CHAPTER 147 :X

93 4 0
                                    

MABILIS na lumipas ang buong linggo, nung isang araw lang din ako nakalabas ng hospital at kahapon lang ako nakalabas.

Heto kami ngayon, suot ang aming formal attire. Hindi pa din ako maka get over sa nangyari last week, nasasaktan ako araw-araw dahil araw-araw kong naaalala yung nangyari sa pagitan naming dalawa ni Venjoe.

Napabuntong hininga nalang ako at piniling makinig nalamang sa host ngayon saaming graduation.

"To all senior levels... We are so proud of you! Finally, you're now done with your highschool's life! Lahat naman siguro kayo ay may masasama at magagandang memorya dito sa eskwelahang ito! Yes? No? Yes!" Kung masayang memorya lang ang pag-uusapan ay madami kahit na bago lang ako sa paaralang ito.

"And of course! Pati na din iyong mag mo-moving up! And of course the spot is on the College students!!" Mapait akong ngumiti, sa kabila ng nangyari ay pakiramdam ko ay hindi ko na muling makakamtan pang lumigaya, ubos na ubos na ako kay Venjoe palang e...

"Oh kayong hindi kasali sa graduation? Anong ginagawa nyo dito? HAHAHA joke, syempre kasama din kayo! Para naman makita nyo yung mga ga-graduate ng college! Kailangan nyong magsikap sa pag-aaral! Nakikita nyo naman iyang mga parents ng gumraduate diba? Ang saya diba?! So magsikap kayo para matuwa din ng ganyan yang mga magulang nyo!" Naghiyawan ang mga kaklase ko kabilang na iyong iba na hindi naman ga-graduate ngayon.

Kaming hindi ga-graduate ay naka formal attire kaming lahat, dalawang taon pa para kami grumadruate. Wala nga sana akong balak na dumalo dito kung hindi lang ako pinakiusapan ng dean dahil aalis na din naman ako, gusto din nyang pormal akong pasalamatan sa ginawa kong pagtulong sakanila.

"But wait! There's more! Oh special mention goes to... Mr.Venjoe Zapanta! Mag-ingay mga malalandi! May fiancée na to!" Naging blangko muli ang ekspresyon ng mukha ko at naramdaman kong muli ang pagkirot ng puso ko, ilang ulit akong bumuntong hininga para huwag maluha.

Dahil masasayang lang ang aking luha, dahil kagaya nga ng sinabi nya saakin noong nakaraang linggo ay hinding-hindi na nya ako babalikan pa. At napatunayan nya na iyon, kahit na naghihingalo na ako ay hindi nya manlang ako nagawang paikutin... Kahit na sabihing babalikan nya ako kahit na hindi naman totoo.

"Hi? Ano ba ang dapat kong sabihin?" Umugong ang tawanan dahil sa sinabi nya, sinabayan nya pa ng pagkakunot ng nuo at pagkamot sa batok nya.

"Ahmm... Bakit ba may speech pa 'ko eh hindi naman ako ga-graduate?" Muling dugtong nya kaya hindi maiwasang hindi matawa nila.

Kung ako iyong tatanungin ay hindi ko din nais na makita kang nandyaan dahil nasasaktan ako ng sobra-sobra lalo na kapag naaalala ko ang mga nangyari sa pagitan nating dalawa, mas nainam pa nga sigurong hindi nalang kita nakikita dahil kahit papaano ay nababawasan ang bigat at sakit ng dibdib ko.

Kaya nga mas pipilitin ko nalamang na magpakalayo-layo kesa naman manatiling nandito eh nasasaktan lang ako, lalo na ang katotohanang paulit-ulit na sumasampal sa akin na ikakasal ka ng talaga. At batid kong walang makakapagpabago sa disisyon mong iyan.

Hindi ko na din alam kong dapat ko pa bang paniwalaang minahal nya ako, dahil kung tunay ngang mahal nya ko eh tututol at tututol sya sa sinabi ng mga magulang nya.

Dahil kahit gaano sya kagalit at totoong mahal nya ako ay hindi nya ako agad-agad na mapapalitan sa puso't isip nya. Hindi ganoon ang Venjoe na nakilala ko, hindi ganyan ang venjoe'ng minahal ko.

"Ahm, ito nalang... Magpapasalamat nalamang ako sainyo, salamat dahil sa kabila ng mga nalaman nyo tungkol sa pamilya ko ay hindi pa din kayo nawalan ng tiwala saamin." Nakangiti nyang sabi.

Madali kang pagkatiwalaan pero ang hirap mong magtiwala---or let's correct the right definition of you Ven. Madali kang magtiwala sa mga taong hindi naman talaga dapat na pinagkakatiwalaan.

At hindi mo pinagkakatiwalaan iyong nga taong nararapat naman talagang pagkatiwalaan, hindi ko na nga maintindihan kung ano ba ang nagiging sanhi ng pagkabulag mo sa katotohanan.

"Nagpapasalamat din ako na kahit sa kabila ng inyong nalaman ay hindi bumaba ang tingin nyo saamin..." Matamis syang ngumiti, isang bagay na hinihiling ko na sana ay ako ang dahilan ng mga ngiti nyang iyan. "And also! Gusto kong batiin ang mga college na magtatapos ngayong araw! At ang mga seniors na magiging college na at ang mga junior high na mag se-senior high na! Siguradong wala ng mas sasaya sa mga magulang nyo lalo na't nakikita nila kayong papalapit na ng papalapit sa inyong mga pangarap." Napaiwas ako kaagad ng tingin ng magtama ang paningin naming dalawa, may nasasabi saakin na hindi na ako dapat magpalinlang sa mga titig nya dahil ako lamang ang masasaktan sa huli.

Mabigat ang buntong hiningang pinakawalan ko, hanggang ngayon Ven, hindi ko pa din malaman ang dahilan kung bakit naging ganito bigla. Para bang hindi kayang tanggapin ng puso't isip ko ang mga nangyayaring ito saating dalawa.

"At gusto ko ding pagsabihan ang mga kaklase ko... Maging ang mga hindi pa magatatapos ngayon... Gusto kong sabihin na kung nakaya nga nila, ay panigurado akong kakayanin din natin, kaylangan lang nating magtiwala sa ating mga sarili at kailangan nating magsikap sa pag-aaral. At sana kahit gaano kahirap ang pagdaanan natin ay kayanin natin dahil mas masarap abutin ang ating mga pangarap kapag puspusan natin itong pinaghirapan, well I'm sure naman na ang lahat ng naabot na ang mga pangarap ay dumaan muna sa matitinding pagsubok."

Tama ka naman Venjoe sigurado akong sa pagbabalik ko dito ay tuluyan na kitang nakalimutan, pero hindi ka mabubura sa isip ko lalo na't naging parte ka ng buhay ko, at minsan na din kitang itinuring na mundo.

Malakas na palakpakan ang namayani ng natapos ang kanyang sinabi, hindi ko alam pero ang bawat salitang binibitawan nya ay parang may ibang kahulugan ang dating saakin. Muli akong napabuntong hininga kasabay ng muli kong pag-inom ng inumin ko, kailan ba maghihilom ang sugat na idinulot mo saakin, Ven? Kailan ba ako matatauhan? Kailan din ba matatanggap ng puso ko na hindi na ako ang iyong mahal? At hanggang kailan ako masasaktan at nagdurusa ng ganito?

***

If you want to vote, comment and follow me, you can decide on your own. I am now contented on the reads. Hehehe

Anyway you can add or follow me on my FB acc "Tomenes Akira" and also you can like and follow my Page Tomenesakira if you want to!

Mas active ako sa fb madami akong shit post about watty, you can share it churrrrr labslatssss! Mwuahhh!

♠t♠o♠m♠e♠n♠e♠s♠ ♠a♠k♠i♠r♠a♠

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now