Perfect 10: Kumain Ka Ng Suman

71.4K 2K 237
                                    

Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit ko natanong kay Hunter 'yan? Masasabi mo ba na baliw ako kung ayan talaga kasi tumatakbo sa isip ko? Sa kalagitnaan ng malakas na ulan na ito?

Pinitik ni Hunter 'yung noo ko. "Aray!" reklamo ko. "Nanghihina na nga ako pinitik mo pa 'yung noo ko!"

"Nanghihina ka na nga lahat-lahat kung ano-ano pa iniisip mo." tumayo ako ng konti para tingnan 'yung mukha niya. Agad naman hinila ulit ni Hunter 'yung mukha ko at ikinulong sa mga bisig niya.

Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya ngayon.. Skin to skin..

"Pupunta na ba tayo ng langit?" tila naghahalucinate na ako sa nararamdama ko. Para akong adik na naha-high ngayon mga oras na ito.

"Babae." banta nito.

Umiikot na din ang mga bagay-bagay sa paligid ko. Para silang nakangiti sa'kin at nakikisaya sa nararamdaman ko ngayon. Naririnig ko ang mga kalabog ng hangin mula sa sasakyan namin. Mas lalo ata lumalakas 'yung ulan.. Parang puso ko lang ngayon.. Mas lalong kumakalabog..

"Nakakakita na ako ng mga twinkle stars, Hunter.." bulong ko.

Nakakainis. Paborito ko pa man din makakita ng mga ito, pero hindi ako natutuwa sa kanila ngayon. Paikot-ikot sila sa paningin ko.

"Babae?" hinawakan ni Hunter ang noo ko. "Shit. Sobrang init mo."

Pumikit ako dahil ayoko na makita 'yung mga butuin na walang ningning. Pangarap ko pa man din ang tumingin sa kanila habang may nakayakap sa akin na lalaki. At yung tipo na mag-uusap kayo tungkol sa kinabukasan niyo..

Pero ngayon.. Ni hindi ko magalaw 'yung mga labi ko. Mas nilalamig ako. Parang hindi na ulan ang nangyayari sa labas ng sasakyan. Nagi-isnow na ba?

Naalala ko tuloy 'yung palagi kong kinakanta kay Zoey kapag ayaw niya kumain.

"Babae, kaya mo pa ba? Hahanap lang ako ng tulong. Hindi tayo pwede nasa sasakyan lang magdamag. Sobrang init mo."

Hindi pumapasok 'yung sinasabi ni Hunter sa akin. Alam ko naman hot ako, hindi ko lang magets bakit kailangan niya pa sabihin ng malakas.

"Babae? Nagugutom ka na ba? Kukuha ako ng pagkain sa kabilang sasakyan. Hintayin mo ako." sabi nanaman nito.

Parang tanga na naririnig ko ang sarili kong boses kapag kinakantahan ko si Zoey.

"Gusto mo ba kumain ng suman~" 
"Mabubusog ang iyong tyan~"
"Sana maubos to, hindi pwede.. Maraming tiraaaaa~"

"Babae, nasisiraan ka na talaga ng ulo? Bakit iba version mo ng Frozen na kanta?" pinipilit ni Hunter iangat  'yung mukha ko pero ang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya kaya wala si'yang magawa.

"Para di ako magalit~"
"Pero kung gusto mo, ako ang kakain niyaaaaan~"

"Ano, babae? Natatakot na ako sa pinagkakanta mo. Umayos ka na."

"Kumain ka ng suman." sabi ko.

Pilit na talaga tinatanggal ni Hunter 'yung pagkakayap ko sa kanya.

"Bakit ako kakain ng suman?" tanong nito. "Hindi ako mahilig sa suman, babae."

"Okey, fine..."

"Babae, ngayon ko lang nalaman na mas malala pala 'yung utak mo kapag may sakit ka." sabi nito. Nagsiksik pa tuloy ako lalo sa kanya. Napa-ah ako dahil ang sarap sa pakiramdam ng dibdib niya sa mukha ko.

Gustong gusto ko isiksik ang mukha ko sa kilikili ni Hunter.

"Wag dyan, babae! Umayos ka nga."

"Gusto ko mainitan, Hunter..."

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now