CHAPTER 162:-$

79 4 0
                                    

Lutang ako ng magising ako dahil sa nalaman ko, why he can't wait? Akala ko ba hinabol nya ako sa airport? Akala ko ba....

"It fucking Hurt's..." Humihikbi kong sabi, bakit ba ang dali lang sayo? Bakit ang sakit? Bakit ba? Bakit ba ang unfair mo? Bakit mo ba ako paulit-ulit na sinasaktan?

"Ang papel mo ba sa buhay ko ay ang saktan ako ng ganito? Talaga bang pinagtagpo lang tayo pero hindi itinadhana?" Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko, pero alam kong ito lang ang tanging paraan upang maibsan kahit papaano ang nararamdaman kong sakit.

Paano na ako Ven? Paano na ako gayong nakatali ka na sa iba? Wala na ba tayong pag-asa? Hindi mo na ba talaga ako mahal? Mahal kita Ven pero bakit ako lang? O ako nalang ba talaga ang nagmamahal sating dalawa? Ako nalang ba ang nasasaktan sa nangyayari sating dalawa ngayon?

"Siberia..." Hindi ako sumagot sa tawag nila, hindi pa ako handang makita sila. Hindi ko alam kung paano sila haharapin sakabila ng mga nalaman ko, ang sakit-sakit ng nalaman ko.

Pakiramdam ko ay wala na akong magagawa kundi ang maging ganito nalang, wala na akong magagawa kundi ang magmukmok nalang at umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod ako.

"Anak! Open this door please..." Si daddy pero hindi pa din ako kumilos, nanatili akong nakahiga habang umiiyak.

Bakit ka nagpakasal na hindi ako ang bride Venjoe? Bakit? Akala ko... Akala ko ba okay na? Pero anong nangyari? Bakit ganito? Ano ba ang dahilan mo't hinabol mo pa ako sa airport? Para makapag sorry? At magkaroon tayo ng closure?

"Your sister waiting you..." Natigilan ako sa sinabi ni mommy, I'm sure na marami sila ngayon sa labas ng kwarto ko at naghihintay na lumabas ako.

"Magaling na ang kapatid mo..." Doon ako napabalikwas ng bangon ng muli kong marinig ang sinabi ni Liam, mabilis akong tumayo at pinagbuksan sila ng pinto.

"Anak!!" Si mommy na alalang-alala sa itsura ko, mugto ang mata ko at nangingitim na, ang buhok ko ay sabog kaya ganito nalang kung mag-alala ang mommy at mabilis na lumapit saakin at niyakap ako.

"W-what did you say, Liam?" Garalgal ang boses kong tanong habang nakayakap kay mommy. "I-it true, mom?" Pagtatanong kong muli at kinukumpirma kung totoo ba ang aking narinig.

"Yes... And she was already waiting for you..." Si mommy na kumalas sa pagkakayakap saakin.

"Maari nyo na ba akong dalhin?" Tanong ko na ikinanganga nila na ikinakunot ng noo ko.

"With that face?" Tatawa-tawang tanong ni daddy kaya natutop ko ang bibig ko at patakbong pumasok sa kwarto at naligo.

Damn it! Damn it! Bat ko nakalimutan ang itsura ko! My god! Nakakahiya ka Siberia!

Makalipas ang ilang sandali ay natapos na ako at nakahinga ng maluwag ng makita kong maayos na ang aking itsura pero bahagya pa ding namumugto ang mga Mata ko at nangingitim.

"Let's go." Masayang sabi ni mommy, kaya tumango ako bilang pagsang-ayon.

Habang naglalakad kami papunta sa dinning area ay kinakabahan ako, what if galit sakin ang kapatid ko? What if kamuhian nya ako sa kasalanang nagawa ko sakanya?

"W-what if she hates me?" Hindi ko maiwasang hindi kabahan lalo na't sa ginawa ko sakanya.

"She can't..." Si daddy na nakangiti saakin, hindi na ako nagsalita ng pumasok kami sa dinning area.

Nanggilid ang luha saking mata ng makita ko si Shane... Ang laki ng ibinagsak ng kanyang katawan, pero mas lalo lamang itong naipakita kung gaano sya kaganda at maslalo syang sumexy.

"Ate..." Nang sabihin nya iyan ay hindi ko na napigilan ang pag bugso ng damdamin ko Dahil sa tuwa ng puso ko ay mabilis akong tumakbo sakanya at yumakap.

"I-im sorry..." Garalgal ang boses kong sabi habang mahigpit na yumakap sakanya, naramdaman kong yumakap din sya pabalik saakin Dahilan upang mas lalo akong maging emosyonal.

"No... Don't be sorry, ate. It's not your fault... Ako ang may kasalanan kaya ako ang dapat na humingi ng tawad sayo, I'm sorry for hurting you. I'm sorry for everything, ate." Sabi pa nya kaya kumalas ako ng yakap at nakangiti syang pinagmasdan.

"A-akala ko, galit ka saakin." Pagsabi ko sakanya ng totoo, dahil iyon naman talaga ang naramdaman ko ng mga oras na papalapit kami ng papalapit sakanya kanina.

"Pano ako magagalit? Pinaliwanag na nila daddy ang lahat, and I'm really sorry hindi ko kasi alam na ganoon na kasama ang mommy. Ako na din ang humihingi ng tawad sakanya at nagpapasalamat ako na hindi kamatayan ang pinarusa mo sakanya, and thank you for not killing me." Parang may kung anong guilt ang dumaan sa puso ko dahil sa sinabi nya, hindi ako ang dapat nyang pinasasalamatan dahil kamuntik ko na syang mapatay ng dahil sa galit. Si liam at si mommy ang pumigil sa akin noong mga oras na nawawala na ako sa katinuan.

"Yeah, yeah, yeah. And that's because of me." Sabay naming nilingon ang bunso naming kapatid, at kapwa sinamaan namin sya ng tingin saka dahan-dahan kaming naglakad patungo sakanya. "Oh, oh... I don't like that stare! Daddyyyyyy!" Atungal nya at bumaba sa pagkakaupo upang magtago sa likod ng daddy.

"May hindi ka sinasabi saamin, kapatid. Mukhang may tinatago ka." Pananakot namin sakanya.

"Wala akong sasabihin sainyo, mga ate. Dahil wala naman akong tinatago." Pang-gagaya nya sa tono ng pananalita namin, kaya nagkatinginan kami ni shane na parang nag-uusap gamit ang mga mata.

"Meron, saan mo natutunan ang ginawa mo? Ang sabi saakin ng namayapang si caeleen ay minsan ka na nyang nakita sa itaas ng puno, at minsan ka na din nyang nakitang nilalabanan ng palihim ang tauhan ng inyong ina." Tanong ko, na alam ko naman talaga kung kanino sya natuto. Tsk!

"It's daddy!!!" Malakas nyang sigaw at sinabayan pa ng mahinang hikbi hanggang sa palakas ng palakas kaya muli kaming nagkatinginan ni Shane at nag apir pa kami sabay halakhak, kaya unti-unting lumabas ang kapatid namin sa likod ng daddy at sinamaan kami ng tingin.

Pero ang mood ko ay mabilis na nag-iba ng muling sumagi sa isip ko si Venjoe...

Mahal ko... Wala na ba talaga tayong pag-asa?

***

If you want to vote, comment and follow me, you can decide on your own. I am now contented on the reads. Hehehe

Anyway you can add or follow me on my FB acc "Tomenes Akira" and also you can like and follow my Page Tomenesakira if you want to!

Mas active ako sa fb madami akong shit post about watty, you can share it churrrrr labslatssss! Mwuahhh!

♠t♠o♠m♠e♠n♠e♠s♠ ♠a♠k♠i♠r♠a♠

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now