Perfect 42

43.8K 1.1K 51
                                    

Ilan oras din ako naghintay. Pero wala eh, hindi talaga ako makatulog. Seriously? Sinong tao ang makakatulog kapag nasa ganitong sitwasyon na, right? Kaya kahit gising na gising ako nagkunwari akong tulog. Malay ko ba, baka may nagbabantay pala sa akin kahit sobrang dilim nitong kwarto.

Hihikab sana ako nang may biglang tumapal na kamay sa bibig ko. Napadilat ako agad. OHMYGOD! Kinagat ko yung kamay niya nang bigla si'yang magsalita.

"Aray! Babae, ako 'to."

H-hunter? Hinampas ko ang kamay niya. I know nasa panganib kami ngayon, pero hindi ko parin maiwasan maramdaman 'yung sakit sa parte ng heart ko. Shiat lang kasi kapag naaalala ko. I hate it.

"Alam ko!" pagkukunwari ko sa kanya. "Hindi mo na kailangan na tumahimik ako dahil alam na alam ko!" tinakpan niya ulit ang bibig ko.

"Sabing h'wag ka maingay, hindi tayo makakatakas." ulit nito, at hinila ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko. "Sundan mo muna ako, saka ko sa'yo ieexplain ang lahat na nangyari."

"Wala akong pakialam, Hunter! Iwan mo na lang ako rito."

Tiningnan niya ako ng parang tanga. "Pumunta ako rito para sagipin ka tapos ganyan sasabihin mo sa'kin?"

"Sino ba nagsabi pumunta ka dito?" pagtataray ko sa kanya at nagtalukbong ulit ng kumot.

"Babae---" naiinis na sambit nito. "Sumunod ka muna sa'kin ngayon. Saka ka na maginarte kapag ligtas na tayo."

Bumangon ulit ako. Shiat! Ako pa ang nag-iinarte ngayon, huh?! "That's not my point here! Hindi ka man lang nagsorry sa'kin! Ngayon hihilahin mo 'ko dito na para bang wala kang iniwan. Wala kang pinaasa! That's fine with me, Hunter. I can have Garreth para pwede ka na makipagsaya kay----"

"Sorry." he said.

Natigilan naman ako dahil hinawakan niya ang kamay ko. "Sorry, babae... Hindi ko man kayang ipaliwanag ang lahat sa'yo ngayon, sorry talaga..."

"Okay. Madali ako kausap." tumayo na ako with matching pagtali pa ng buhok. "I'm ready, I know the way come and follow me."

Hinawakan na naman niya ang kamay ko. "Mas alam ko kung saan ang daan dito, babae."

"Sinabi sa'kin ni Garreth kung saan ang 'easiest' way."

"Mabilis ka maligaw, babae. Hindi ka naman magaling sa direction. Makakalimutin ka pa."

"Trust me on this one, Hunter. Come on."

"Babae---"

Tinaasan ko si'ya ng kilay. Bwisit talaga itong lalaki na ito, sino ba kasi susundin niya? E sinabi na nga sa akin ni Garreth 'yung way, right?! OHMYGOD. Oo nga pala! Si Garreth! Kailangan ko siyang isama! Kailangan ko muna si'ya puntahan.

"Si Garreth," sabi ko. "Kailangan ko puntahan si Garreth."

Kahit madilim nakita ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha ni Hunter. "Susunod daw si'ya. Kailangan daw muna natin makatakas."

"I can't leave him here."

"Babae, I can't leave you here."

Hindi ako bigla makagalaw sa sinabi niya. Ngayon? Para bang hindi niya ako pinaasa. Shiat na pag-ibig naman 'to. Nakakabaliw. Ang sarap magpaiwan. Pero naisip ko, kung maiwan ako rito kay Garreth paano na ang future ko? Paano rin 'yung mga tao na nag-aalala sa'kin. Paano na ang lovelife na pinapangarap ko?

"Okay. Basta ako masusunod. I know the way!" hinila ko na ang kamay niya at nagtiptoe kami pareho palabas ng pinto. Halos tulog na ang mga gangsters dito sa bahay. May mga alak pa sa tabi nila, mukhang nilagayan ito nila Garreth ng pampatulog.

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now