CHAPTER 167 :-[

75 3 4
                                    

Siberia POV

Kasalukuyan kaming kumakain dito sa Greenwich, dito kasi piniling kumain ni Liana kaya wala kaming choice kundi pagbigyan ang bata.

"Tita Mommy..." Tawag sakin ni liana kaya naibaling sakanya ang aming attention.

"Hmm..." Nakangiti kong baling sakanya, pinunasan ko pa ang gilid ng labi nya ng tissue.

"Gusto po ni Liana na magkaroon kayo ng baby also and play with her!" Masaya pa nyang sabi, dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi ko narinig ko pa ang pekeng ubo ng mag-asawa kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Eh baby pano magkakaroon ng baby si Tita mommy kung wala syang husband?" Medyo natatawa pa si Liam kaya inismidan ko sya, nilingon ko nalang muli si Liana na ang sama ng tingin sa mommy nya at bahagya pang nakataas ang kilay.

"She can make it on her own mom, tita mommy don't need a husband to make a baby, like me!" Singhal ng bata kaya sabay na napatawa ang magulang nito, ako naman ay napangiwi dahil sa sinabi ni Liana.

"Tita mommy needs a husband, baby..." Tawa-tawa pa ding sabi ni Rose, sinamaan ko sya ng tingin.

"Why?" Mataray pang sabi ni Liana sa mommy nya kaya napailing ako.

"Hindi naman makakagawa ng baby ang tita mo kung walang sperm----"

"Hindi maaring mag ka baby ang tita mo dahil walang magiging daddy ang baby..." Nakangiting sabi ni Liam bago sinamaan ng tingin si Rose, nag peace sign naman ang baliw dahilan upang mahina akong napahalakhak.

"Then what is sperm dad?" Inocente nitong tanong dahilan upang mapatawa ako.

"Yan bagay sainyo, di nyo nalang sinakyan ang trip ng bata." Tawang-tawa kong sabi habang nakatingin sa dalawa na kapwa masama na ang tingin saakin.

"Ah... Baby, you can eat na dahil mag sa-shopping pa tayo." Si rose na halatang kinakabahan lalo na't masama din ang tingin sakanila ng bata, mabuti nalang at tumuloy sa pagkain ang bata.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng dumating si sheila at jayvee dala ang kanilang cute na anak, pagkatapos kasing ikasal nina Liam at Rose ay nagpakasal din ang dalawang baliw. Pero bago sila ikasal ay buntis na si Sheila kaya tatlong taon na ang baby nila.

"Hello baby Shaveen..." Pinisil ko ang pisngi ng anak nilang lalaki sabay kinarga ko para makakain na ang mag-asawa.

"Tita, bat mo sya kinarga! I'm your one and only baby!" Ngawa ni liana dahilan upang mamilog ang mata ko sa gulat.

"Baby... Kinarga ko lang naman si baby shaveen dahil kakain ang tito't tita mo." Nakangiti kong sabi, sinamaan naman ako ng tingin ni Liana at nagkibit nalang ito ng balikat.

"Hmpt! Don't call me baby, I'm not your baby anymore! Liana mad at you!" Nakanguso nyang sabi habang namula na ang pisngi, tenga, ilong at mata nya tanda na paiyak na ang bata kaya I don't have a choice but to give the baby's back to his parents. Saka nilapitan si Liana.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now