CHAPTER 156 :E

84 4 0
                                    

Napabalikwas ako sa sunod-sunod na katok na aking narinig, nilingon ko ang alarm clock sa loob ng kwarto ko at nangunot ang aking noo ng makitang 5am palang. Gigil kong pinagbuksan ang sino mang kumakatok, muntik ko pa nga sanang masigawan mabuti nalang at hindi ko ginawa.

"What the fuck, Liam?" Galit kong tanong, gamit ang mababa kong boses.

"Maghanda kana isang oras nalang magsisimula nang litisin si Vince." Tango ang aking isinagot sakanya at malakas kong isinarado ang pinto.

Padabog akong nagkuha ng damit at nagtungo aa banyo. Damn! Mabuti nalang at ginising nya ako! May gagawin pa ako para mapigilan ang mangyayari! Pero batid kong hindi ito magiging madali kinakailangan ko ng isa o dalawang araw para magawa ko ang aking pinaplano.

Mabilis akong nag-ayos pagkalabas ko sa banyo saka lumabas ng kwarto at nagtungo sa dinning area ngunit ako nalamang mag-isa ang naroon dahil batid kong kanina pa sila nagpunta sa gaganapan ng paglilitis.

"S-siberia..." Nahinto ako sa pagkain dahil sa boses ni sadava, nanginginig ito. Nag-angat ako ng tingin at ng makita ko ang kanyang itsura ay parang nangilabot ako.

Sobrang payat nya na, malalim ang mata at malalaki ang eye bags. Ang kanyang magandang buhok ay magulo ang mga kuko nya ay nangingitim, sa madaling salita ay kahabag-habag ang kanyang itsura!

"What the fuck? Ano ang nangyari sayo?" Naguguluhan at naiinis kong tanong kasabay ng pagtayo at pag-alalay ko sakanya paupo.

"S-siberia! si v-vince!" Gumaralgal ang kanyang boses na ikinadagdag ng inis ko.

"Fix your self, pupunta tayo sa kyeolimen titingnan ko kung may nagagawa ako." 'Kyeolimen' iyan ang lugar kung saan dinadala ang mga taong lilitisin dyan din nakatira ang tatlong hukom. 'Psetyukeyn' nariyan naman iyong mga taong ibinibilanggo at pinaparusahan.

Makalipas ang sampung minuto ay lumabas si Sadava kaya sinenyasan ko itong aalis na kami, mabilis na umalalay ang higit sa sampung guwardiya sakin habang ang di bababa sa bilang bente naman ang nakapalibot sakin, iba pa ang limang nangunguna sa paglalakad at iba din ang Limang nasa likuran namin. Hindi Pa kasama ang mga palihim na nagbabantay saakin.

Napapikit ako ng mariin dahil sa nangyayari, kaya ayaw na ayaw kong pumipirme ako sa lugar na ito dahil sa ganito nilang pagtrato! Sobrang nakakasakal na!

Nang makarating kami sa kyeolimen ay agad nilang iniayos ang aking upuan, katabi ko sina mommy, Liam, Loyd, Ken at si Sadava. Nagigitnaan kami ni mommy ang nasa kaliwa ko naman ay si sadava.

Ang kyeolimen ay kagaya sya ng covered court, malaya ang lahat na makapanood ng paglilitis. Ngunit ang nasa harapan ay mga hukom kagaya ng may mga kaso sa pilipinas na ipinaglalaban (I don't know kung ano ang tawag dun).

"Ngayong kompleto na ang Royal Family ay maaari na tayong magsimula." Anang unang hukom, na hindi mo maiintindihan kong matalim ba ang kanyang paningin o kung ano paman.

"Ang binatilyong ito ay syang walang kasalanan ngunit..." Sinadyang ibitin ang sasabihin ng pangatlong hukom at sininyasan na ang ikalawang hukom naman ang nararapat na magsalita.

"Ngunit may kasunduan at batas syang inilabag." Napasinghap ang mga naroon habang ang katabi kong si sadava ay nanginginig na at lumuluha.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now