CHAPTER 161 :-!

88 4 0
                                    

Mabilis na lumipas ang buwan nang hindi ko namamalayan, basta ang alam ko lang ay sinisikap kong tapusin ang kung ano mang trabahong iniatang saakin. Nang sa gayon ay mabalikan ko na si Venjoe, pero lihim akong nagdarasal na sana'y hindi mangyari ang aking kinakatakutan.

Natatakot akong malaman ang totoo na baka mawalan na ito ng pag-asa sa kahihintay saakin, at tuluyan na itong bumitaw at pakasalan si Bella. Sa iisipin kong iyan ay nararamdaman ko ang bahagyang pagkirot ng aking puso, bakit kailangang saakin pa mangyari ang mga ito? Bakit puro sakit ang aking nadarama? Wala na ba akong karapatang sumaya? Wala ba akong karapatang mahalin ng taong mahal ko?

"Siberia!" Palihim kong pinunasan ang luhang tumulo saking mata saka nilingon si Vince.

"Hmm?" Iyan nalamang ang aking nasambit dahil pakiramdam ko mahahalata nyang umiyak ako dahil sa pagralgal ng aking tinig.

"1week vacation, pero hindi out of the country dito lang tayo maaring mag pahinga." Nakangiti nitong sabi na ikinakunot naman ng aking noo.

"1week vacation pero hindi out of the country? Kalokohan! Sino ang nagsabi nyan? Kung hindi rin lang naman out of the country eh nabuti na sigurong hindi na tayo nagpahinga." May inis saking tinig, vacation daw pero hindi maaring lumabas ng bansa. Tsk!

"Ang mommy mo't si Liam, darating sina Sheila dito on the next day kaya pinagpapahinga na muna tayo " natigilan ako sa sinabi nya, darating sina sheila! Ede maaring malaman ko kung ano na ang nangyayari kay Venjoe!

Bakit ko ngaba hindi naisip na tawagan ko sila upang tanungin! Tsk! Stupid! Kung hindi pa pinaalala ni Vince na darating sila ay baka tuluyan ko ng nakalimutan ang mga babaeng iyon! At paniguradong nagtatampo na ang nga iyong.

"Ohhh my goooddddd!! Friend!!! Siberia!!!" Dahan-dahan akong napalingon sa babaeng sumigaw saka sinamaan ng tingin si Vince.

"Kala ko ba sa susunod pang araw ang dating ng mga ito?" Masama pa din ang tingin ko kay Vince na ngayon ay nagkamot ng ulo! Sabay ngisi-ngising naupo.

"Hoy!!!!" Handa na sana akong sigawan si sheila ng bigla akong yakapin ng mahigpit.

"P-peste! Hindi Ako m-makahinga!!!" Agad syang bumitaw at sinamaan ng tingin, samantalang ako ay habol ang hininga pero peste! Hindi pa nga bumabalik ang normal kong paghinga ng biglang yumakap din saakin si Generose!

"We missed you! Bruha ka Hindi kamanlang tumawag!!" Pilit ko syang kinakalas sa pagkakayakap sakin dahil hindi ako makahinga sa sobrang higpit!

"P-peste!!! Hindi Ako nakahinga sabi!" Hirap kong sabi kaya kagaya ni sheila ay nabilis syang kumalas sa pagkakayakap at nag peace sign.

Nang bumalik sa normal ang aking paghinga at sinamaan ko sila ng tingin ni sheila.

"Anong ginagawa nyo dito?" Mataray kong sambit kaya kapwa silang dalawa ay sinamaan ako ng tingin.

"Baka bestfriend mo kami? Nyeta ka! Hindi kamanlang nag-abalang tawagan kami!" Si Rose na akmang babatukang nya ako pero sinamaan ko sya ng tingin.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now