CHAPTER 145 :/

92 5 0
                                    

Umugong ang malakas na bulungan at malakas na sigawan na kino-congratiolation sila venjoe, para akong nabagsakan ng langit at lupa sa aking narinig! Mabilis na namuo ang aking luha. Pinatigil ni Mrs.Zapanta ang ingay habang nakangiti, sunod-sunod na pumatak ang aking luha. Pansin kong naibaling saakin yung paningin ni Venjoe kaya nakayuko akong napatayo.

Ang pagtayo ko ay nakalikha ng ingay kaya ang attention nila ay napunta saakin, iling-iling akong tumakbo palabas habang pinipigilan ko ang hagulgul na gustong kumawala.

Ang sakit-sakit! Kailangan ko ba talaga itong maranasan? Ano ba ang nagawa ko sa mundong ito para masaktan ako ng ganito? Ganun na ba ako kasama para danasin ko ang lahat ng ito?!

Napasandal ako sa aking kotse, habang humahagulgol. Parang muling sumikip ang aking dibdib, nahihirapan akong huminga fuck!

"Siberia!" Natutop ko ang aking dibdib, ang sakit.

"What happen to you?" Naiangat ko ang aking paningin, nakita ko sina Venjoe, Liam, Sadava, Vince at ang iba pang guest nakasunod ito saakin.

"A-ako nalang Ven... Please... B-bakit ganito nalang..." Putol-putol ang aking tinig dala na din siguro ng paninikip nang aking dibdib, hingal na hingal din ako at pakiramdam ko ano mang oras ay malalagutan ako ng hininga. "B-bakit ganito kadali akong palitan? A-ang sakit! P-pinapunta n-nyo lang ba a-ako dito p-para s-saktan a-ako ng g-ganito?" Halos hindi ko na maintindihan ang aking sinasabi

"Fuck! Don't talk please, baby... Dadalhin kita sa----"

Pinigilan ko si Liam na bakas sakanyang mukha ang matinding pag-aalala habang nakaalalay saakin.

"B-bawiin m-mo l-lang a-ang s-sinabi n-ng m-mommy m-mo p-patatawarin k-kita n-na p-parang w-walang n-nangyari. P-please!" Kinakailangan ko na ng oxygen! Hindi ko na kaya pang huminga! Pero gusto kong kaawaan nya ako para balikan nya ako! Hindi naman siguro sing tigas ng bato ang kanyang puso diba?

Kahit awa nalang nya! Kahit balikan nya ako dahil sa awa, tatanggapin ko basta manatili lamang sya saking tabi.

"Go home, Siberia. Hindi mo ako madadala sa paawa mo, hindi mo ako malilinlang. Kilala kita masyado para paniwalaan, kung ginagawa mo ito para maawa ako saiyo at mapilitan kang balikan... Pwes malabong mangyari iyon dahil ikakasal na ako." Mariin akong napapikit, maslalong sumakit yung puso ko.

Nakaramdam ako na namasa ang aking bibig pero pinilit ko pa ring magsalita. "H-huling pag mamakaawa Ven... B-bumalik ka nalang saakin" umiling-iling sya at tinalikuran ako.

"Umalis ka na, Siberia." Nakailang hakbang sya bago muling lumingon saakin. "Dahil hindi ko mapapatawad ang babaeng minahal ko nang sobra pero ipinagkait saakin ang karapatang malaman ang katotohanang nagaganap sa aking pamilya." Galit nyang sabi, naitakip ko ang aking kamay ng bigla akong napaubo.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now