CHAPTER 171 =-[

98 3 5
                                    

"MAUPAY na adlaw mga sangkay!!!" Nakarating din kami sa Calbayog apat na oras lang yung byahe from manila to Calbayog, nilibot ko ang aking paningin sa kanilang airport.

May katamtamang laki lamang ito, mas malaki pa din iyong airport ng Cebu sa tingin ko. Dahil yata probinsya na ang lugar na ito, maganda naman ang airport nila mukhang hindi nga probinsya.

"Anong sabi?" Bulong ni sheila saakin, inismiran ko naman sya bago tinaasan ng kilay iyong sumundo saamin.

"Ah, magandang umaga mga kaibigan... Yan ang ibig ko pong sabihin." Ngiti nyang sambit, well in fairness hindi matigas ang Tagalog ng isang to... Mukhang sanay nga silang magtagalog dito.

"Ito po ang Calbayog Airport namin, mas malaki na ito kumpara noon..." Alam naman naming airport ito, bakit ba ang daladal nila?

"At ang lugar po ito ay Barangay Sabang, yung sa Marju Krisel po ay barangay San policarpo or Ipao for short." Nakikinig lang kami sakanila habang nagkukwento tungkol sa lugar ba ito.

"Literal bang mainit dito?" Irita kong tanong, graveh! Mas mainit pa ang lugar na ito kesa sa Manila! Probinsya ba to? Bat mukhang desyerto?

"Ah, oo ho... Ganito po talaga dito kahit 9am palang mainit na pero kapag mga 3pm na po ay hindi na gaanong mainit, yung mga teenager po dito ay gumagala kapag hapon na sa box box po sila natambay." Aba nagtanong lang naman ako, hindi na nya kailangang magkwento. Mukha bang interesado kaming malaman? Ano naman iyong connect ng kinukwento nya? Tsk!

"Yung Katarman po san po ba yun? I'm a fan of Cecelib the katarman possessive writer eh." Si sheila, tsk. Naisingit pa nya.

"Mahigit tatlong oras ang byahe papuntang katarman, mula dito." Napangiwi ako ng biglang nanlaki ang mata ni sheila.

"Omg! Talaga? I can't believe na malapit lang pala ang inang C.C dito!!----"

"Pwede bang pumasok na kayo dito sa Van? Ang init oh, di nyo feel?" Singit ko pa! Kainis naman, ang daldal nila.

"Tsk, sumamasama pa kasi." Nilingon ko si Venjoe at ngayon kolang napagtanto na katabi ko pala ang hayop!

"Pwede bang manahimik ka! Dika nakakatulong eh!" Mainit talaga ang ulo ko king'ina! Inaantok pa nga talaga ako!

Pumasok na si sheila kaya natahimik na ako at pinagmasdan nalamang ang mga sasakyan, kakaiba itong mga sasakyan nila hindi ko alam kung ano-ano ang tawag sa mga doon.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now