CHAPTER 176

71 2 0
                                    

"D-dahil nabulag ako... Nabulag ako siberia! Hindi ko matanggap na ang babaeng mahal na mahal ko ay syang sumira sa pamilya ko!" Bakas pa din ang galit sa mukha nya, peke akong humalakhak kahit sakabila ng sakit na naramdaman ko.

"Tangina, Venjoe. Alam mo nung time na yun? Doon ko narealized na walang permanente pag dating sa pag-ibig, yung taong pinagkatiwalaan ko na mahal ako at hindi ako makakayang husgahan ng dahil lamang sa sabi-sabi... Ay iniwan at pinabayaan nalang akong bigla without knowing the truth!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko ang aking mga luha ay nanggilid at pakiramam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko. "Alam mo noong mga oras na iyon, Venjoe? Ang dami ko tuloy naging tanong until now! Madami akong tanong na hindi masagot ng sarili ko dahil ikaw lang ang may kakayanang sumagot niyon! Kagaya nito bakit hindi mo manlang akong nagawang ipaglaban? Bakit hindi mo manlang ba ako pinaniwalaan? Bakit mas pinaniniwalaan mong kaya kong sirain ang pamilya mo? Bakit hindi mo ako pinagkatiwalaan?! At nung mga oras na yun bakit hindi mo manlang din inisip na masasaktan mo ako ng sobra?! Bakit ang selfish mo, Venjoe?! Bakit sarili mo lang ang iniisip mo nung mga oras na iyon?! Saan ba ako nagkulang!" Napahagulgul na ako sa sinabi ko, ito na ang ikinatatakot ko sa pag-uusap naming ito bati ko talagang mangyayari ito hindi ko kayang kontrolin ang naraamdaman ko sa mga oras na ito.

Masyado na akong nilalamon ng halo-halong emosyon at higit sa lahat mas lalong lumalalim ang sugat dito sa puso ko.

"S-siberia..."

"Sagutin mo ako, Venjoe... Bakit hindi mo ako pinaglaban gayong hanggang sa makaalis ako ay pinaglaban naman kita? Ang totoo venjoe? Ganun kaba ka duwag para hindi mo ako maipag laban? O hindi mo lang ako ganun kamahal para ipaglaban mo? Ni tiwala venjoe! Kahit tiwala hindi mo magawang ibigay saakin? Deserve ko ba ang lahat ng ito venjoe? Sa tingin mo ba deserve ko ito?! Ang sakit-sakit venjoe na ang lalaking minahal at pinagkatiwalaan at paulit-ulit kong binigyan ng pagkakataon ay syang lalaking wawasak at sakit lang ang idudulot sa puso ko! Isang bagay lang ang naiisip ko noong mga oras na iyon maging ngayon na Sana HINDI NALANG KITA NAKILALA." Mariin kong sambit, pinunasan ko din ang luha ko at pilit na pinapakalma ang aking sarili. "Kahit ang mga luha kong ito ay hindi deserve na kagaya mo na walang ibang kayang gawin sa babae kundi ang manakit at magbigay ng trauma pagdating sa pag-ibig." Walang alinlangan kong dugtong sa sinabi ko.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now