Perfect 40

42.1K 1.1K 34
                                    


Hinila ako ni Garreth papasok ng bahay. It's quiet different, dahil ang dami nang mga lalaki ang nasa loob nito. Saka hindi kaya sila mukhang pagkakatiwalaan, masasabi ko ito na mukhang GANGSTER as in, to the highest level literal.

Hawak-hawak padin niya ang kamay ko nang humarap kami sa nagyoyosi na lalaki mga nasa mid 30's niya. Napatingin si'ya sa akin, umakyat baba ang mata. Buti na lamang hindi ako nakashort shorts today.

"Girlfriend ko," pagpapakilala sa aki ni Garreth. Agad naman napakunot ang noo ko. Seriously?! Diba, hostage niya ako dito? Hindi ko naman si'ya sinagot.

"Mukhang mayaman," manyak na pahayag sa akin nung lalaki. Napatigil pa ang tingin ntio sa dibdib ko. "Mayaman nga lang at maganda. Pwede natin pagkakitaan 'yan."

Nanlaki ang mata ko. Gusto ko tumakbo. Shiat naman! Ano ito? Pasasayawin nila ako sa club? O sa mga VIP, ganon? Gusto ba nila maging comedy bar 'yung pagtatrabahuhan ko kapag pinasayaw nila ako?

"She's not for sale. Again, girlfriend ko." hinila ni Garreth 'yung braso ko at iniharap sa harap. Nagsitigil naman 'yung ibang lalaki na nagsusugal at napatingin nadin sa direksyon namin. "Walang gagalaw sa kanya. Dahil kung meron man, hindi na aabutin ng umaga."

"Wala naman boobs girlfriend mo!" sigaw nung isa.

"Wala rin pwet!"

"Oo nga, maganda lang saka payat!"

Bastos pala 'tong mga lalaki na ito, eh?! Insultuhin ba naman ang DYOSANG katulad ko?! "Shut up! Mga bastos! Atleast ako, matino ang trabaho ko at yumayaman ang pamilya ko sa legal na paraan. Hindi katulad niya, mga tamad! Baka gusto niyo bayaran ko pa kayo isa isa tawagin niyo lang akong dyosa?!"

Nagtawanan pa lalo ang lahat. Seryoso kaya ako! Wala naman nakakatawa sa sinabi ko. They're hurting my ego! "Sanay na sila masabihan ng ganyan," bulong sa ako ni Garreth. "We're going upstair."

"Ayon naman pala!" nagsigawan ang lahat tila chinicheer si Garreth. Ako? Hindi parin makapaniwala sa mga sinabi nila sa akin! Mas masakit pa iyo sa pagkidnap sa akin ni Garreth.

Umakyat kami sa kwarto sobrang dilim. Agad naman binuksan ni Garreth 'yung ilaw. Nakatingin lang si'ya sa akin, as if, nakakakita nga si'ya ng real life dyosa sa harapan niya. "Kung nagkilala lang kita bago ako gumawa ng ganitong bagay. Siguro ang ayos ng buhay ko."

Natahimik ako sa sinabi niya. Bakit ngayon pa si'ya nagsasabi sa akin ng ganito? Anong gusto niya? Piliin ko si'ya at samahan siyang mangkidnap ng mga tao? Another relationship goal ba ito?

"Pero hindi kasi..." sabi ko na lang. "Andito na tayo."

"Tama ka, andito na tayo." hinubad ni Garreth ang jacket niya at hinagis sa gilid. "Nandito na nga tayo..." lumapit si'ya ng dahan-dahan sa akin. Napaurong ako.

"Anong ginagawa mo?" kinakabahan na tanong ko.

"Taking the opportunity," aniya. "Walang haharang ngayon, Ashley Esqueza. Come on, I promise you'll enjoy this." mas lalo siyang lumapit, at napaupo na ako sa kama.

Paatras padin ako ng paatras. Hanggang sa hinarang ko na rin ang mga unan sa harap ko. Nakangisi si Garreth sa akin, at hinubad naman ang t-shirt niya. Shiat. Alam kong maharot ako, pero never kong inimagine na ganito ko mawawala ang birhen sa pagkababae ko.

"Garreth... Ano ba! Natatakot ako. Stop it."

"Ashley Esqueza, you're old enough. I know you'll like it too."

"Garreth!" sigaw ko. I tried kicking him pero nahawakan niya ang paa ko. Mas lalo siyang gumapang papalapit sa mukha ko. "Garreth naman!" natatakot na ako.

No... Hindi ganito. "Garreth..." pagmamakaawa ko. Pilit padin ako sumisipa, pero wala ako magawa. Hinawakan niya pa ang magkabilang kamay ko. "G-garreth..." pumatak ang luha ko. "No..." pumipiyok ako sa bawat salita na binibigkas ko.

"Garreth..." hinahalikan niya ang leeg ko. As if, magugustuhan ko iyo. Panay ang iwas ko nang pataas na ang labi niya sa mukha ko.

"What happened? You used to like this."

May takot sa mga mata ko na umiling ako. "I don't like this... Garreth. Stop..."

"Ashley..." bulong niya at patuloy parin si'ya sa paghalik. Alam kong maharot ako, alam ko rin na kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyayari ito. Pero h'wag naman sana ganito... Kahit ibang parusa na lang.

"Garreth. Please..." humagulgol na ako ng iyak.

Napahinto si'ya sa ginagawa niya. "Ashley don't cry. Hindi ko pa nga hinuhubad 'yung damit mo."

Mas lalo akong naiyak. OA na kung OA pero alam ko doon na papunta iyon. Saka hindi ito ang moment para gustuhin ko ang makipaghalikan sa kanya, nasa panganib ang buhay ko pati ni Hunter. Hindi ko alam kung kailan ako mapapanatag o magiging masaya ng tuluyan.

"Don't cry," pang aalo niya. "I wouldn't do that." seryosong saad nito, tila natauhan sa gusto niyang gawin. "I will never do that." saad pa nito.

Yumuko lang ako at parang bata na nagtago sa unan. Good thing, hindi niya ako nilapitan. I'm too emotional talaga. NapakaOA ko rin na tao. Wala eh, ganito ako. Oo ganito ako, pero bakit ganito ang nangyayari ngayon sa love story ko. Hindi ba pwedeng Cinderella na lang, pero ayokong pinaglilinis ako. O sige, Snowhite para kakain na lang ako ng apple at matutulong na parang si Sleeping Beauty.

Maya-maya may kumatok. Narinig ko 'yung boses ng bodyguard niya.

"Andito na si'ya,"

"Too early, eh?" komento ni Garreth. Narinig ko ang yabag ng paa niya papalayo sa akin. Nang sumara ang pinto doon lang ako bumangon sa kama.

Andito na si'ya... Anong ibig nilang sabihin? Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Mula sa hagdan sinilip ko kung sino ang napapaligiran ng mga lalaking gangster dito. Nanlaki ang mata ko nang makilal ako kung sino iyon...

Si Hunter.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now