CHAPTER 155 :*

109 4 1
                                    

Siberia POV

"Ibienuenidos al palacío!"
'Welcome back to the palace’ Malakas nilang sabi, muntik pakong mapailing at ngiwi mukhang hindi na ako sanay sa ganitong treatment nila.

"Ecómo estás la princessa?" ‘how are you princess?’ wala akong ka emosyon-emosyon sa mukha, wala din akong ganang magsalita kaya tango nalamang ang aking isinagot.

"¿Qué hora es?" ‘what time is it?’ Iyan nalamang ang natanong ko dahil sa pagod, hindi ako masyadong nakatulog sa eroplano dahil sa kakaisip sakanya.

"11am your highness, get ready. The lunch will start in 20minutes." Sabi nya gamit ang sarili namung wika, tinanguan ko lamang sya dahil talagang wala akong balak magsalita sa ngayon.

(A/N: hello! Gustuhin ko man sanang espanyol ang isulat eh talaga namang nakakaubos ng words baka mas maraming translation kesa sa ipinupunto ng chapter na ito kaya tatagalogin or e englishin ko nalamang.)

Napangiwi ako ng makita ang mga damit ko sa cabinet, damn! Walang pinagbago ang style kailangan bang gown ang suotin? Peste!

NANG matapos akong maligo at nagbihis ay sunod-sunod na katok ang aking narinig kaya hirap akong nagtungo sa pintuan uoang pagbuksan ito.

"Your perfectly beautiful baby!" Muli akong napangiwi lalo na sa sinabi ni mommy, damn! Hindi na ako sanay na ganito ang aking kasuotan.

"Tagalog mom please, tinatamad akong magsalita sa wikang espanyol." Nakangiwi ko paring sabi kaya napahalakhak sya.

"Kapag tayong dalawa lang, tandaan mo ipinagbabawal dito ang wika ng ibang bansa." Nakangiti pa rin nyang sabi, hindi nalamang ako nagsalita dahil talaga namang totoo ang sinasabi ni mommy.

Nang makarating kami sa dinning area ay naroon na ang limang konsehal, naroon na din sina Liam maging si jhella at daddy naroon na din.

"Ate! I missed you!" Galak na galak na sabi ni jhella gamit ang espanyol na salita, mabilis itong nagpatulong sa maid para makababa ng upuan nya at masalubong ako ng yakap.

"Bumalik ka na roon, kakain na." Nakangiti kong usal, sunod-sunod syang napatango kaya mas lalo akong napangiti.

Ngiting mabilis na nawala at muling napalitan ng blangkong emosyon ang aking mukha lalo na nang maalala ko ang aking kapatid na akong dahilan kung bakit naroroon sya sa piitan. Walang imik akong naupo, malalim ang aking iniisip habang kumakain at para bang wala akong nakikita sa paligid kundi ako lamang mag-isa.

Pero batid kong madami kami ngayon sa mesa kaya ang emosyong gustong kumawala saakin ay nahigpit kong pinipigilan at pinanatili ko nalamang na blangko ang ang ekspresyon.

"Ano ang iyong commento mahal na prinsessa?" Natigil ako nang marinig ko ang tanong ng ikalimang ranggo.

"Pardon?" Walang interes kong tanong.

"Uulitin ko nalamang dahil mukhang hindi mo nga narinig ang aming usapan, ang pinag-uusapan namin ay ang patungkol sa lalaking nakasama mo. Kung hindi ako nagkakamali ay Vince ang kanyang pangalan." Natigilan ako sa sinabi nya at para akong kinilabutan ng banggitin nya ang pangalan ni Vince.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin