CHAPTER 146 :(

88 5 0
                                    

"L-liam, p-please." Pumagitna AK dahilan upang saakin maitutok ni Liam ang kanyang baril, hinawakan ko ang baril gamit ang isa sa mga kamay ko.

Mabuti nalang at ibinaba na nito, pero hindi pa rin mawala ang galit nya sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Venjoe, kaya buntong hininga kong nilingon si Venjoe kahit na hirap na hirap na ako! Hindi pa din bumabalik sa normal ang aking paghinga kaya nanatiling naka-alalay saakin sina Vince at Sadava.

"V-ven... Please, b-bumalik ka na saakin... K-kahit h-hindi ka na magpaliwanag ay buong p-puso kitang t-tatanggapin, I-i l-love y-you so m-much..." Nangungusap kong sabi sakanya.

"Hindi na kita babalikan, Siberia. Hindi maatim ng konsensya ko na balikan ang babaeng naging Dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ng pamilya ko, ako na ang makikiusap saiyo, Siberia. Layuan mo na ako at ang pamilya ko, nawa'y maging masaya at kontento nalamang tayo sa kanya-kanya nating buhay." Muli akong napahagulgul sa sinabi niya, bakit ba sya ganito!

Isang pagkakamali lang ang ginawa ko pero kung palabasin nya ay parang napakaraming beses na akong nagkamali, lahat naman tiniis ko diba? Lahat naman kinaya ko noon dahil alam kong maybabalikan pa ako, pero ngayon? Paano ko kakayanin ang lahat ng sinasabi nya?

Dinudurog nya ang puso ko, ang sakit-sakit ng mga sinasabi nya. Paano nya nasasabi ang mga iyan ng ganoon kadali? At paano nya nasasabi ang mga iyan na para bang ang tagal tagal ng panahong lumipas at ngayon lang kami nagsama?

"B-bakit ang dali lang saiyo ang s-sabihin ang mga iyan? M-mahal mo pa ba ako? O minahal m-mo ba talaga ako nang ako ay b-bumalik?" Hindi ko mapigilan ang pait ng tinig ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Huwag mong kwestionin ang pagmamahal na ipinaramdam ko saiyo, Siberia. Sa ating dalawa nga ay higit akong may karapatang kwestionin ang pagmamahal mo saakin, dahil nagawa mo akong pagkaitan ng bagay na dapat ay nalaman ko dahil parte ito ng pagkatao ko." Walang emosyon nyang sabi. "Umalis ka na ng kusa siberia dahil hindi ako magdadawalang isip na ipakaladkad ka sa mga security, kung ano man ang palabas mong ito itigil mo na dahil hindi mo ako makukuha ulit."

Ang pagsusumamo ko sakanya ay napalitan ng blangkong paningin, dahilan upang matigilan sya.

Malakas akong umubo para maging maayos ang pagsasalita ko, hindi na ako nagulat ng sandamakmak na dugo ang naibuga ng bibig ko. Hirap na hirap akong huminga pero ng makalabas ang dugo ay pakiramdam ko ay medyo magiging maayos ang aking pagsasalita kahit na minuto lang.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now