CHAPTER 165 :-*

80 3 0
                                    

5years ago...

"Huy! Siberia! Ano na? Josku! Ano pa bang ginagawa mo bat ang tagal mo naman?!" Napairap ako sa kawalan ng marinig ang nambubulabog na tinig ni Rose, last 3years ago ay ikinasal sila ni Kuya. Simula ng ikinasal silang dalawa ni kuya ay dito na sila tumira.

"Mamaya na inaantok pa ako." Tamad kong sagot habang nakahiga, bihis na ko't lahat-lahat kanina pa pero parang ayoko na yatang umalis tsk.

"Naghihintay na yung eroplano! Ano ba!" Right! Mabilis akong tumayo at padabog na binuksan yung pinto.

"Bakit nyo pa kasi ako sinama-sama! Hindi ko na nga gustong magpunta dun!" Irita kong sabi sakanya at nilagpasan sya, mabilis namang dumalo ang mga alalay upang kunin ang mga bagahi ko.

"Hindi ka ba excited?! Makikita mo na si Venj----"

"I don't wanna hear his voice, Rose." Seryoso kong sabi sakanya ng humarap ako, bumuntong hininga muna sya bago ako tinarayan.

"Tsk! Ang sabihin mo hirap ka pa ding maka move on! 5years na Siberia! May anak na iyon panigurado!" Hindi ko na sya pinansin at nagtuloy-tuloy na akong lumabas.

"Mukhang nagmamadali ka ah? excited ka na bang makita ang ex mo, kapatid?" Hindi ko pinansin si Liam na nang-aasar.

Peste! Bakit ba sinama-sama pa nila ako papuntang pilipinas? Hindi ba sila makapunta dun ng hindi ako kasama? Ang liit ng pilipinas! At sigurado ako na magkikita at magkikita kaming dalawa!

"Nawala sa mood." Si Rose na nang-aasar din ang tono, napailing ako. Bagay nga sila ng kapatid ko, parehong nasisiraan na ng bait.

"Gisingin nyo nalang ako kapag nakalapag na tayo." Malamig kong sabi sakanila ng makapasok at makaupo na kami sa eroplano namin.

Humiga ako sa kama, na pinasadya ko pa last week dahil nga pauwi kami sa pilipinas ayokong mabagot sa haba ng byahe kaya pinasasya kong lagyan ng kwarto ang sarili naming eroplano para makatulog ako kahit papano dahil iniiwasan kong mag-isip patungkol sakanya.

Masaya na ako sa buhay na meron sya, hindi na ako maghahangad ng higit pa dahil hangad ko lamang ang kaligayahan nila. Balita ko din Kay sheila na may anak na nga talaga ito, tsk!

Eh Ano naman Siberia? Di ba unti-unti ka ng nakakapag move on? Oh bat nag eemo ka na naman yata! Tsk! Hanggang sa makatulugan ko ang pag-iisip ng mga bagay-bagay na bumabagabag saakin.

NAGISING ako sa sunod-sunod na katok na aking narinig, unti-unti akong nag mulat ng mata.

"Malapit na tayo, Siberia. Gumising Ka na." Boses ni kuya kaya napabangon ako at nagtuloy-tuloy sa banyo saka naligo.

Kompleto ang gamit ko dito sa eroplano dahil pinasadya ko ito at minsan kapag gusto kong magisip-isip ay dito ako tumatambay at sa eroplano dahil gusto kong mapag-isa.

Nang matapos akong maligo ay namili ako ng susuotin naguguluhan pa nga ako kung ano ba ang dapat kong suotin pero napagdesisyonan ko nalang na mag shorts at mag crop top nag white shoes nalang din ako, saka nag lip tint.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now