CHAPTER 144 :|

102 5 0
                                    

Maingay... At Magulo na ang party celebration kuno nila Venjoe, 7pm palang pero andami ng mga tao. Hindi nga sana kami pupunta dito kung hindi ko lang nais na makipag-ayos kay Venjoe, I want him back again. I want to get back on his arms again, kaya naririto ako ngayon.

Suot ang may kamahalang dress, tsk! Simpleng celebration ay kailangang mamahaling damit ang susuotin, kasama ko ngayon si Vince na ka date si Sadava. Malakas yung pakiramdam ko na nagkakamabutihan na yung dalawa ngunit kapwa pinipigilan ang kanilang mga damdamin dahil alam nilang magkakasakitan lamang yung dalawa kapag ipinagpatuloy nila ang kanilang damdamin.

"Okay, ladies and gentle men's can I get all of your attention please..." Nawala ang maingay na tugtog ng magsalita yung emcee na mommy ni Venjoe, ang lahat ang attention namin ay napunta sakanya.

"This is party is a celebration to us, at pasasalamat na din sa taong nagligtas at nagdungtong ng panibago naming mga buhay. May important announcement din kami mamaya so sa ngayon, I would like to enjoy this party to the all of you! Cheers!" Masaya ang lahat na nakipag cheers sa kani-kanilang mga katabi.

Samantalang ako ay patuloy na hinahanap ng mga mata ko si Venjoe ngunit Hindi ko ito mahagilap, kaya iling-iling kong nilagok ang vodka na hawak ko.

"Excuse me, diba ikaw yung girlfriend ni Venjoe?" Anang naka suit na matanda kaya napataas ang kilay ko, ngunit hindi ko sya sinagot bagkos ay tinanguan ko nalamang ito.

"Kay ganda mong binibini." Nababahiran ko ng kabastusan ang tinig ng matandang lalake ngunit sa halip na sagutin ay inismiran ko nalamang ito.

"Ano ang kailangan mo saaking kapatid Mr.Fuentes?" Si Liam na nilingon kaagad ng matanda, napaikot ang mata ko ng namutla ang matanda. Tsk! Tsk! Tsk.

"K-kapatid mo ang magandang binibining ito?" Tumango si Liam habang seryosong naka tingin sa matanda. "P-paumanhin, hindi ko nakilala." Matapos magsalita nito ay umalis na, halatang natakot.

"You okay?" Sinamaan ko si Liam ng tingin, gago kita na niyang Hindi okay yung tao mag tatanong pa.

"Eh kung basagin ko ang baso na ito tapos tanungin kita kung masakit ba?" Sarkastiko kong tanong na ikinahalakhak nya.

"Okay, dahil nandito na ang aking anak at ang kanyang date ay maari ko bang makuha ulit ang attention ninyong lahat." Napakunot ang noo ko kasabay ng pagtingin sa entrance ng bahay.

Ganun nalang yung gulat ko ng makita kung sino ang kasama nya, umugong ang bulungan sa paligid dahil sa biglaang pagdating nya.

"Wow, is that his new girlfriend?"

"Siguro, bagay sila."

Tsk, mas bagay kami.

"New girlfriend? Diba iba yung girlfriend nya?"

Nahulog ako sa malalim na pag-isip, damn! What's going on? Bakit magkasama sila! Matagal na kaming walang balita sa babaeng iyan ano't naparito at muling nabuhay iyan?

"Siberia..." Nilingon ko si Liam ng marinig ko ang pagbabanta sa kanyang tinig, sinundan ko ang tinitingnan nya.

At napamaang ako sa kamay kong mahigpit na nakahawak sa baso at ang isa naman ay nakakuyom, rinig ko rin ang pagtatagis ng mga bagang ko. Bumuntong hininga ako habang pilit na pinapakalma ang aking sarili.

Hindi ko maunawaan kong ano ba talaga ang nangyayari sakanya, wala ba syang balak na pagpaliwanagin ako? Bakit nag-iba yung ihip ng hangin? Akala ko ba ay magkakaayos na kami dahil sa inasta ng magulang nya? Bakit parang kabaliktaran?

At bakit ba nag ooverthink ako? Hanggat wala akong naririnig sakanya na girlfriend nya na ulit ang babaeng iyan ay kaylangan kong payapain ang aking pag-iisip kailangan ko ding kumalma ayokong mabaling saakin ang attention ng lahat at maslalong ayokong masira ang party nila.

"You two, come here on the stage." Nakangiting paanyaya ni Mrs.Zapanta.

Napayuko ako dahil nakakasilaw ang ngiti ni Venjoe, at parang kumikirot ang puso ko. Kay sarap sanang pagmasdan ng ngiti nya ngunit akoy nasasaktan lalo pa't alam kong hindi ako ang dahilan ng mga ngiting iyan.

Pasimple kong pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko, ang sakit makitang nakangiti ka nang hindi ako yung dahilan nyan... Mahal ko, ang sakit makitang masaya ka sa piling ng iba.

"Tell me, what's the score to the both of you?" Mababakas ang matinding tuwa sa ina ni Venjoe habang nagtatanong.

Muli na naman akong napaangat ng tingin, sunod-sunod akong napalunok sa nakikita ko. Ako sana ang inaalalayan mo ng ganyan, Mahal ko. Bakit kaylangang may magbago saating dalawa? Bakit ganito? Ang sakit-sakit ng mga nakikita ko.

"W-we're just friends..." Nahihiya pang aniya ng babae, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib, akala ko papalitan mo na ako mahal ko, hindi ko yatang makitang bumaliktad ang mundo. Ikaw ang tanging kahinaan at lakas ko mahal, sana ay maging bukas ang iyong isipan at pagpaliwanagin mo na ako.

"Friends? HAHAHAHA sus hija! Makapag deny? Nahihiya kalang sigurong sabihin saamin kung ano na ba talaga kayo ng anak ko!" Mapanukso pang usal ni Mrs.Zapanta, kaya nagtiim bagang nalang ako.

May tiwala ako kay Venjoe kaya kung ang intention mo ay ang saktan ako sa mga pinagsasasabi mo ay nagtatagumpay ka pero hindi mo maiaalis ang pag-asa sa puso ko, magkakabalikan kaming dalawa at hindi ko hahayaang lumipas ang gabing ito na hindi kami nagkakaayos. Gagawin ko ang lahat maging kami ng ulit kung kailangan kong lumuhod at magmakaawa sakanya ay gagawin ko kung iyan lang ang tanging paraan upang maging kami ulit.

Pero agad ding nawala ang kakurampot na pag-asang iyon ng marinig ko ang sumunod na sinabi ng mommy ni Venjoe...

"I would like to introduce this beautiful girl beside my son... Meet Bella Amor... My future daughter in law and the fiancee of my Son!" Napanganga ako sa sinabi nya at parang bombang sumabog ito.

Meet Bella Amor... My future daughter and the fiancee of my Son!

Meet Bella Amor... My future daughter in law and the fiancee of my Son!

Meet Bella Amor... My future daughter in law and the fiancee of my Son!

Para itong sirang plaka na nagpapaulit-ulit na nag re-replay sa utak ko.

***

If you want to vote, comment and follow me, you can decide on your own. I am now contented on the reads. Hehehe

Anyway you can add or follow me on my FB acc "Tomenes Akira" and also you can like and follow my Page Tomenesakira if you want to!

Mas active ako sa fb madami akong shit post about watty, you can share it churrrrr labslatssss! Mwuahhh!

♠t♠o♠m♠e♠n♠e♠s♠ ♠a♠k♠i♠r♠a♠

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now