CHAPTER 149 8)

95 5 2
                                    

"N-ngunit hindi pa doon nagtatapos ang na demonyohan nila, maging ako ay pinaulanan din nila ng bala..." Tumikhim muna ako upang mag alis ng bara, nang lalamunan pero bago paman ako makapagsalita ay nauna na kaagad mag tanong iyong Host.

"Make the story short ano, hindi sa pangbabastos. Ngunit pinapasingit ni Dean ito dahil masyado ka ng emotional, at maging ako ay nakokonsensya dahil sa tanong ko kanina... Ahmm maaari ba naming malaman kung ano ang nangyari sayo matapos kang patamaan ng bala? Ito din ba ang inaakala nilang lahat na patay ka na?" Hindi ko tinapunan ng tingin ang host, dahil baka masamaan ko lang ito ng tingin.

Dahil ipapaliwanag ko naman talaga iyan, dahil yan naman talaga ang kasunod na nangyari. Kaso inunahan nya ako imbes na tapos na ako sa pagkukwento dito ngayon ay pinahaba nya pa ang pananatili ko dito sa harapan ng lahat.

"Inaakala ng lahat na patay na ako, maging ang doktor ay sinabing dead on a rival na daw ako." Bumalik sa walang emosyon ang mukha ko at bumalik din sa pagiging malamig yung boses ko.

"Dead on a rival? Ngunit paano? Gayong narito ka ngayon sa harapan namin bilang tao at hindi kaluluwa----"

"Patay na nga ako ng makarating sila sa hospital pero nang akmang dadalhin nila ako sa morgue ay biglang gumalaw ang kamay ko kaya napagdisisyonan ng magulang ko na dalhin ako sa ibang bansa upang magamot." Pigil ko pa sa maaring pagsingit ng host, gusto ko ng makaalis dito sa hot seat na to tsk.

"3years and 6months nga akong na comatose, akala nga nila na hindi na ako magigising..." Sinadya kong ibitin ang aking sasabihin, nilingon ko si Venjoe na bakas ang gulat sa kanyang mukha. "Sa loob ng 3years and 6months na pag ka comatose ko ay ilang beses akong nag-agaw buhay." Walang emosyon kong sabi, lahat sila ay batid kong nagulat sa mga sinasabi ko. Specially si venjoe.

"Nang magising ako... Isa lang ang pumasok sa isipan ko, yun ay ang makauwi ako ng madalian dito dahil may taong batid kong nasaktan sa pag-aakala nilang namatay akong talaga." Mapait kong sabi habang diretso akong tumingin kay Venjoe. "Ngunit hindi ako pinayagan ng doctor na nakauwi dahil masyado pang mahina ang aking katawan lumipas ang anim na buwan... Mahina pa din ako, pero alam ko sa sarili kong kaya ko nang makatayo. Isang gabi napagdisisyonan kong tumakas makita lang ang lalaking mahal ko, ngunit nahuli nila ako pero hindi iyon naging rason upang pigilin ako sa ano mang nais kong gawin sa buhay ko. Hindi ko alintana ang posibleng mangyari saakin dahil sa pagpipilit kong makauwi! Hindi ko alintana ang hirap, pero pursigido na akong makauwi dito dahil ang akala ko ay hinhintay nya ako..." Walang emosyon kong sabi, ayokong ipakita sakanila na sobra akong nahihirapan.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now