CHAPTER 150 :3

102 5 1
                                    

"Ang matinding supresa nya? Ay iyong nalaman kong may iba na syang babae." Napuno ng lungkot ang boses at mukha ko pero pinilit ko pading ngumiti. "Gusto kong mag tanong at manumbat! Pero wala eh alam kong may kasalanan din ako, noong mga oras na iyon.. Ay hiniling ko na dinalang sana ako muling nabuhay, wala eh galit nya ang sumalubong saakin. Galit na hindi manlang muna itinabi, at hinayaan nya nalang sana akong magpaliwanag." Nawalan ulit ako ng emosyon, at naging matalim ang mga tinging ipinukol ko kay Venjoe.

"Hanggang ngayon ganito na naman muli ang nangyari, Hindi nila ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag, HAHAHAHAHAHA." Napuno ng takot ang itsura nila dahil sino ba naman ang hindi matatakot kung ang kaninang malungkot na boses ko ay unti-unting lumamig at sinabayan ko pa ng demonyo kong halakhak.

"Parang paulit-ulit lang akong sinasaktan, paulit-ulit din akong napapatanong kung Ano ba ang nagawa ko sa mundong ito at bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito? Wala akong ibang hinahangad kundi ang kaligayahan pero bakit parang ipinagkakait naman yata iyon ng tadhana? Bakit ba sa lugar na ito puro pasakit lang ang natamo ko?" Hindi Maiwasan ng mata ko na pamuohan ng luha.

"Ano ba tong pinagsasabi ko, graduation nyo nga pala ito." Bumalik ang pagiging sarkastiko sa aking boses dahilan upang magsihalakhakan sila.

"Hmm, Ms.Siberia. wala ka bang sasabihin? Ang balita namin ay nakaayos na ang lahat ng papeles mo? Mag ta-transfer ka na? Wala ka bang Goodbye speech? Isa din iyan sa mga gustong sabihin ni Dean, gusto nyang magpaalam ka ng maayos sa aming lahat. Specially sa mga classmates mo o sa ex mo?" Tango lang ang naging tugon ko saka huminga ng malalim bago ko napagdisyonang magsalitang muli.

"Dalawang araw nalang, lilisanin ko na ang mapanakit na lugar na ito. Nakangiti kong usal. "Sa pag-alis ko, gusto kong wag nyo ng babanggitin ang pangalan ko. Ibaon nyo ako sa limot, na para bang walang nangyari at para bang hindi nyo ako nakilala. At parang walang Siberia na nag e exist sa mundong ito, dahil iyon din ang aking gagawin. Sa pag-alis ko sa lugar na ito ay lahat kayo'y ibabaon ko sa limot at kalilimutang minsan ko na din kayong nakasalubong, nakita at nakilala." Maautoritado ang boses kong sambit, pero ang aking paningin ay naka'y Venjoe.

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now