Perfect 16: Pusang gala naman, oh.

66.6K 1.8K 331
                                    

Nyay, hindi ko alam na ang dami magsa-suggests nung sinabi ko. Kaya hanggang ngayon nagbabasa padin ako. Yung mapipili ko 'yung unique na never talaga pumasok sa isipan ko. Hahaha. For now, 'yung naisip ko muna. Enjoy this one! ;)


Pagnagtweet kayo about this story, please use, either of this.

#WantedMrPerfect #TeamGarrTer #TeamHunter #TeamGarreth #TeamAshleyDyosa

salamat! Gusto ko lang magbasa haha! :P

P.s. baka more than two mapili ko :) Hi kay ate @VonexBate I like her idea, though :p

********************


Sa totoo lang, parang nananaginip ako ngayong umaga. Mula pagkagising ko parang Prinsesa talaga ako ituring nung dalawa. Ikaw ba naman, babangon ka ng kama may nakahanda na ng pagkain sa'yo.

Parang nasa heaven lang 'di ba?

"Ate, tawag ka daw po sa baba." Hila sa'kin ni Ken-ken.

Andito kasi ako sa kama, nakatulala sa nangyayari sa buhay ko ngayo. Parang kailan lang puro kamalasan 'yung dumadating ngayon? Heaven talaga!

"Anong meron?" napakunot ang noo ko.

"Nagsisibak daw po kasi ng kahoy si Kuya Hunter."

"Ano kung nagsisibak si'ya? Bakit kailangan pa ako tawagin?"

"Kasama daw po 'yun sa panliligaw sabe ni Ate Andeng eh. Kaya kailangan niyo daw po makita." Hinawakan nako ni Ken-ken sa kamay. "Ate, tara na!"

Nagpahila naman ako. I'm a bit curious. Ano bang special sa pagsisibak ng kahoy at kailangan ko pa makita? Pagkalabas ko ng bahay dumeretso kami sa likod nito, nakita ko si Andeng na todo ang ngiti.

"Ano bang meron dito?" lumingon ako sa paligid. "At kailangan... niyo... pa.. ko..."

Loading...

Tumigil nanaman ako mundo ko katulad ng dati pagnakikita ko ang pinakapaborito kong parte ng katawan ni Hunter. Awtomatiko akong napalunok at natulala.

Hindi nanaman magkamayaw ang YUMYUM Hormones ko. Ang abs kasi. Parang tinapay, nagugutom nanaman ata ako ulit kahit kakakain ko lang. Gusto ko si'ya lapitan.. Lasapin at dilaan.. At.. At..

Teka.. Nahi-hypnotize nanaman ako.. Ano ba nangyayari sa'kin? Kusa na kasing lumalapit ang paa ko sa deretso niya.

"Ashley!" nagulat ako ng biglang hawakan ni Joseng kamay ko.

Agad naman nawala 'yung panghihina ko ng bitawan ko ng tingin si Hunter.

"Eh?" sabi ko.

"Nagustuhan mo ba 'yun umagahan mo kanina? Si Garreth nagluto nun!" pagmamalaki nito.

"Oo—-"

"Ashlita, tingnan mo si Hunter, oh. Ang galing magsibak ng kahoy. Ah! Yung abs! Ang abs! Pagnatutupi, abs na abs padin!" sabi sa'kin ni Andeng at hinawakan 'yung mukha ko para mapatingin ulit kay Hunter.

And then just like that... Mabagal nanaman ang lahat ng bagay sa paligid ko. The way na pinupunasan ni Hunter 'yung noo niya pag may nahuhulog na pawis.. Pagkinakagat niya 'yung labi niya habang tinataga 'yung kahoy..

Hunter.. Oh, Hunter..

Papalapit nanaman ako ng papalapit. This time wala nang pumigil sa'kin.

Pero bigla ako napahinto ng lumapit si Garreth sa harap ko.

Hindi ko na makita si Hunter.

"Ashley Esqueza,"

"Ha?"

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now