CHAPTER 148 B)

91 4 2
                                    

"Very well said, Mr.Zapanta. kitams! Hindi lang ako iyong ngaral sainyo! Tama si Mr.Zapanta, pero mas tama ako. Sa buhay natin ngayon ang ating tanging kayamanang hindi makukuha ng iba ang itong pag-aaral kaya mainam pang siguro na mag-aral tayo ng mabuti. Batid kong ang iba sainyo ay may sariling mga kompanya, pero sana isipin nyo na mas mainam pa rin ang may pinag-aralan." Aniya pa ng baklang host kaya nagsipalakpakan silang muli.

Habang ako ay narito malalim pa din ang iniisip at hindi alam kung paano haharapin ang bawat araw na sisikat, idagdag pa ang sakit ko. Ngayong taon ay parang sunod-sunod na kamalasan ang inabot ko, hindi ako tinatantanan ng problema.

At pakiramdam ko ay pinaglalaroan na ako ng tadhana ng paulit-ulit. Mapait akong napangiti ng maalala kong muli ang sinapit ko kay Loyd kaya rin ni Venjoe ipinagpalit ako, nakaka trauma na yatang mag mahal sa panahon ngayon.

"Oh sya, bago kayo magsaya pakinggan na muna natin ang hinanaing ng mahalagang tao para sa may-ari ng school na to, please let's all welcome... Ms.Siberi Tiger Sky! Palakpakan!!"

Pano ko haharapin ang araw kung puro ako problema? Dito, madami akong problema. Maging sa pag-uwi ko ay napakarami ko ring haharaping problema, hindi ko na nga alam kung ano ba ang dapat kong sabihin saking kapatid at hindi ko din alam kung mapapatawad nya ako sa aking kasalanan.

"Ms.Siberia? May siberia ba dito?"

Araw-araw din akong kinakain ng guilt, pakiramdam ko din ay masyado akong nag padalos-dalos sa aking disisyon at kung nagkataong hindi ako pinigilan nila mommy ay baka nawakasan ko na mismo ang buhay ng sarili kong kapatid.

"Huy! Girl tinatawag ka!" Napamaamg ako kay Sheila, na nalapamewang habang nakatingin saakin at ang isa nyang kamay ay nakaturo sa stage. "Kanina ka pa tinatawag!" Sigaw nya kaya iling-iling akong napatayo at walang emosyong naglakad papuntang Stage.

"Paumanhin, naging masyadong okopado ang aking isipan kaya hindi ko napansin na ako pala ang tinatawag mo." Hingi ko ng paumanhin sa host, naiilang pa itong ngumiti saakin.

"Hmm... Ang nais ng dean ay malaman kung ano ba talaga ang nangyari sayo 4years ago at para na din ito sa ikatatahimik ng lahat, wala naman sigurong masama kung ilalahad mo saamin kung bakit nawala kang bigla sa eskwelahan ng mga Zapanta? Don't get me wrong ah, trabaho lang to... At para din naman ito sa ikalilinis ng pangalan mo, kahit bago kamanlang umalis." Natigilan ako sa sinabi nya, kakatwa, ganito ba sila ka interesado sa buhay ko noon? Malalim akong bumuntong hininga bago tumago, nakangiti nya namang iniabot saakin yung mike na gagamitin ko.

Kaya nang makuha ko ito ay tinanguan ko nalamang sya, at pilit na inihahanda ang aking sarili dahil masakit para saakin ang gagawin kong pagsasalita dahil mauungkat na naman ang dalawang chairman.

"Masyadong sensitibo ang saakin ang nangyari 4years ago, masyado ding mahaba ang istorya... Pero paiikliin ko nalamang ito." Tumikhim ako, nanatili ang attention ng lahat, at nang maigala ko ang aking paningin ay mapakla akong napangiti.

Si Venjoe at Bella ay magkatabi, nakahawak si bella sa bewang ni Venjoe habang si Venjoe naman ay naka akbay sakanya. Isang bagay na hindi nya nagawa saakin noon, pero ginagawa nya sa iba ngayon. Sunod-sunod akong napalunok bago ko iniiwas ang paningin sakanya. Sahalip ay mas pinili ko nalamang na ituon ang attention sa ibang tao, at sinisikap kong huwag tapunan ng tingin sila Venjoe dahil sinasaktan ko lang ang sarili ko.

"4years ago, isang kahindikhindik ang nangayari sa pamilya ko... May taong sakim at inggit na inggit sa estado ng buhay na meron kami ngayon." Sabi ko na ang tinutukoy ang sina Jenny na walang ibang iniisip kundi ang trono at kung paano nila ito makukuha. "Nang dahil sa kasakiman nila ay nagkaroon sila ng masamang plano upang kami ay pabagsakin." Batid kong rinig ng lahat kung paano nagsitagisan, hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi magalit habang inaalala ang masalimot na nangyari sa pamilya ko dahil sa kagustuhan nilang makuha ang kapangyarihang meron kami upang magamit nila sa kasamaan.

"Gumawa sila ng hakbang, kabilang na ang matalik na kaibigan ko. Na hindi ko sukat akalaing makakaya akong traydorin." Kanya-kanya silang singhap dahil sa narinig pero ipinagsawalang bahala ko ang kanilang mga reaction. "Sakabila ng kabutihang ginawa ko sakanya ay nakaya nyang ipahamak ang buo kong pamilya, sinet-up nila kami. Minanmanan ang kilos na lingid saming kaalaman, buong buhay ko ay itinuring kong kapatid ang aking kaibigan. Binihisan ko sya't lahat-lahat pero kawalanghiyaan lang ang isinukli nya saakin, nang dahil din sa kasakiman nya ay napahamak ang kapatid ko na dapat ako ang naroroon sa kinalalagyan nya." Dugtong ko pa sa sinabi ko, saka sinulyapan si Liam na hindi malaman ang gagawin dahil sa mga pinagsasabi ko.

"Iniligtas ko ang aking kapatid sa kapahamakan at hindi ko pinansin ang kapahamakang naghihintay din saakin noong mga oras na iyon..." Pahina na ng pahina ang boses ko, kasabay ng panggilagid ng luha ko. "At noong mga oras na iyon na dapat s-sana'y ako ang tatamaan ng bala... K-kaso..." Parang biglang may bumara sa lalamunan ko na ikinahihirap kong magsalita. "K-kaso niyakap ako ng dalawang c-chairman na lolo ko at... At pareho silang nalagutan ng h-hininga dahil hindi bababa sa benteng bala ang natamo ng katawan n-nila." Pumipiyok ako sa mga huling sinabi ko, kasabay ng sunod-sunod na pagtuluan ng aking luha.

Malinaw pa din sa isipan ko kung paano ako pinotrektahan ng dalawa kong lolo, at malinaw na malinaw sa isip ko kung paano malagutan ng hininga silang dalawa at malinaw na sumisiksik sa isipan ko na kasalanan ko ang lahat kaya nangyari iyon sakanila.

Kung hindi ako naging padalos-dalos sa aking disisyon disin sana'y buhay pa silang dalawa ngayon at disin sana'y kompleto at masaya ngayon ang aming pamilta, ngunit batid kong malabo iyong mangyari, dahil huli na ang lahat, wala na ang dalawang lalaking naging parte ng buhay ko at nagsilbing gabay noong mga panahong bagsak na bagsak ako.

***

If you want to vote, comment and follow me, you can decide on your own. I am now contented on the reads. Hehehe

Anyway you can add or follow me on my FB acc "Tomenes Akira" and also you can like and follow my Page Tomenesakira if you want to!

Mas active ako sa fb madami akong shit post about watty, you can share it churrrrr labslatssss! Mwuahhh!

♠t♠o♠m♠e♠n♠e♠s♠ ♠a♠k♠i♠r♠a♠

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now