Perfect 37: Another Mishap

43.5K 1.2K 76
                                    

Tinry ko lang magbalik loob. :p yung sa last part, naguluhan kayo bakit may elevator? Diba po nasa bakasyon sila sa tagaytay dahil nanalo sila sa dance contest. :) My bad padin, kasi minadali ko lang talaga yung update na yon. Ayusin ko nalang someday kapag sinipag. ♡

****************************

Sobrang sakit ng head ko. I know, nasobrahan ako sa tulog. Ramdam ko din na sobrang bigat ng katawan ko. I rolled to my side. The bed was very comfortable, sobrang lambot. How I missed this kind of bed... Nararamdaman ko din may hangin ng tumatama sa katawan ko, ang sarap sa pakiramdam... Unti-unti na ata nawawala ang sakit ng ulo ko.

But I stopped. Something's wrong. Napadilat ako. Pinapakiramdaman ko ang paligid ko. This is so wrong. Hindi ako familiar sa makalumang kwarto na ito. I tried to remember everything from last night. Napabalikwas ako sa kama.

Shiat! Garreth! He kindapped me! Tinuloy niya ang plano niya sa akin! Bumilis tuloy bigla ang tibok ng puso ko -- kinakabahan ako. Is this the end of my life? Papatayin na ba niya ako at ililibing?

Nakarinig ako ng yabag mula sa labas. Tumayo ako para sumilip kung sino 'yon, mukhang hindi kami nagiisa dito. Ayoko pa mamatay! Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

The first one I saw, was his bodyguard, yung nameet ko sa first date namin. May kausap si'ya na lalaki na medyo maliit. They're exchanging something... Drugs? Money?

Sinasabi ko na nga ba! Nang bumaba na sila ng hagdan, agad akong lumabas. I tiptoed, para hindi ako marinig. Kailangan kong tumakas!

"She's still asleep?" napahinto ako sa boses ni Garreth.

"Oho,"

"It's been two fvcking days! Ayos lang ba si'ya?"

Wala akong narinig na sagot. Two days? What? Bigla tuloy ako nakaramdam ng gutom. Pero no! My life is more important than food! Tinungo ko ang pintuan. Thank God, hindi si'ya nakalock! Mabilis ako tumakbo pero nagulat ako ang nang biglang lumagabog ang pinto.

"Gising na si'ya, boss!"

Nanlaki ang mata ko. Mas lalo akong kumaripas ng takbo. I don't know where to go but I need to escape here! There must be a way! Kahit napapaligiran ito ng tubig! Oh MY GOD! Eto ba 'yung sinasabi niya na paradise: Neptune?!

"Ashley!" rinig kong sigaw niya. "Ashley, you can't runaway from me!"

"Let me leave!" sigaw ko din habang tumatakbo.

Naiiyak na ako dahil sa movie ko lang ito nakikita. Sa movie lang ito nangyayari! Kapag nahuli niya ko, he'll chopped my body then'll throw it away. Ayoko mamamatay! Not this time!

"Hindi ka makakaalis dito!"

May pababa na bangin akong nakita. Huminto ako, I have a plan. I hope it'll work out. I looked at Garreth.

"Stop in the name of love!" I shouted. "Tatalon ako kapag lumapit ka sa'kin!" pagbabanta ko.

"Tumalon ka." ngisi nito habang hinihingal. What?!

"Tatalon talaga ako at magpapakamatay!" sabi ko ulit at umusog ng konti. Maniwala ka naman na tatalon talaga ako!

"Magpakamatay ka." mas lalong lumawak ang ngisi ni Garreth na kinagagalit ko lalo ngayon. Damn him!

What the heck is his plan ba?!

"What do you want from me?! Ha?! Kaya mo talaga ako niligawan para kidnappin! Ano ba! I can buy you and your friends and this island! Name the price! Mayaman ako, Garreth! You don't need to do this! Pakawalan mo ako, ibibigay ko ang gusto mo!"

Humkbang si'ya ng kaunti. "You can't, Ashley Esqueza. Hindi lahat ng bagay pera ang solusyon."

"Then what? Anong kailangan kong gawin para pakawalan mo ako?!"

"I need you to stay here in this island for you to know. Papakawalan kita pag hindi ako nabwisit sa kakulitan mo."

"What? Nakukulitan ka sakin?! So, pagpapanggap lang pala yung panliligaw mo?!"

"Yes."

Feeling ko namula ako dahil sa galit. Gusto ko si'ya sugurin pero hindi pwede. Mahuhuli niya ako at baka patayin niya pa ako.

"You're a pig, Garreth! I hate you!"

"I don't need your hatred, Ashley Esqueza. I just need you to stay here for awhile. Kung ayaw mo talaga mamamatay ng maaga, sundin mo lang ang gusto ko."

"Over my dead sexy gorgeous body!"

Humakbang ulit si'ya. "If I were you... Susunod ka sa plano ko. It's your time to cooperate, Ashley Esqueza. Nabigay ko na naman 'yung effort na kailangan mo nung nanligaw ako sa'yo."

"Fake panliligaw, you mean?! H'wag kang gagalaw dahil magpapakamatay ako! Tatalon talaga ako!"

"Then jump."

Shiat! Wala talaga kagentleman gentleman itong si Garreth sa katawan. Palabas lang talaga ang lahat sa amin before. Kung makapagsalita si'ya parang wala kaming pinagsamahan. Sabagay! Eto naman talaga yung plano niya simula pa lang. Pinaikot niya lang muna kami! He's so evil! Maybe, tama nga si Josa sa paratang niya..

Wait. Naalala ko na naman yung nangyari that night. Yung pagpapaasa sakin ni Hunter... He wnent after her. Nagtutubig ang mata ko sa halo halong emosyon na nararamdaman ko. Ang malas ko talaga sa lalaki! Ngayon, pati buhay ko nasa panganib!

"What do you really want, Garreth?!"

"Kailangan kita para sa plano ko. I need Hunter to cooperate on this one. At alam kong hindi si'ya papayag na walang kapalit. I guess, he received our message."

"He's coming for me?"

"Not today." there's an evil smile on his face again. "Not tomorrow. Paghahandaan muna natin ang pagdadating niya, Ashley Esqueza. I want you to enjoy this paradise first.... With me... With your body..."

"This is hell!" humakbang ulit ako na patalikod. And then, OHMYGOD! Nawala yung lupa sa likod ko.

"Ashley!" nagpagulong gulong ako.

My face! My beautiful face! Tinakpan ko ito habang pabagdak ako ng pabagsak sa lupa at kahoy na ginugulungan ko. Kung saan saan na din tumatama ang katawan ko. At ang pang finale, sa basang lupa ako nahulog. Thank God, it's a mud! Hindi masyadong masakit pero... May mali.

Pagkaahon ko nanigas ako sa kinatatayuan ko. Punong ouno ng putik ang katawan ko. And I smelled something... Eto na naman ba tayo sa kamalasan ko?

"Are you okay, Ashley Esqueza?!" for the first time, narinig ko na mag pag-aalala sa boses niya.

Pero I don't care. Dahil nakafocus ang isip ko sa binagsakan ko. I looked around at mas lalong nanlaki ang mata ko. Gustong kong masuka. Gusto kong takpan ang bibig ko at ang ilong ko pero hindi ko magawa. It's too dirty!

"Ashley!" sigaw ulit ni Garreth.

Naiyak na ako ng tuluyan. I screamed in frustration.

"AAAAHHHHHH!!!!!! TANGGALIN NIYO AKO DITO! TUKUNGAN NIYO AKO! NADIDIRI AKO! AAAAAAH! AAAAAH! PATAYIN NIYO NA LANG AKO! BASTA TANGGALIN NIYO AKO DITO!"

Para akong bata na nagsisigaw pero hindi makagalaw. Mahihimatay na ako pero pinigilan ko ang sarili ayoko! Lulubog ako. This is freaking too much!

Nakita ko na naman yung pinagbagsakan ko pagdilat ko. Nakita ko ang isa papalapit sa akin, maybe dahil sa pag galaw ko.

Nakakadiri!

Bakit ba sa dami dami nahuhulugan ko sa bangin pa na puro tae ako napunta! Lumulutang sila, both matigas at malambot, and the smell was so gross! This is worst than death, I swear!

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now