Perfect 4: Babe or Babae?

92.8K 2.5K 187
                                    

Pack up your things we're leaving.

Parang unlimited text na paulit-ulit naglalaro sa isipan ko ang sinabi ni Hunter. Totoo ba talaga? Aalis ako para magtago? Dahil may gusto pumatay sa 'kin dahil sa kalandian ko?!

Kahit naiiyak ako ngayon dahil hindi ko pwede dalhin lahat ng babies ko sa pagtatago ko. Kinailangan ko 'tong gawin. I packed up as many as I can halos napupuno ko na ang pangatlong maleta.

Paano na ibang damit ko? Sapatos? Sino na magbabantay sa kanila pag nawala na 'ko?! Nakakainis talaga na buhay 'to! Bakit ba kasi napakamalas ko pagdating sa mga lalaki!

Napatalon ako ng may narinig akong katok mula sa pinto. Kahit matamlay binuksan ko 'yon bumungad naman ang katawan ni Hunter na seryoso padin ang muka hanggang ngayon.

"Tapos ka na?" Tanong nito saken habang may dalang back pack.

"Hindi pa, wala pa 'ko sa kalahati ng damit ko!" Naiiyak na reklamo ko sabay talikod agad naman ito sumunod sa likod ko.

"Ashley bakit ang dami mong dala?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Sabi mo pack up your things?"

Patuloy na ulit ako sa paglalakbay ng mga gamit ko.

"Oo, pero hindi ko sinabi na dalin mo lahat ng gamit mo."

"Sino magbabantay sa kanila pag wala na ko?!"

"Ashley!"

"Sabihin mo muna sino! Huhu! Nakakainis naman kase na buhay 'to! Gusto ko lang naman maghanap ng lalaki na para sakin--- Oy, ano ginagawa mo!"

Nagulat ako ng bigla hilahin ni Hunter yung isang maleta pababa na ng bahay namin.

"Hoy! Hunter!"

Dere-deretso ito lumabas ng pintuan at sinundan ko.

"Saan ka pupunta?"

"Aalis na tayo, Ashley." Sabi nito tila nawawalan nanaman ng pasensya sa 'kin.

"Hoy! Bakit yan lang dala mo?!" Tumakbo ako at hinawakan sa braso si Hunter para pigilan. "Bakit ayan lang?"

"Sa tingin mo ba kaya natin dalin lahat ng damit mo?"

"Oo naman! Madami naman akong car 'no! Pwede naten gamitin--"

"Ash?"

Napahinto ako sa pagsigaw ko ng makita ko sila Mom and Dad na papasok sa bahay. Shiat! Oo nga pala ngayon din ang uwi nila mula kela Zach! Ngayon ano sasabihin ko sa kanila kapag nagtanong?! 

"Mom!" Pilit na ngiti na sigaw ko.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sino ang nasa likod niya. Shiat lang talaga! Diba! Kasama niya sila Zach at Iris pati ang kambal! Paano na 'ko nito! Halos anim na tao ang pagsisinungalingan ko!

Ayaw na ayaw ko nagsisinungaling talaga!

Lord, please po sana paniwalaan nila ako. Alam ko naging masama ako sa kalahating taon ng buhay ko pero, pero--- please naman,Lord, sana talaga.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito.

Bumaba kami ng hagdan ni Hunter na nakahawak padin ako sa braso niya. Ako naman tila nanigas na sa kinatatayuan ko habang tinitignan sila isa-isa. Zach is with his wife, Iris na buntis sa ikatlong anak nila ngayon kaya kung makaalalay ito daig pa ang may sakit na tao. He loved her that much. Buhat-buhat naman nito si Zeus tila tulog na sa braso ni Zach.

At ang paborito kong pamangkin ngiting ngiti nakatingin sakin na buhat-buhat naman ni Daddy.

"Tita pwetty!" Sigaw nito.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now