CHAPTER 177

63 1 0
                                    

"Pano kita maiintindihan venjoe kung ang anak ko ay nawawala! I search this area na pwede nyang puntahan but i can't see my son! Tumakbo ako sayo para humingi ng tulong! Please for once venjoe tulungan mo akong hanapim yung anak ko! I don't know what to do! Alam mo kung gaano kahalaga yung anak ko sakin mababaliw ako pag di ko nakita ang anak ko so please help me, help me to find my son please!" Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na to.

Hindi ko din magawang maawa kay bella, i have this feeling na gumagawa lang sya ng kwento para hindi matuloy ang pag uusap namin ni venjoe malakas din yung pakiramdam ko na para bang plinano nya ang lahat ng to.

"What?" Ngayon venjoe may karapatan kang mamili saming dalawa hindi ko na kailangan pang buksan ang ang bibig ko para sabihing mamili ka samin dahil kahit na hindi ko sabihin alam kong may pipiliin ka at sa pag pili mong iyon ay syang pag wakas ng lahat.

"Siberia, please kahit ngayon lang. Kailangan ko si venjoe kailangan ko sya don't be so selfish please hayaan mo si venjoe muna----"

"Never beg for his attention we know how much he loves you and your son, look at his reaction pwede na kayong umalis." Hindi venjoe kung gusto mong ayusin natin to wag kang umalis patunayan mo sakin na kahit ipag tabuyan kita ay ako ang pipiliin mo! Don't break my hope and heart again, i want you to stay by my side kahit ngayon lang kahit ngayon lang piliin mo akong ulit.

Taimtim kong hiling at dasal sa aking isipan nagbabakasakali lang ako at umaasa, ngunit ang pagbabakasakali at ang pag asa ko ay tuluyan ng naglaho ng dahan-dahan nya akong talikuran mapait akong napangiti sa kawalan.

"I'm sorry, Siberia. Mamaya nalang tayo mag usap." Mariing pagpikit ang aking ginawa.

Sa pag talikod mo saakin venjoe ay sya mong tuluyang pag sara sa aklat na aking sinimulan, ang pag pili saakin ay isang kahibangan ang pag asa ko ay mananatiling umaasa ngunit sa pag kakataong ito wawakasan ko na ang kwentong aking sinimulan.

Ngunit ang aklat na ito ay mananatiling nakasirado dahil sa aklat na aking ginawa naging bahagi ka din ng kwento at naging bahagi ka ng buhay ko ang ginampanan mo sa aklat na aking ginawa ay nag tapos na at masakit mang sabihin... Ang kwentong ito ay nag wakas na ang kapwa bida sa kwento ay hindi nagkatuluyan.

Ngunit ang aking huling hiling na sana sa susunod na pag gawa ko ng kwento ay maging masaya na ang wakas.

Ang kwento ay hindi lahat nagtatapos sa isang masayang pag sasama o masayang nag tatapos dahil mayroong kagaya ng aming kwento na nag wakas sa isang malungkot na pangyayari.

"Ngunit ang kwentong iyong sinulat hindi maaaring mag wakas ng ganun-ganun lang sa tuluyan mong pag sara ng kwento nyong dalawa ay isa sainyo ang masasawa at ito ay nakatakda na at sa oras na tuluyang masara ang aklat nyong dalawa at hindi kayo ang nagkatuluyan... May isa sainyo ang mabubura sa mundo at iyon ang magiging sanhi ng pagiging malungkot ng kwento na kayo mismong dalawa ang nagsimula." Kakaibang kilabot ang naramdaman ko ng marinig ko ang boses na iyon.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now