Perfect 6: Jealousy is the ugliest trait

81.1K 2K 99
                                    

Alam mo? Hindi naman talaga ako attracted sa abs ni Hunter dati. As in, hindi talaga! Hindi ko na din maalala kung kailan nga ba nag-umpisa! Ugh! Sa dalawang taon namin magkasama isang araw nagising ako na naglalaway na ‘ko sa mga abs.

Napasabunot ako sa sarili ko.

Oh, Ashley Esqueza! Ano ba naman ‘tong buhay ko? Parang ang simpleng bagay pinoproblema ko?

Inadjust ko ang sarili ko sa kama nang biglang tumunog yung iphone ko mula sa bulsa ng suot ko. Agad ko naman kinuha iyon.

1 message received

Shiat! Baka sila Mom nag-aalala na! Hindi ko pala sila natext!

Pagkabukas ko non unknown number ‘yung nakita ko.

-0916289****-

Buhay ka pa?

Sino naman magtetext sakin kung buhay pa ‘ko? Napakunot ang noo at napaisip noong hindi ko makuha ang sagot nagreply na ‘ko kaagad.

-Dyosang Ashley-

Uh, who’s this?

Maya maya nagreply naman agad.

-0916289****-

GD

Napatayo ako at nanlaki ang mata ko! What?! Paanong nalaman niya yung number ko? Saka stalker ko na ba siya? Papatayin na ba niya ko?! Lord, naman po! Kakadating ko lang po sa pinagtataguan ko tapos malalaman niya agad. Hindi po ba pwede sa climax pa?

Tumingin tingin ako sa paligid baka kasi nasundan na niya ko dito! Hindi ko lang alam. Kahit nagsisimula na manginig yung kamay ko nakapagreply pa din ako.

-Dyosang Ashley-

Wala akong kilalang GD! Sige, wala na kong load! Bye!

Gusto ko na ihagis yung iphone ko ng marinig ko nanaman ‘yung pagtunog nito agad. Kahit kinakabahan na dahan dahan ko itong binuksan.

-0916289****-

Bullsh’it. Walang kilala? Ano buhay ka pa ba? ‘di ba sabe ko sayo wag kang papakamatay! Asan ka?

-Dyosang Ashley-

Sa lugar kung saan hindi mo pwede malaman!

-GD-

SAAN?! Kasama mo si Hunter?!

Ano naman pakialam niya kay Hunter? May away ba sila? Na nadamay lang ako? Siguro nga! Pero nakakatakot kase ‘to si GD! Parang tototohanin talaga yung sinasabi! Nakakatakot po siya Lord! Help me, please! Sabi ko naman po sa inyo papakabait na ‘ko. Malagpasan ko lang po itong nangyayari ngayon. Please po, please, please! Amen.

Huminga ako ng malalim, ‘di ko naman alam irereply dito kay GD malay ko ba? Baka pinapatrace na pala niya ko ‘di ko lang namamalayan! Oh my.. Oh my!

-Dyosang Ashley-

Bakit mo ba tinatanong kung kasama ko si Hunter?

-GD-

Pakialam mo?

Shiat! Wala bang kasweet sweet sa katawan ‘tong lalaking ‘to? Gwapo sana siya kaso nakakatakot talaga. Ayoko magboyfriend ng ganyan, yung lagi akong kabado baka ipapatay na lang ako at itapon sa kung saan. Tapos makikita ko sa mga dyaryo

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now