Perfect 21: Horror House

52.6K 1.6K 141
                                    

Alam mo, hindi talaga ako sure sa mga titig ni Garreth. Parang gusto niya na talaga ako katayin. Bakit ko naman kasi sinukahan ang paborito niyang suotin na jacket? Bakit?! Hindi ko naman sinasadya 'di ba?

Saka everybody commits mistake. Everbody deserves second chances. Ano ba naman 'tong hinuhugot ko? Nakakainis kasi. Natatakot na ako kay Garreth. Kung andito lang si Tito Willie Revillame manghihingi na ako ng jacket sa kanya right away para ibigay kay Garreth, swear!

"Sorry talaga, hindi ko naman sinasadya! Bigla na lang lumabas sa bibig ko, Garreth." Sabi ko habang pinapagpag ni Garreth 'yung jacket niya.

Mukha pa nga nandidiri ito.

"Kung 'yung sorry mo makakapaglinis ng suka mo dito sa jacket ko. Fuck, Ashley Esqueza bakit 'yung paborito ko pa."

I pouted. Oo na! Nagpapacute na ako sa kanya para lang patawarin niya ako. Hinabaan ko pa ang nguso ko pero napatigil ako ng marinig ko nagtatawanan sila Andeng at Hunter sa likod.

Tiningnan ko pa si Hunter ng masama. Akala niya naman close padin kami. We're at war. Feeling niya naman!

"Garreth," suyo ko nanaman dito. "Lalabhan ko na lang 'yan, kahit hindi ako marunong maglaba." Nanlaki naman ang mata ko ng ibinigay ni Garreth agad sa'kin 'yung jacket niya.

"Oh," sabi nito. "Bukas dapat tuyo na 'yan." Tumalikod na ito sa'kin. "Magyoyosi lang ako."

Napanganga ako. Habang tulala sa jacket na hawak ko. Seriously! Wala man lang preno, wala man lang pag gentleman. Hindi man lang si'ya humindi sa'kin! Seriously talaga! Ganyan na ba talaga ang mga lalaki sa bagong henerasyon!

"Ehem!" napatalon ako sa boses ni Joseng sa tabi ko. "Andito na si Hunter, hinihintay ka na." hinila ako nito sa braso.

Nagkatinginan naman kami ni Hunter. Ang sama lang ng tingin ko sa kanya. Hindi ako ngumingiti.

"Anong meron?" napakamot ito ng ulo.

Natatawa naman si Andeng sa tabi nito. "Gusto kasi pumasok ni Ashley sa Horror house."

Kitang-kita ko ang paglunok ni Hunter ng marinig niya 'yung Horror House.

"Ngayon na?" tanong nito. "May pinapabili pala sa'kin si 'Nay Marya."

"Pare! Si Garreth nga kinaya 'yung kinatatakutan niya. Kaya mo rin 'yan, pre!" sabi ni Joseng dito at inakbayan pa si Hunter.

Napasimangot naman ako habang naglalakad patungo doon sa nakakatakot na bahay. Creepy! Pati 'yung tunog rinig na rinig ko dito sa labas pati 'yung mga sigaw ng mga tao sa loob.

"Ashlita, halika na! Ready ka na ba sa round 2?!" tanong ni Andeng sa'kin.

Mas lalo tuloy hindi maipinta ang mukha ko.

"Hold this," binigay ko sa kanya 'yung jacket ni Garreth at parang boxer na nagreready papasok s ring.

***

Nakatayo kami ni Hunter pareho dito sa entrance ng Horror House. Sunod na kami sa papasok. Grabe lang, per batch pala 'yung pwede pumasok sa loob! Balit sampung tao lang daw.

I crossed my arms, at pinipigilan ipakita 'yung takot ko. Napalingon naman ako kay Hunter na panay ang tingin kung saan-saan. Sa gilid namin, sa likod sa harapan 'yung para bang may susulpot na kung ano.

"Bakit ba nasa unahan tayo?" pinagpapawisan na tanong ni Hunter sa'kin.

Inirapan ko lang si'ya. Duh, magkagalit kami ngayon 'di ba?! Napatalon kami pareho ng bumukas na ulit 'yung pintuan, tapos sabi nung lalaki pwede na kami pumasok.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant