinabi nya, kahinaan kita mahal ko.

Kung gaano ako kalakas at katapang sa kanila, ay kabaliktaran naman niyon nang nararamdaman ko saiyo. Masakit isipin na dito na nga talaga mawawakasan ang lahat.

"I'm asking you! Why are you here! Gusto mo bang muli kaming magkagulo?! O baka gusto mong makitang nahihirapan ako?!" Pilit kong inialis ang emosyong nararamdaman ko sa mga oras na ito, at taas noo syang tinitigan habang blangko ang ekspresyon ng mukha ko.

"Hindi lahat ng kilos ko ay nararapat ko pang ipaalam saiyo." Malamig ang boses kong usal sabay iwas ng tingin sakanya.

Masakit man ang tono ng pananalita ko, pero pakiramdam ko ay iyan lang yung magagawa ko upang maprotektahan ko kayo ng lingid sa kaalaman nyong lahat.

"Kalokohan, ipaalam? Narito ka sa labas ng pamamahay namin kaya kita tinatanong." Ibinalik ko ang mga mata ko sakanya.

"Hindi ko alam na interesado ka pa pala sa akin?" Nakangisi kong sabi, na bahagyang ikinagulat nya.

"U-umalis ka na bago kapa makita ng pamilya ko, hindi nila magugustuhan na makita ka." Nakaramdam ako ng kirot sa puso pero binalewala ko lamang ito.

"Bigyan mo ako ng magandang rason para sundin kita." Mahina ang boses ko.

Huling mission ko na Ven, at kapag natapos ko na ang missiong ito... Hinding-hindi mo na ako makikita.

"Aalis ka ng kusa, o kinakailangan ko pang tawagin yung mga guard para pwersahan kang paalisin dito?" Malamig ding usal nya, naikuyom ko ang sarili kong kamao.

"Anak! Sino bang kausap mo dyan? Ang tagal mo naman yata?" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"Susunod ako mom." Sagot pa ni Venjoe na hindi manlang inaalis ang paningin saakin.

"Bakit hindi mo anyayahan iyang bisita mo sa loob anak? Masyado ng mahamog, baka magkasakit pa kayo dyan?" Nanatili ang paningin ko kay Venjoe, kitang-kita ko ang sarkastiko nyang ngisi kaya minabuti ko nalamang na iniiwas ang paningin sakanya.

"Baka hindi ka matuwa kapag nakita mo ang bisitang sinasabi nyo, Mom." Natigilan ako sa sinabi nya at marahas syang nilingon, naroon parin ang sarkastiko nyang ngisi.

"Bakit sino ba yang bisita na sinasabi mong hindi ko magugustuhan-----what the fuck are you doing here?!" Nagsitagis ang bagang ko, kung hindi lang kita mahal Venjoe baka pinakain ko na kayong pareho ng bala.

Nagsalita pa sila pero hindi ko na pinansin dahil naagaw ang attention ko sa pabagong nalanghap ko.

"Pumasok na kayo sa loob." Walang emosyon kong usal sa kanilang dalawa dahilan upang matigil ang kanilang pag-uusap... Kung meron nga.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now