Perfect 17: How to learn to kiss?

65.5K 1.7K 303
                                    

Alam mo, hindi ko talaga alam kung paano magwalk-out sa date na ito na hindi magagalit si Garreth. Kinakabahan kasi ako, seriously! Habang hinihiwa niya 'yung liempo sa harap ko parang ako 'yung hinihiwa niya. Parang gusto niya ko saksakin dahil badtrip si'ya.

"Kumain ka." Utos nito sa'kin.

Nakatingin lang kasi ako sa kanya. Paano ba kakakain kung nanginginig 'yung mga kamay ko? Shiat naman kasi, eh.  Nang hindi padin ako gumagalaw pinaghiwa ako ni Garreth ng liempo tapos kinuha 'yung spoon ko at deretsong isinaksak sa bibig ko.

"Nguya." Utos nanaman nito.

"Di mo na kailangan iutos 'yan." Reklamo ko.

Ngumiti naman ito. "Good."

Tapos, ayun tahimik nanaman kami. Wala ba kasing break the ice sa date na 'to? Hanggang ngayon kinakabahan padin ako sa kanya lalo na't pag galit si'ya. Nakakabaliw lang. Hindi ko tuloy maimagine na dati pinangarap ko si Garreth na maging Mr. Perfect ko.

Gwapo naman si'ya.

Mayaman.

'Yung mga gusto ko sa lalaki nasa kanya.

Kaso, 'yung ugali.

Siguro pag sinagot ko si'ya walang araw na hindi kami mag-aaway. O sabihin na natin na walang araw na hindi niya ko sisigawan, right? Tama naman 'di ba?

Gusto ko magtanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Magdadasal ba muna ako? O ire-ready ko na 'yung paa ko sa pagtakbo after ko magtanong sa kanya?

"G-garreth." Kinabahan na sabi ko.

Tumingin naman ito habang ngumunguya. "Oh?"

"Bakit ba gusto mo ko kidnappin simula palang? Saka ano ba talaga trabaho mo? Saka bakit nung tinype ko sa laptop ni Hunter na Wanted: Mr. Perfect ikaw 'yung lumabas?" kinuha ko agad 'yung buko at sumipsip sa straw.

Napatigil naman si Garreth sa pagkain. Ay, Lord, sinasabi ko na nga ba dapat hindi na 'ko nagtanong eh.

Tumingin si'ya sa'kin. "Bakit ang dami mong tanong?"

"Wala lang... Nacucurious lang kasi ako. I want to hear the truth."

"Pagnalaman mo 'yung totoo anong sunod?"

"Ewan?"

"Sasagutin mo 'ko? O iiwan mo si Hunter."

Tinaasanan ko si'ya ng kilay at niyakap ang sarili ko. Matalino talaga si Garreth 'no, magulang pa. Gusto lagi siyang nasusunod.

"H'wag na lang." sabi ko. "Akyat na 'ko." tumayo na ko.

At syempre hindi pa ako nakakahakbang nagsalita ulit ito.

"Upo, Ashley Esqueza."

Umupo naman agad ako. "Sabi ko nga, uupo ako."

Inayos muna ni Garreth 'yung sarili niya at nagpunas ng kamay sa tissue. Sabay tingin sa'kin. Isinandal pa nito 'yung braso sa upuan.

"Are you aware that Hunter is a secret agent from FBI?"

"Actually, nung nakipagmeet ako sa'yo dun ko lang nalaman." Pag-amin ko.

"Well, maybe because I'm their perfect target. Kung magse-search ka sa internet I'm one of the most infamous criminals of this country."

Napaatras 'yung upuan ko.

Ngumisi naman si Garreth.

"I do bad things but it doesn't mean I'm evil. Don't be too judgemental, Ashley Esqueza."

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now