CHAPTER 173

77 5 0
                                    

Unti-unti kong iminulat ang aking mata, at ng maimulat ko ito ay hinanap ko kaagad ang cellphone ko upang tingnan kung anong oras na.

"Shit! Bat walang gumising saakin?!" Inis na bulalas ko ng mapagtantong alas otso na pala ng gabi, ganun naba ako kapagod para humimbing ang aking tulog at hindi mamalayan ang oras? Gaano ba ako kapagud para makatulog ng malalim.

"Siberia, gising ka na ba?" Nangunot ang aking noo, nasan ang dalawa at bakit si Liam ang tumatawag sakin ngayon? "Kanina pa ako nagpapabalik balik dito pero i think you're still sleeping, babalik nalang ulit ako after 30mins." Hindi pa din ako umimik hanggang sa narinig ko ang yabag nya paalis.

Wala pa sana akong balak na bumangon kung hindi ko lang narinig na kumalam ang sikmura ko so i don't have a choice, kailangan ko ng bumangon at mag ayos para makakain na din ako.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako sa pagligo at pag bihis tanging simpleng maong short at sando lang ang isinuot ko ilang beses pa akong huminga ng malalim bago ko napagdesisyonang lumabas ng suit.

"Siberia, mabuti at gising ka na kanina pa ako balik ng balik sa labas ng suit mo." Irap lang ang tanging isinagot kay liam bago sya tinaasan ng kilay. "Nandun sila kumakain." Nauna syang nag lakat samantalang ako naman ay nasalikod nya at nakasunod.

"hahahahaha oh my god! Ang laki na nya." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses na iyan, boses na hindi ko inaakalang hanggang dito sa probinsya ay maririnig ko.

Bagama't hindi pa ako nag-aangat ng paningin ay sigurado akong boses nya yun sakanya nanggagaling ang boses na iyan, nakaramdam ako ng bahagyang panghihina ngunit wala akong ibang nararapat na gawain sa mga oras na ito kundi ang maging matatag upang hindi nila mahalatang naapektuhan pa din ako.

"Ilang taon na nga ulit yang anak nyo?" Sheila ask her hindi pa din ako nag aangat ng tingin at maslalong hindi pa din ako kumikilos, para bang sa isang iglap lang ay naubusan na ako ng lakas na harapin pa sila at pakiramdam ko ay tinangay na ng hangin ang gutom na aking nararamdaman sa mga oras na ito.

"Limang taon palang sya, at sa palagay ko ay magkasing edad sila ni liana." Parang nagpintig ang aking tenga ng marinig kong binanggit nya si liana kaya salubong ang aking kilay na nag angat ng tingin saka dahan dahang nag lakad.

"What are you doing here?" Lahat ng paningin nila ay naibaling sakin, hindi ko namamalayan na wala ng singtalim pa ng ano man ang paningin ko sa babaeng ito.

Ano ngaba ang ginagawa nito? Bakit ba napasama sya sa bonding naming ito? Who the hell invited her here? Does she need to be here?

"Siberia." Hindi ko alam kung may bahid ba ng sarkastiko ang pagkakabigkas nya ng pangalan ko ngunit isa lang ang aking nasisigurado, hindi ko nagugustuhan na binabanggit nya ang aking pangalan.

Pakiramdam ko ay pumapangit ang pangalan ko sa tuwing sya ang babanggit nito.

'Pumapangit ngaba o sadyang bitter kalang?'

Mariin akong napapikit ng marinig ko ang tinig ng kabila kong isipan, damn bitter naba ako sa lagay na to? Diba pwedeng i just hate her that much para maging pangit ang pangalan ko sa tuwing sya ang bumabanggit nito?

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now