CHAPTER 172 B-D

92 3 5
                                    

(Kagabi pa Sana tuh kaso nagka roon ng aberya iyong WiFi kaya now lang na update! Enjoy reading Mwua.)

"Pwede na bang pumasok sa kwarto? Inaantok na ako." Reklamo ko pa.

"Mag pa reserve nalang po kayo sa restaurant bukas ko nalang po kayo igagala dito." Hindi na ako nagsalita at nagtuloy-tuloy na akong pumasok sa kwarto naming dalawa pero nanlanta din ako sa aking nakita.

"Fuck!!! Bakit iisa lang iyong kama?!!" Hiyaw ko! Don't tell me na magkatabi kami ng lalaking iyan?! No fucking way! Ano ba ang iniisip ng mga pesteng yun at ipinagsama kami sa iisang kwarto?! Mabuti sana kung dalawang kama ang naririto ang kaso ay isa?! Baliw ba sila?!

"Siberia..." Napapikit ako ng mariin bago ko hinarap silang lahat na nakatingin saakin.

"Manong may extra foam, unan at kumot ba kayo? Hindi kami mag-shota o mag-asawa para magkatabing matulog, mapapatay ko ang limang iyan." Sumeryoso ang boses ko, nakita ko kung paano nagitla si Liam at Si Rose kilala ako ng mga letche kaya subukan nila ako makikita nila ang hanap ko.

"Wala na po ma'am----"

"Humanap ka o hahanap ka?" Lumamig na ang boses ko at ang tunog nito ay parang nakakakilabot na autoritado na hindi mo maaring suwayin dahil ikamamatay mo kapag hindi ka sumunod.

"Ah... Eh... Manong, pasensya na po ha... Pero maari po ba kayong bumili? Kami nalang po ang gagastos, bibigyan ka nalang din po namin ng bonus." Si liam yung nag salita.

Maliban kay Liam at manong ay lahat sila ay Hindi makatingin saakin, ni Hindi nila magawang salubungin ang tingin ko. Nakita ko kung paano nagkamot ng batok ang matanda pero tinanggap din ang perang in-i-abot ni Liam sakanya at nagpaalam ito bago umalis.

"Dalawang araw lang pala, pero bakit hindi nalang muna kayo ni Liam ang mag-sama sa kwartong ito? O di kaya naman ay si Jayvee nalang?" Inis kong tanong sakanila, hindi ba sila nag-iisip? Babae pa din naman ako ah, at isa pa ano nalang ang sasabihin ng asawa nya kapag nalamang magkasama kami ng lalaking iyan dito sa iisang kwarto? Ede na issue pa kami?

"Hindi ako pwede, hinahanap ako ng anak ko lalo na kapag bago matulog kahit nga magising iyon eh ako kaagad ang unang hinahanap." Si jayvee na nagkamot pa ng ulo, tsk! Pwede nya namang dalhin yung anak nya at kaming dalawa nalang muna ni Sheila sa kwarto.

"Oh ikaw? Anong palusot mo? Si liana ba?" Binalingan ko ng tingis si Liam na ngumisi pa.

"Honeymoon ito namin ng asawa ko, pero dahil alam kong pagod ka... Saamin na muna si liana bukas mo na itabing matulog." Kinunutan ko ng noo si liam dahil ma's lalong lumawak ang ngisi na ipinagbabaling-baling ang paningin saamin ni Venjoe.

"Umalis na nga kayong lahat, inaantok na ako." Pagtataboy ko sa kanilang lahat, dahil pakiramdan ko talaga na pagod na pagod ako idagdag pang napuyat ako kagabi at ginising ako ng makulit na si liana para lang sa bonding na ito.

"Uyyyy... Gusto mo lang sigurong masolo si Venjoe, idinadahilan mo pa ang antok mo!" Sinamaan ko ng tingin si Sheila o silang lahat dahil sa mapanukso nilang tingin.

"Sino ba ang may sabing maiiwan sya? Ang sabi ko diba ay lahat? Pano magiging lahat kayo kung magpapaiwan sya?" Sarkastiko kong tanong sakanila at pinagkunutan ng noo.

"Haleerrr! Kwarto nya din tuh no! May karapatan syang mag stay dito---"

"Yun naman pala eh, gago kung ganito din naman pala tatawagan ko na ang eroplano ko ng masundo na ako dito. Tsngna! Ang sabi ko inaantok ako kaya pwede bang magsilayas na muna kayo?!" Galit na ako, kapag ganitong inaantok ako ay talaga nga namang mainit ang ulo ko.

Nagtulakan sila palabas ng kwarto, hinila pa nila si Venjoe na tulala. Ibinagsak ko nalamang ang aking sarili sa kama, saka ko nalang siguro aayusin ang gamit ko kapag nakalipat na ako ng kwarto.

Kailangan ko talagang matulog ngayon para hindi ako dalawin ng antok mamaya, dahil ayokong makasama si Venjoe sa loob ng kwarto. Mahal ko pa sya ngunit sobrang mali na magkasama kami sa iisang kwarto kaya ako na ang mag-aadjust baka ako pa ang maging dahilan ng kanilang pagkasira at masira ko lamang ang buhay ng kanilang anak.

Hindi naman ako ganoon kasama para hayaang magdusa maging ang bata, ang batang wala namang kinalaman sa nangyari. Pero bakit ngaba sya napasama? Pinayagan ba sya ni Bella? Nakaya nyang malayo sa asawa't anak nya? O baka naman may business sya dito o baka napilitan lang syang sumama dahil kina Jayvee at kuya?

Pero bakit ngaba mas pinili nyang malayo sa pamilya nya? Pano nya nakakaya iyon? Pano naman ang anak nya?

Bakit ko ba iniisip ang mga bagay na ito kung ako lang din naman pala ang nasasaktan? Bakit pa ba ako nag-iisip isip kung sa huli ay puso kolang din naman ang nawawasak?

Pano na ngaba namin maayos ang relasyon naming dalawa kung nakatali na sya? Paano pa kami magkakaayos na sa tuwing tatangkain ko syang kausapin ay pumapasok sa aking isipan ang asawa't anak nya at ang kanyang ngiti sa tuwing kasama nya ang dalawa?

Sobrang huli naba talaga ng dating ko para humantong kami sa ganito? Pero ginawa ko naman yung lahat diba? Ni hindi nga ako tumingin sa ibang lalaki noong nasa espanya ako eh, ni hindi nga ako pumayag na may mangligaw saakin dahil kahit na noong alam kong ikinasal na sya ay hindi ko kayang makita ang sarili kong naglalakad sa aisle ng hindi sya ang nag-hihintay.

Ni hindi ko nga din kayang isipin na may makakasama akong iba sa buhay ko dahil lahat ng pangarap ko ay kasama si Venjoe, sobrang hulog na ako sa kanya to the point na hindi ko na Kaya pa ang bumangon lalo na at nasanay na ang puso kong sya lang ang minamahal lumipas man ang ilang Segundo,minuto,oras,araw,lingo,buwan o kahit na taon pa ay sya lang ang tanging tinitibok ng puso ko.

Ang malalim kong pag-iisip na iyan ay nakatulogan ko nalamang din dahil na din siguro sa antok at pagod na aking nadarama.

***

Hiii! Pasensya na po if now lang nakapag UD dalawang chapter po sana iyong I a update ko pero sa tingin ko ay hindi ko kaya, pero susubukan ko pa din naman... Labslattsss enjoy Reading!!!! Halabyoweee mwua.

***

If you want to vote, comment and follow me, you can decide on your own. I am now contented on the reads. Hehehe

Anyway you can add or follow me on my FB acc "Tomenes Akira" and also you can like and follow my Page Tomenesakira if you want to!

Mas active ako sa fb madami akong shit post about watty, you can share it churrrrr labslatssss! Mwuahhh!

♠t♠o♠m♠e♠n♠e♠s♠ ♠a♠k♠i♠r♠a♠

This Man Stole My Heart (Season 3) [COMPLETED]Where stories live. Discover now