CHAPTER 159 :-(

83 4 0
                                    

Mabilis na lumipas ang dalawang linggo, paulit-ulit kong pinahihirapan ang lahat ng may kasalanan kung bakit nawala ang aling lolo. Nagpapasalamat na din ako at hindi kinu-kwestion ng hukom ang aking ginagawa, kahit na kamatayan talaga ang kaparusahan ng lahat. Hindi ko naman gustong kitlin ang kanilang mga buhay nais ko lamang silang magdusa habang buhay, dahil hindi sila magdudusa kung papatayin lang dila ng ganon-ganon nalang.

Sunod-sunod na katok ang nagpatayo saakin, ngayong araw ang coronation day kaya puspusang paghahanda ang ginawa ko. Mabuti nalamang at kanina pa ako inayusan, narito ang tatlong reyna ng ibat-ibang bansa. Ang Reyna ng Turkey, Reyna ng China at ang Reyna ng Saudi ay naririto upang saksihan ang pagpasa ng trono saakin.

"Your so beautiful, baka pag fiestahan ka ng mga anak ng aking amigás." Napangiwi ako sa sinabi ni mommy, kahit na anong pag fiesta ang gawin nila ay hindi nila makukuha ang puso ko dahil wala ito saakin.

Someone's stole my heart at ang taong nagnakaw ng puso ko ay nasa pilipinas, at hindi na ako makapaghintay na makita syang muli!

Marahan kaming naglakad ni mommy patungo sa priendá kung saan naroon ang trono ng reyna, kumabaga ay bulwagan iyon. Napalingon ako sa upuan ng Reyna, wala na ang katabing upuan nito na para sa prinsessa na para noon saakin.

"Sa araw na ito ay masasaksihan natin ang lahat! Ang trono ng Chairman Tiger ay ipinaghalo sa Trono ng Chairman Sky! Masasaksihan natin ang pagiging isa ng dalawang pinakamalakas at pinakamakapangyarihang dalawang tao, ang trono ay pinagpasyahang gawing iisa. Sa ngalan ng hari ng mga Tiger na si Haring Theo 'Sure' Tiger at sa ngalan ng Reyna nating si Reyna Heaven Leigh Kim Sky." Anang pinagmulan ng lahat, the boss of bosses sya ang napapatakbo sa organisasyon ng mga mafia.

Ang organisasyon na ito ay binubuo ng tatlong boss and bosses kabilang ang dalawang chairman na lolo ko tatlo silang nagpapatakbo pero ang nagsasalita ngayon ay syang boss ng lahat maging ng dalawang chairman, panagalawa ang chairman Tiger pangatlo sa mga bosses ang chairman Sky.

May membro din itong isang daan, ang isang daan na iyan ay pantay-pantay at inatasang protektahan ang mga boss and bosses.

"Sa unang pagkakataon ako ay bababa sa boss and bosses, dahil taglay ng kamahalan ang dugo ng malakas na dalawang chairman. Magmula sa araw na ito ay hindi lang trono ang mapupunta sakanya sa araw na ito, dahil ngayong araw sya na ang boss ng lahat. Maging ako ay sya na ang aking magiging boss double ang kapangyarihang meron sya na hinding-hindi ko kayang tapatan, kaya magmula sa araw na ay ikaw na ang boss naming lahat. Maligayang pagpasok sa mundo ng mga boss." Lahat sila ay nagsipagbigay ng galang at sunod-sunod na nagsiluhudan, hindi ko mapigilang mapanganga.

"Muling magbigay galang sa kauna-unahang babaeng nakapasok sa mundo ng mga bosses!" Nangibabaw ang authoridad sa boses ng boss na si Werokimashim ngayong ako na ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang tao ay may kakayanan na akong banggitin ang pangalan nila.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now