Perfect 28: Pushing and Pulling Me Down To You

47.9K 1.5K 155
                                    

Sa totoo lang, nahihiya talaga ako kumilos ngayon. Hindi ko na alam kung anong hakbang ang gagawin ko. Ang panget ko nga kasi sumayaw tapos shy type tapos si Garreth ang intense pa ng tingin.

"One, two, three, four. Get it?" sabi nanaman nito, habang inuulit 'yung steps sa'kin.

"Hindi nga kasi, di ko alam saan ko iaapak paa ko, sa kaliwa ba o kanan?"

Ang slow learner ko talaga, pagdating sa dancing. Why is that?!

"Iikot mo lang, sundan mo lang ako."

"Okay, sige. Ulit." naghawak nanaman kami ng kamay tapos nagkembot nanaman ako kahit mukhang tanga na 'yung pinaggagawa ko.

Ang tigas naman kasi ng katawan ko. Kainis. "Konting lambot lang, kaya mo?"

"Nang iinsulto ka ba?" naasar na sambit ko.

Nakakaoffend ha?! Alam niya ba na pinaka 100% effort ko na 'yon, ayan na 'yung pinaka malambot na maibibigay ko.

"Fuck. Sige na nga, okay na 'yan. Magbilang ka lang, ha. Pag may music na."

"Ready na kayo?" tanong no Andeng, at humawak na kay Joseng.

Maya maya tumunog na yung kanta. Todo bigay na ko kahit practice pa lang. Nakita ko kasi si Josa na malambot 'yung katawan.

Malambot pero mahinhin. Kaya ngayon sa'kin, matigas man atleast full of energy!

"Ganito ba?" tanong ko kay Garreth habang kumekembot kembot ako, with matching pakendeng pababa pa 'yan.

Tawa naman ito ng tawa habang sumasayaw ako. "Anong nakakatawa?" tanong ko, hindinpadin tinitigilan ang pagsayaw.

Oh yeah. Oh yeah. "Apir tayo! Sumakit ang bewang ko! Sumakit and dibdib ko, sex bomb! Sex bomb! Sex bomb!" kanya ko habang ginagalaw ko talaga yung kamay ko with full effort.

"H'wag mong tigasan." napahinto ako.

Narinig ko kasi 'yung boses ni Hunter. Parang nananadya lang. Alam kong alam niya matigas 'yung katawan ko. Kasi pag napaparty ako, kinahihiya niya talaga ako. Yung tipo lumalayo si'ya sa'kin pag nasa dance floor na ako.

One thing I love dancing in the club? Madilim. Walang nakakakita sa'kin!

"Okay, guys! Change partner." rinig kong sinabi ni Andeng. "Yung sa gilid niyo lang, ha?"

Napairap ako.

"Bakit may change partner pa?" inis na tanong ni Garreth.

"Ganon talaga, para hindi mabored ang manonood satin. Dali, change partner na. Sayang ang oras."

Padabog na lumakad si Garreth sa kabila. Narinig ko naman ang reklamo ni Josa. Maya maya naramdaman ko na si Hunter sa tabi ko.

"Sweet dance na, okay?" humahagikgik na sigaw ni Andeng.

"Anak naman ng!" rinig kong sabi ni Garreth.

"Face your partner."

Nakayuko ako na humarap kay Hunter.

"Ilagay ang kamay sa balikat ni Hunter. Ay! Ng partner pala. Sorry, tao lang."

Talagang sinasadya talaga ito ni Andeng. Ano pa ba aasahan ko? Team Hunyer 'yan.

Kinuha ni Hunter 'yung dalawang kamay ko at ipinatong sa balikat niya.

"Tumingin ka naman sa'kin." bulong nito. "I know I'm an asshole. Pero kahit ngayon lang, tingnan mo ako. Gusto ko makita ulit mga mata mo kung paano sila nagliliwanag pag ako ang kaharap mo."

Sinunod ko 'yung sinabi niya, pero ang talim ng tingin ko.

"Now kiss." saad nanaman ni Andeng.

"Seriously?"sabi ko.

"Ha ha! Joke lang syempre, ilapit niyo lang 'yung pisngi niyo sa pisngi ng partner niyo. Tinginang intense."

"Shit, Andeng! I'll kill you!" reklamo nanaman ni Garreth.

"Feeling mo ikaw lang nahihirapan dito?!" boses ni Josa.

Lumapit yung mukha sa'kin ni Hunter. Shiat naman. Kumakalabog na ang puso ko. Feeling ko, kaming dalawa lang ang andito. Napapalunok pa si'ya.

Ano ba naman kasi!

"Higpitan ang hawak sa partner." si Andeng nanaman. Inilapit ako ni Hunter sa katawan niya.

"Higpit pa."

"Mas mahigpit pa dyan."

"Closer."

"Konting konti pa."

Halos maghahalikan na kami ni Hunter sa sobrang lapit. Geez! Napaurong ako. "Excuse me, CR lang ako."

Pumanik ako paakyat ng bahay at naghilamos ng mukha. Whoa, parang hihimatayin ako sa pinapagawa ni Andeng.

Uminom pa ako ng maraming maraming tubig. Parang nauhaw din kasi ako. Fact naman.

Paglingon ko, napatalon ako ng makita ko si Hunter sa harap ng pinto. Dineadma ko lang si'ya. Dederetso na sana ako palabas, bigla niya hinawakan kamay ko.

"May gusto akong sabihin sa'yo. Sana pakinggan mo ko."

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now