CHAPTER 160 :-)

81 4 0
                                    

Hindi ko maunawaan kong gaano ako kasaya ngayong araw, matapos kong yakapin ang magulang ko't kapatid ay bumalik ako sa upuan. Ngunit hindi ako umupo, nakangiti ko silang tiningnan. Bago matapos ang araw na ito ay tutuparin ko ang nais kong gawin sa palasyong ito, hindi ko sila pagdadamutan.

"May nais akong baguhin, magmula sa araw na ito may nais akong baguhin kabilang na ang batas nating lahat." Nakangiti kong sabi, napuno sila ng pagtataka lalo na si mommy.

"Kamahalan, wala ho kayong karapatang baguhin ang batas na nakasanayan ng lahat. Ang batas ay hindi maaring baguhin sapagkat sa simula ng ipatayo ang oraganisasyong ito ay walang sino man ang makakapagpabago ng batas na ito." Ang unang hukom, hindi pa din maalis ang ngiti saaking labi.

Nilingon ko ang boss, at nagsalita. "Bossing, ngayon tatanungin kita... May karapatan ba akong baguhin ang lahat?" Nakangiti kong tanong, hindi na ako nagulat ng gumanti sya ng ngiti.

"Ikaw ang masusunod ng lahat, karangalan naming sumunod saiyo... Reyna ng lahat." Sunod-sunod akong napatango sakanya.

"Paunang batas... Magkakaroon kayo ng karapatang tawagin ako sa aking sariling pangalan o sa mga nakakataas kung mayroon kayong pahintulot." Nakangiti ko pa ding sambit. "Pangalawa... Simula sa araw na ito, kapag ginawang mission ang nakakataas ay hindi maaaring patawan ng kamatayan ang ito na sa halip ay bigyan ito ng parangal dahil sa tapang." Lahat sila napangiti sa aking sinabi, I want to be fair to the all of you.

"Pangatlo... Magagamit lamang ang parusang kamatayan sa mga taong nakapatay, buhay sa buhay... Dugo sa dugo." Makahulugan kong sabi, ngayong nakaupo na ako sa trono ay hindi kayo magsisisi gagampanan ko ng mabuti ang katungkulang meron ako ngayon.

"Pang-apat... Lahat ng mga bata ay malayang makakapag-aral hanggang sa makapagtapos, kung dati ay paghawak ng mga armas lamang ang itinuturo sa kanila... Ngayon ay pati pagsulat at pagbabasa ay ituturo sa mga ito, magpapatayo ako ng pampublikong paaralan kung saan mag-aaral ang mga batang walang pera... Magpapatayo din ako ng pribadong paaralan upang sa may mga kaya sa buhay, magpapagawa ako ng paaralan para sa mga royalty." Nang sabihin ko iyon ay napuno ng paghanga ang kanilang mga mata, para namang may kung anong bagay ang humaplos sa puso ko ng makita ang kanilang reaction.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now